Estudyante sa Tarlac, dinala ang kanyang aso sa eskwelahan

  • Usap-usapan ngayon sa social media ang estudyante na nagdala ng kanyang alagang aso sa paaralan
  • Kinaaliwan siya ng netizens dahil halos ituring ng estudyante na parang ‘baby’ o sanggol ang aso
  • Kinilala ang lalaki na si John Ralph Pablo na kasalukuyang nag-aaral ng Doctor in Veterinary Medicine sa Tarlac Agricultural University

Hindi na bago sa ating mga Pinoy ang pagiging malapit sa mga alaga nating hayop. Minsan pa nga, sa sobrang pagmamahal ay itinuturing na natin silang parang tunay na anak o kapatid. Malimit din tayong gumagastos para sa pagkain, gamot, pagpapa-groom, at iba pang pangangailangan nila.

Imahe mula sa Facebook | Rein P Gabuya II

Ganito ang pinatunayan ng isang estudyante sa Tarlac na hindi nag-alinlangang dalhin ang alagang aso sa eskwelahan.

Sa isang viral Facebook post kasi, makikita ang aso na mahimbing na natutulog sa kanyang hita na para bang isang tunay na baby o sanggol.

Kinilala ang ang 4-month-old pure breed Jack Rusell na si Gani at ang estudyante na si John Ralph Pablo na kasalukuyang nag-aaral ng Doctor in Veterinary Medicine sa Tarlac Agricultural University.

“Isa sa pinakamahirap ay maging Isang Batang Ama,” pahayag ng kaibigan ni John na si Rein P. Gabuya sa caption ng trending post.

Marami ring netizens ang naaliw at humanga sa pagmamahal ni John sa kanyang aso kaya pumalo agad sa mahigit 15,000 reactions at 14,000 shares ang naturang post.

“Sana complete vaccine si dogie para di matablan ng virus. Btw, good job kuya. Kitang kita naman na mahal na mahal mo siya. You both deserve to be loved,” komento ni Aleinad Seyer Adenip.

Imahe mula sa Facebook | John Ralph Pablo

Sa isang hiwalay na Facebook post naman mula sa page na “Taga Tarlac Ka Kung”, nag-viral din ang ‘cute moments’ nina John at ni Gani.

“Dinala ko siya kasi walang maiiwan sa bahay that day. So I decided na dalhin na lang siya sa school,” kuwento ni John.