Balisongsong: Popular na kakanin sa Bicol, gustong-gusto rin ng mga nasa ibang rehiyon

  • Isa ang balisongsong sa mga pinakapopular na kakanin sa Bicol
  • Sa Facebook, nagbahagi ng “hugot” ang admin ng page na Proud To Be Albayano gamit ang larawan ng mga balisongsong na nakalagay sa plato
  • Ngunit sa halip na maka-relate sa hugot, mas nangibabaw ang pagkatakam ng mga nakakita ng post na ito

Kapag pinag-uusapan ang mga paboritong meryenda ng mga Bicolano, hindi maaaring hindi mabanggit ang kakanin na kung tawagin ay balisongsong.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, nagbahagi ng “hugot” ang admin ng page na Proud To Be Albayano gamit ang larawan ng mga balisongsong na nakalagay sa plato. Saad niya sa dulo ng caption ng litrato, “Balisongsong para sa nagmahal, iniwan, pero nabusog!”

Ngunit sa halip na maka-relate sa hugot, mas nangibabaw ang pagkatakam ng mga nakakita ng post na ito. Bakit nga ba hindi e isa ang kakaning ito sa pinakamasasarap at pinakapaboritong meryenda ng mga Bicolano; at talaga rin namang gustong-gusto maging ng mga nasa labas ng rehiyon ng Bicol.

“Wow, I miss this so much! One of my favorites!” kumento ng Faceboo user na si Margaret Mary Sarte.

“Wow, my favorite! Nami-miss ko na iyan. Pag-uwi ko ng Bicol, bibili ako niyan. Lahat na favorite kong food sa Bicol, pag-uwi namin, lahat makakain ko na,” nananabik na wika ni Evelyn Bermundo Camacho.

“Missed it so much! Ang gusto ko rito ay iyong konting tutong siya, maraming lukadon, at syempre matamis,”  ani Fanny Cruz.

“Hindi ako kumakain niyan kung hindi si Mama o si Tita ang nagluto,” pagbabahagi ni Marlando Nacario Corporal. “Miss ko na iyang balisongsong. Bibisita ako ng Bicol soon.”

“Masarap ito kahit na walang niyog. I remember how my aunts would make these sa bahay ng lola ko. They learned their recipe from my great grandmother who hails from Ligao,” kuwento ni Maria Anita Tamayo.

Image capture from Facebook

Ikaw, kailan ka huling nakakain ng balisongsong?