Balik-tanaw: Noong panahong isa ang Darigold sa mga pinakapopular na gatas sa bansa

  • Isa ang Darigold sa mga pinakapopular na gatas sa bansa noon
  • Ang evaporated filled milk na ito ay madalas na ginagamit ng mga Pinoy noon bilang inumin, panluto, pampasarap ng mga panghimagas, at iba pa
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga miyembro ang mga sandaling halos lahat ng bahay ay mayroong Darigold

Hindi maikakailan na isa ang Darigold sa mga pinakapopular na gatas sa bansa noon.

Image capture from Facebook

Ang evaporated filled milk na ito ay madalas na ginagamit ng mga Pinoy noon bilang inumin, panluto, pampasarap ng mga panghimagas, at iba pa. Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga miyembro ang mga sandaling halos lahat ng bahay ay mayroong Darigold–idagdag pa ang pagka-hook nila noon sa commercial nito.

“Noong bata pa kami, apat pa lang kaming magkakapatid, sasandok ang mama namin ng kanin sa isang malaking pinggang lata na may kulay sa gilid, tapos bubuhusan niya ng gatas na Darigold at lalagyan niya ng asukal. Tapos iyon na, susubuan na niya kami isa-isa para hindi kami magkalat. Iyon ang ulam namin, ang sarap!” pagbabalik-tanaw ng Facebook user na si Erminda Catolico Chupoco.

“Ito iyong naririnig ko sa radyo noong bata pa ako,” pag-aalaala ni Ignacio Julie. “Gusto ko ang gatas na Darigold, Darigold, Darigold, ang Darigold ang lagi ninyong bilhin!

“Darigold kids kami ng sisters ko. Mga kakarera ko sa three-wheeled bisikleta ang mga cousin ko na for Liberty milk naman. Darigold vs Liberty! Ang saya! Mas enjoy pa ang mga parent, titos, and titas. Hahaha!” kuwento ni Rael Faigal.

“I can still remember the jingle! Gusto ko ng gatas na Darigold, Darigold. Gusto ko ng gatas na Darigold, ang Darigold ang siyang laging bilhin!” kumento naman ni Fely Bernaldez.

Image capture from Facebook

Ikaw, inabutan mo rin ba ang Darigold? Ano ang mga hindi mo makalilimutan sa gatas na ito?