‘Nagkabalikan?’ Meryll at Joem na naghiwalay noong 2010, magkasamang sinalubong ang 2020

  • Magkasamang sinalubong ng dating magkasintahan na sina Meryll Soriano at Joem Bascom ang pagpasok ng panibagong dekada
  • Dahil dito, nagkaroon ng mga ispekulasyon na maaaring nagkabalikan na ang dalawa, lalo na at hiwalay na si Joem sa longtime girlfriend niya na si Crisha Uy
  • Taong 2010 nang tapusin nina Joem at Meryll ang kanilang isang taong relasyon

Ngayong hiwalay na ang aktor na si Joem Bascom sa kanyang longtime girlfriend na si Crisha Uy, hindi maiwasang isipin ng iba na maaaring nagkakamabutihan na sila muli ng dating kasintahan na si Meryll Soriano.

Image capture from Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng tiyuhin ni Meryll na si Mel Martinez ang isang litrato ng kanilang pamilya noong Bagong Taon. Makikita sa larawan si Joem kaya nagtaka ang mga social media users kung bakit magkasama nilang sinalubong ni Meryll ang pagpasok ng panibagong taon.

Taong 2010 nang tapusin nina Joem at Meryll ang kanilang isang taong relasyon. Nitong nakaraan, muling nagkakasama sa mga proyekto ang dalawa; kabilang sa mga ito ang primetime television series na Starla at ang pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival na Culion.

As of posting, wala pang kumento sina Joem at Meryll hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Gayunman, sa isang naunang pahayag ay nilinaw na ni Joem na hindi third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Crisha.

“It’s a mutual thing na nag-usap na kami, pero kailangan ko aminin sa lahat din para ‘di na rin maging tanong, it came from me talaga. Hanggang doon na lang po. Mayroon lang po siguro problema ako with myself, personal na hinahanap ko sa sarili ko. I guess I really had to decide kaysa masaktan ko pa lalo ang tao. Walang third party, all on me,” aniya.

Image via @basconetti | Instagram

Samantala, umaasa raw si Joem na pagdating nga araw ay maaari pa rin silang maging magkaibigan ng dating kasintahan.