Childhood memories: Pag-akyat sa puno, isa sa mga paboritong gawin ng mga bata noon

  • Isa sa mga paboritong gawin ng mga bata noon ang umakyat ng puno
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahong kuntento at masaya na sila sa pag-akyat dito
  • Maaaring upang mamimitas ng bunga, maglambitin, umupo para masdan ang tanawin sa ibaba, at marami pang iba

Naranasan mo bang umakyat sa puno noong ikaw ay bata pa?

Image capture from Facebook

Bago nauso ang mga gadgets at digital games, isa sa mga paboritong gawin ng mga bata noon ang umakyat ng puno.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga panahong kuntento at masaya na sila sa pag-akyat ng puno; para mamimitas ng bunga, maglambitin, umupo para masdan ang tanawin sa ibaba, at marami pang iba.

“Ugali na nating mga bata noon ang umakyat sa mga puno, lalo na sa puno ng kamatsile, bayabas, duhat, kaimito, at saresa. Hahahaha! Matamis kasi ‘pag mismong kapipitas sa puno! Hay, childhood memories na ‘di ko malilimutan!” ani Wengski Caparas.

“Ganiyan gawain ko noon,” kuwento ni Mavirginia Sevilla. “Sa araw, tinitingnan ko na kung saan banda may hinog na guyabano. Sa gabi, ‘pag nagtaguan kami, doon ako tumatago at nanginginain. Binabalik-balikan namin ng pinsan ko hanggang maubos. Kinabukasan, hahanapin na ng lola ko ang mga bunga.”

“Kami ang mga batang umaakyat sa puno at maglalambitin, o kaya ay mamimitas ng bunga,” wika ni Puring Valdez Parriño Santiago.

“Relate much. Ganiyan kami noon. Kahit babae ako, umaakyat ako ng puno. Tapik-tapik lang ng kamay, alam na kung hinog,” pagbabahagi ni Gracia Pura.

“Ay, na-miss ko ‘to, sobra!” kumento ni Yzabel Valdez Diabordo.

Image via Pixabay

Ikaw, umaakyat ka rin ba noon ng puno? Ano-ano ang mga alaalang hindi mo makalilimutan sa libangan mong ito noong bata ka? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!