Batang lalaki na may autismo, todo indak habang nagsasayaw ng ‘Tala’

  • Viral ngayon sa social media ang video ng batang may autismo habang humahataw sa sayaw na ‘Tala’
  • Pagkatapos mapanood ang video, maraming netizens ang naaliw at humanga sa galing ng ‘special child’
  • Ayon sa uploader, ang performance ay bahagi ng kanilang selebrasyon ng ‘Autism Consciousness Week’

Marami ang natuwa, na-inspire, at naantig sa viral video ng isang batang may autism habang nagsasayaw siya ng ‘Tala’. Kapansin-pansin kasi sa video na talagang nag-e-enjoy ang bata sa pag-indak.

Public Domain Image

Ayon sa uploader na si MommyMai Escabarte Emano, ang performance na ito ay bahagi ng kanilang selebrasyon ng Autism Consciousness Week na idinaraos mula ika-20 hanggang ika-26 ng Enero 2020. Ito rin daw ang pinakamahusay na rendition ng Tala para sa kanya.

“Every child is a blessing. Autism Consciousness Week. Best Tala dance rendition,” pahayag ni Mommy Mai sa caption ng post.

Sa ngayon, nasa mahigit 83,000 reactions at 63,000 shares na ang video. Umaasa rin ang ilang netizens na sana’y mapapanood ni ‘Tala’ singer at Kapamilya Pop Star Sarah Geronimo ang naturang video ng bata.

“This is the best Tala dance cover. I’m sure matutuwa si Queen Sarah ‘pag nakita niya ‘to,” pahayag ng isang Facebook page.

Imahe mula sa Facebook | AshLoi – Sarah Geronimo and Loisa Andalio

Ayon sa Autism Society Philippines, ang autism ay isang “lifelong developmental exceptionality” na maaaring humamon sa abilidad ng isang indibidwal upang makipag-salamuha at mag-adapt sa kanyang mundong ginagalawan. Base rin sa mga pagsusuri, isa sa isandaang Pinoy ang nasa autism spectrum. Ibig sabihin nito, pumapatak na nasa 1.2 million ng ating kababayan ang may ganitong uri na kondisyon.

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin ang iba’t-ibang organisasyon sa paglulunsad ng mga programa para sa may mga autism at iba pang espesyal na pangangailangan. Sa tulong ng mga events gaya ng Autism Consciousness Week, naipaparamdam natin sa kanila na sila’y normal, mahalaga, at importante — bagay na lubos nilang ipinagpapasalamat.