Lalaki, niregaluhan ang fiancee ng bikini na may nakaimprentang mukha niya

  • Niloko ng isang lalaki ang kaniyang mapapangasawa na mahilig umanong mag-shopping ng mga bikini
  • Nagregalo kasi ang lalaking ito sa kaniyang fiancee ng bikini na may nakaimprentang mukha niya
  • Ito raw ay para walang ibang lalaking lumapit sa kaniya kapag sinuot ito ng babae sa beach
Imahe mula kay @pattyp_ via Instagram

Normal sa magkasintahan ang pagkaramdam ng selos lalo na sa pampublikong lugar kung saan maraming tao ang nakapaligid.

Hindi kasi maiiwasang magkatinginan ang mga tao na nasa pampublikong lugar, kaya’t nagseselos tuloy ang ibang tao kapag kasama nila ang boyfriend o girlfriend na mahuhuli nilang nakatingin sa iba o nakikipagtitigan sa iba.

Ang ilan sa lugar na marami ang maaaring makakita sa girlfriend o boyfriend na ibang tao na maaaring pag-ugatan ng selos ay sa beach.

Kalimitan kasi ng mga pumupunta sa beach ay nagsusuot ng bikinis o ‘di kaya ay shorts para sa mga lalaki. Marami tuloy ang maaaring makapansin o tumingin sa kanila.

Imahe kuha mula sa video ni Pedro Cuccovillo Vitola via Instagram

Pero para sa Australian na si Pedro Cuccovillo Vitola, nagkaroon siya ng magandang solusyon para walang ibang lalaki na lalapit o papansin sa kaniyang fiancee habang ito ay nakasuot ng bikini sa beach.

Sa kaniyang Instagram account, kinuwento ni Pedro na mahilig umanong mamili at magsuot ng bikini ang kaniyang fiancee na si Patty. Kaya naman naisip ni Pedro na regaluhan si Patty ng bikini na maglalayo sa fiancee sa mga lalaking maaaring lumapit sa kaniya sa beach.

Ang bikini kasi na niregalo ni Pedro ay may nakaimprentang larawan ng mukha niya. Ang buong reaksyon ni Patty sa regalong bikini ng mapapangasawa ay mapapanood sa video sa IG.

I-click ang imahe para mapanood ang video ni Pedro Cuccovillo Vitola via Instagram

Una ay sinabihan ni Pedro si Patty na mayroon siyang nais ipasuot dito bago niya ito lagyan ng blindfold. Nang masuot na ni Patty ang bikini ay pinatayo siya ni Pedro sa harap ng salamin bago tinanggal ang blindfold.

Nang makita ang bikini ay napatili at napahalakhak si Patty na parang nandidiri pa sa suot. Pinaalalahanan naman siya ni Pedro na mukha niya mismo ang nakaimprenta dito.

Sinabi rin ni Pedro na ang bikining iyon ang magiging dahilan para walang lalaki ang magbabalak na lumapit sa kaniyang fiancee sa beach.