Mga estudyante nagplano, nagdisenyo, at gumawa ng sariling palikuran sa paaralan

  • Hinahangaan ngayon ang mga estudyante mula sa pampublikong paaralang ng isang distrito sa bansang India
  • Ang mga lalaking High School students kasi na ito ay gumawa ng sarili nilang palikuran sa loob ng eskuwelahan
  • Gamit lamang ang mga gallon ng tubig at tubo, nakagawa ng low-cost urinals ang mga estudyante na sila mismo ang nagplano at nagdisenyo
Imahe mula kay Nandakishore K via Facebook

Hindi maiiwasan na magkaroon ng kakulangan sa pasilidad lalo na sa mga pampublikong paaralan. Sa dami na rin ng mga estudyanteng nag-aaral dito, may pagkakataong nagkukulang sa libro, upuan, classroom, at maski sa palikuran ang mga pampublikong paaralan saan mang bahagi ng mundo.

Ngunit sa isang distrito sa India, nakagawa ng solusyon ang mismong mga mag-aaral kaugnay sa kakulangan sa kanilang mga pasilidad. sa kanila mismong paaralan.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Nandakishore K, ipinakita niya ang larawan ng mga estudyanteng nakagawa ng low-cost urinals sa kanilang paaralan.

Imahe mula kay Nandakishore K via Facebook

Ang Facebook post na ito na mayroon nang mahigit 17,000 reactions at 25,000 shares ay nilagyan ni Nandakishore ng caption na: Trichy government school students design and construct low cost urinals for their school. They did it by their own. Take a minute and congrats that young talents.

Ang mga estudyante ay mula sa pampublikong paaralan na Kurumbapatti Panchayat Union School ng Manapparai block sa distrito ng Trichy sa India.

Ang limang estudyante na mula Grade 8 ay sina G. Subic Pandian, S. Santhosh, P. Dayanidhi, S. Rahul at R. Prabhakaran. Sa paggawa ng palikuran na ito, sila ay ginabayan ng kanilang guro na si  D.Kesavan.

Gamit ang mga gallon ng tubig at tubo, ang mga estudyante mismo ang nagplano, nagdisenyo, at gumawa ng palikurang panlalaki na ito sa loob ng kanilang paaralan.

Lubos naman ang paghanga ng mga netizens sa ginawang ito ng mga estudyante sa India.

Imahe mula kay Nandakishore K via Facebook

Good job kids!

They have done an impressive work & should appreciate for their efforts.

Wow gorgeous thought.

Congratulations! Bright idea!” 

Nawa’y makakuha rin ng ideya ang mga estudyante dito sa Pilipinas at makagawa rin ng ganitong klaseng pasilidad na hindi lang malaking tulong sa mga estudyante kundi para makabawas na rin sa maaaring gastusin ng paaralan .

Source: Facebook