Manay Lolit kay Epy: Isa sa pinakamababait na anak ni Dolphy

  • Isang nakaaantig na mensahe ang ibinahagi ni Lolit Solis para kay Epy Quizon
  • Si Epy Quizon ang lead actor sa upcoming film na “The Art of Ligaw”, kung saan makakatambal niya si KZ Tandingan
  • Hangad daw niya na magtagumpay ang isa sa pinakamababait na anak ni Dolphy

Isang nakaaantig na Instagram post ang ginawa ni Lolit Solis para sa aktor na si Epy Quizon, ang leading man ng upcoming film na “The Art of Ligaw”.

The Art of Ligaw poster

Sa kanyang post, ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang panghihinayang na hindi siya nakadalo sa press conference ng “The Art of Ligaw”; kung saan makakatambal ni Epy ang singer na si KZ Tandingan, na sa film na ito aarte sa unang pagkakataon.

“Sana pumunta ako sa presscon ng ‘The Art Of Ligaw…kasi type na type ko si Epy Quizon na mahal na mahal ni Rudy Fernandez noong nagkasama sila sa isang sitcom. Naalala ko na gustong-gusto ni Rudy na kakuwentuhan si Epy at lagi sila nagtatawanan dalawa,” wika niya sa caption ng larawan ni Epy na ibinahagi niya sa kanyang sariling account.

Masaya rin daw siya na muli na namang bibida sa isang pelikula si Epy, na isa sa pinakamababait na anak ng yuma0ng Comedy King na si Dolphy.

“Buti naman at bida ulit si Epy na isang mahusay na artista at very professional pa….Na-miss ko talaga si Epy na isa sa pinaka-mabait na anak ni Mang Dolphy. Sana magtagumpay ang project na ito dahil isang mahusay na artista si Epy Quizon,” sabi pa ni Manay Lolit.

Image capture from Instagram

Napanood mo na ba ang unang pasilip sa upcoming film na “The Art of Ligaw”? Kung hindi pa, panoorin ang video na ito at manabik sa pelikulang mukhang patatawanin at paiiyakin tayo:

Iclick ang imahe para sa first scene peek

Souce: Instagram   Facebook