Miniature arts ni Malaysian visual artist Eddie Putera, patok sa mga Pinoy

Likas sa mga Asyano ang pagiging masining at malikhain. Hindi maitatatwang kayang-kayang makipagsabayan ng mga Asian visual artist sa larangan ng sining, lalo na sa nauuso ngayong miniature curving.

Ang miniature arts carving ay paglililok ng isang tao, bagay, hayop, o maging pagkain, sa pinakamaliit nitong bersyon. Nagsimula ang ganitong likhang-sining sa bansang Belgium noong ika-15 hanggang 16 na siglo na ang karaniwang tema ay may kaugnayan sa relihiyong Kristiyanismo.

Isa sa mga kilalang miniature visual artist ay si Eddie Putera ng Malaysia. Patok sa mga Pilipino ang kanyang miniature dioramas dahil kuhang-kuha nito ang mga detalye sa mga lugar na kanyang nilililok na makikita sa kanyang Instagram accounts.

Makikita sa larawan ang isang miniature establishment na mawawaring tindahan ng prutas na may mga sasakyan.

Kayang-kayang likhain ni Putera ang lahat ng uri ng sasakyan maski na ang mga lubak sa kalsada.