Marian sa pamilya ng OFWs: Kailangan sila i-remind kung anong ginagawa ng nasa ibang bansa

Nakaka-relate daw ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pinagdadaanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ng mga pamilya nito.

Sa isang panayam sa anniversary shoot ng television show na Tadhana, ibinahagi ni Rivera na malapit daw sa puso niya ang programa na hino-host niya dahil siya mismo ay anak ng isang OFW.

“Ako rin lumaki rin ako na ‘yung nanay ko nagtatrabaho sa ibang bansa,” wika niya.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang nagpalaki sa aktres ay ang kanyang lola na si Francisca Rivera.

Sa tingin daw ng aktres, kailangang ipaalala tuwina sa mga naiiwan sa bansa ang mga sakripisyo ng mga umaalis nilang mga mahal sa buhay.

“Kailangan lang siguro na i-remind ‘yung mga taong naiiwan dito kung ano ang ginagawa noong mga nasa ibang bansa para sa kanila,” wika niya.

Narito ang buong panayam sa aktres: