Zenayda…ang Babaeng Balyena (Chapter 1)

Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart
Photo Credits: Sakimichan at Deviantart

” Pssstttttttt!” boses ng isang lalaki.

Mabilis ang mga hakbang ni Zenayda sa dahil ilang minuto nalang at ma-late na siya. Nakalugay ang maitim at maalon na mahabang buhok niya. At bakat sa kanyang suot na uniform ang magandang hubog ng kanyang katawan.

” Psstttttt! Hoy, supladang ale!” sigaw ng isang lalaki.

Huminto si Zenayda at humarap ito sa lalaki na patakbong papalapit sa kanya.

” Ako ba ang tinatawag mo Manong? Hindi po ako ibon na i-psssttt mo!” singhal ng dalaga.

” Alangan naman i-hoy kita? Mas bastos at walang modo yun Manang!” sagot nito kay Zenayda.

” Oh, ano ang kailangan mo nagmamadali ako!”

” Magpapaturo sana ako kung saan ang room C2. Late na kasi ako sa english 4 ko kay Professor Tabarko.”

” So, gagawin mo akong tour guide mo? Sumunod ka magkaklase pala tayo eh!”

” Suplada! By the way, my name is Egerberto Winso.”

” Tinanong ko ba kung ano name mo?” Dumiretso siyang  pumasok sa classroom na medyo inis sa lalaking kausap niya.

Umupo ang dalaga sa hulihang upuan kung saan naka upo naman sa may unahan ang lalaking nagpakilalang si Egerberto.

” Zenayda Butingting?” tawag ng kanyang professor.

” Present sir!” malakas niyang sigaw.

” Egerbeto Winso?”

” Absent sir!” malakas na sagot ni Zenayda at lahat na mga kaklase niya ay napatingin sa kanya liban lang kay Egerberto.

” Zenayda ready ka na ba sa report mo?” tanong ng kanyang professor.

” Yes, sir.” sabay tayo at pumunta sa harap para sa kanyang presentation.

Habang nagsasalita siya sa harap, kanina pa niya namalayan na panay ang kindat ni Egerberto sa kanya na ikinapula ng pisngi niya.

” Bastos talaga ang lalaking ito!” usal ni Zenayda sa sarili.

” Miss Zenayda tama ba ang pagkabigkas ko sa name mo? Regarding sa sinabi mo about law of attraction. May example ka ba nito base in your own sabihin natin karanasan mo? ” Sorpresang tanong ni Egerberto na ikinabigla niya.

” I have no reason to answer your question Mr. Wison! My time is not enough kung sasagutin kita!”

” Limited ba ang oras mo, Miss Butingting? Napakasimple ng tanong ko at alam ko may sagot ka.” sabay kindat ni Mr. Wison.

” I have my own LAW Mr. Wison!”

Malakas ang sigawan ng buong klase at halos kasing rosas na pula na ang mukha ni Zenayda. Paklang tawa naman ang sagot ni Egerberto sa dalaga. Napatitig si Zenayda sa lalaki; kulot ang buhok nito at makinis ang mukha na moreno, may biloy sa kaliwang pisngi at maganda ang hugis ng mukha at mata ng lalaki. Ngunit, hindi namalayan ng dalaga na sa kanya pala nakatingin ang lahat na mga kaklase niya.

” I HAVE MY OWN LAW, MR. WISON AT ANG LAW NA ‘YAN AY PARA SAYO!” Malakas na kantiyaw niya.

Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase nila. Dali-daling lumabas si Zenayda.

” Waittt!”

Pero, tila walang narinig ang dalaga at patuloy ito sa paglalakad. Nainis at galit siya sa ginawa nang hinayupak na iyon sa kanya.

Ang dating masayin niyang mukha ay hindi maipaliwanag ang hitsura.

Nakalabas na siya ng school campus at naghihintay ng bus para makauwi.

” Sumakay ka na! Ihatid na kita.” boses ng isang lalaki sakay ng isang mamahaling Black BMW na kotse.

Pero, hindi ito pinansin ng dalaga.

” Pag ayaw mo bahala ka! Kaya mo kayang maglakad pauwi sa inyo?” sabay wagayway sa pink na wallet.

” Hoy! Lalakeng walang modo! Akin na ang wallet ko.” sigaw ni Zenayda.

” Sasakay ka o maglakad pauwi mamili ka?”

” Anak nang tipaklong!” sagot ng dalaga at walang magawa kundi ang sumakay.

” Seat belt please!”

” May kamay ako!”

” I know!” sagot naman ng binata.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Walang plano na makipagkwentuhan ang dalaga kay Egerberto. Tahimik rin ang lalaki hanggang ito na ang kusang bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

” Sorry nga pala, sinubukan lang kita kanina kung magagalit ka ba. But galit ka nga!”

” Ihinto muna dito!”

” Dito ka ba nakatira?”

” Dapat mo pa bang itanong ‘yan?”

” Masama ba ang magtanong?”

” Bawal ba ang sumagot ha?”

” Oh my god! Ito na ang wallet mo. Mag-thank you ka naman.”

Itutuloy…

Ni Jovelyn Bayubay Revilla

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East Edition...[email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!