Zack and Sab – Prologue (Original Story) by TOYANTZ

zackPrologue

“Attention to all passengers. We’re about to land in a few minutes. Please fasten your seatbelts. Kindly check all your belongings.  Welcome to the Philippines. Mabuhay !..” tinig ng babaeng stewardess.

Tila nagising sa malalim na pagkakahimbing si Zack..

Hinimas niya ang sentido gamit ang hintuturo at hinlalaki.

Nagsisimula na namang kumirot ang ulo niya.

Pasimple niyang binuksan ang handcarry bag at kinapa ang maliit na bulsa sa gilid..

Agad niya namang nadampot ang pakay.

Nilabas niya ang isang maliit na botelya.. Binuksan at kumuha ng isang tabletas sabay muling sinara.

Binalik niyang muli ito sa bag .

May dumaang babaeng attendant.

“Ahm.. Miss.. Can I ask for a glass of water .. Please?” nakangiting utos ni Zack.

Ngumiti ang magandang attendant.

“Just a minute sir,” malambing na sabi nito.

Ngumiti si Zack.

Nilagay sa dila ang tabletas at sumandal sa headrest ng upuan.

Pinikit ang mga mata.

Ilang saglit lang ay dumating na ang attendant.

“Your water sir.. Anything before we land?” tanong ng attendant.

Inabot ni Zack ang baso at umuling.

Inisang lagok lang ang lamang tubig sabay abot sa attendant..

“Salamat..” sabi niya..

Di naitago ang gulat sa mukha ng stewardess..

“Pinoy kayo, sir?..” gulat nitong bigkas.

Natawa naman si Zack.

“Of course..’di ba halata?.. Ito naman.. Anyway, ang ganda mo ah.. Nasa Pilipinas na nga ako..” pang-uuto ni Zack sa babae..

Nagblush ang babae.

“Si Sir, bolero.. Enjoy na lang po, Sir..Anak n’yo po siya?.. She’s so cute..” nakangiting sabi ng babae..

Tumango si Zack..

“Salamat din.. Samantha..Sam for short?..Yeah, anak ko ito.. Her name is Zabrina,” biro ni Zack.

Natawa ang babae sabay himas sa name tag.

“Si sir, malinaw ang mata.. You’re right.. Nick ko po ang Sam.. Pero Sir, taken na po ako,” biro ni Sam.

Duon natawa nang malakas si Zack.

Napailing pa siya.

“Sa ganda mong yan.. Mukhang bata ka pa.. Natural lang.. Anyway.. Suwerte ng boyfriend mo.. Can I at least know the name of the lucky guy?..” tanong ni Zack.

Parang napaisip pa ang babae.

“Eric, Sir !..” biglang banat nito.

Tumango-tango si Zack.

“Suwerte ni Eric.. Sige.. Salamat,” sabi ni Zack.

Ngumiti nang matamis si Sam.

“Anytime, Sir.. Enjoy .. Welcome back to the Philippines,” bati ni Sam..

Nagkangitian sila.

Ilang saglit pa ay ibang pasahero naman ang inatupag ni Sam.

Muling napangiti si Zack.

Maganda si Sam.. Suwerte ang Eric na yon.

Pero batid niyang maraming naggagandahang babae na ang nagdaan sa buhay niya.

Pero tanging iisang babae lamang ang nagmay ari ng puso niya.

Ang tanging babaeng nagpapatibok at pumapatay sa puso niya at the same time.

Pero lipas na yon.

Tapos na ang mga panahong naging tanga siya.

Babawi siya.

Nagtagis ang mga bagang ni Zack nang maalala ang pakay sa pag-uwi sa Pilipinas..

Umungol ang nasa tabi niya.

May pumulupot na braso sa braso ni Zack.

Agad napalis ang galit sa mukha niya at napalitan ng pagsuyo.

Tiningnan niya ang katabing bata.

“Papa?..Gising ka po?..” nakapikit na tanong ni Zab..

Natawa si Zack sa anak.

“No baby.. Tulog si Papa..” bulong ni Zack.

Napahagikgik ang bata.

“Papa .. Talking while sleeping.. Ang init po, Papa..” dumilat si Zab.

Napangiti na lang ang ama.

“It is because we’re here in the Philippines, anak.. It’s past 4 PM na .. Wake up na.. Tataba ka lalo eh..” pananakot ni Zack.

Agad na nagdilat ang bata at sumimangot sa ama.

“Di ako taba Papa..” nakasimangot na sabi nito.

Ngumiti ang ama.

6 years old pa lang ang anak niya.

Pero matalas ang pag-iisip nito.

Inalis ni Zack ang nakakumot na jacket kay Zab..

Naupo nang maayos ang bata..

“Papa, may chocoyey pa?” ungot ni Zab.

Umiling si Zack..

“Wala na, baby.. ” tanggi niya kahit marami siyang dalang tsokolate.

Ayaw niyang masira ang ipin ng anak.

Sumimangot si Zab..

“Papa.. Half pa lang po eat ko eh,” reklamo nito.

Ngumisi si Zack at pinakita ang mga ngipin.

“Eat na ni Papa.. ” pang-aasar niya.

Lalong sumimangot si Zab..

Humalukipkip pa ito at nagnguso.

“Galit ako Papa..” nakangusong sabi ni Zab.

Nanggigil si Zack.

Niyapos ang anak.

“Baby.. Mamaya na lang please?” lambing ni Zack sa anak.

Nakanguso pa rin si Zab, pero nangingiti na ito dahil nagsisimula nang halikan ng ama ang parteng kilikili niya.

Di nakapagpigil ang bata kaya sumabog na ito sa tawa.

“Aaaaaahhh… ‘Wag, Papa.. Aahahaa…” hiyaw ni Zab.

Nangingiti na lang ang nasa kabilang side na mga pasahero.

“She’s so cute..” sabi ng matandang babae.

Napangiti si Zack..Proud sa anak.

“I bet pretty din ang Mom niya,” sabi ng babae..

Natawa nang plastic si Zack.

“Thank you po.  Baby, sabi ng Lola, pretty ka raw.. Ano’ng sasabihin?” kulit ni Zack sa anak.

Ngumiti ang bata.

“Salamat pow.. ” hirap ang batang magtagalog.

Lalong na cute-an ang matandang babae.

Parang gustong iuwi ang anak niya.

“Attention to all passengers. We are about to land in a few minutes. Please fasten your seat belts. Kindly check all your belongings. Welcome to the Philippines. Mabuhay !” muling tinig ng babaeng stewardess.

Nginitian ni Zack ang matandang babae.

Inayos na niya  ang anak.

Kaunting gamit lang naman ang dala niya para sa sarili.

Matagal na niyang pinaghandaan ang araw ng pagbabalik nila ng anak dito sa Pilipinas.

Nakabili na siya ng bahay at lupa sa isang sikat na subdivision.

Sa tulong siyempre ng mga kaibigan niya.

Ilang saglit lang ay lumapag na ang eroplano.

Hawak ang isang kamay ni Zab.

Dinampot ni Zack ang mga dala nila.

Hinintay na bumaba ang mga pasahero sabay sumunod dito.

“Zack, pare !..” biglang may narinig si Zack na tinig.

Pamilyar sa kanya ito. Hinagilap ng mga mata ang pinanggalingan ng pagtawag sa pangalan niya.  Sinuyod niya ang makapal na bilang ng mga taong nag-aabang din sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nahagip ng mata niya ang apat na binatilyo na nakatuntong sa fence.  Sinasaway ang mga ito ng guwardiya.

Natawa si Zack, pero nanlaki ang mga mata niya at napasigaw na rin nang mahagip ng mata ang kaibigan.

“Denzel, pare !.. ” kumaway si Zack.

Kinarga na niya ang anak.

Nakisingit sa ibang mga taong nag-aabang din.

Nakalapit na siya sa kaibigan at nagtapikan sila ng balikat.

“Pare.. Putsa.. Long time no see.. Eto na ba si Zab?  Yung anak n’yo ni…” biglang pinutol ni Zack ang pagsasalita ni Denzel.

Napatango na lang ang kaibigan niya.

“Pare, hiyang ka sa America..” segway ni Denzel.

Nagtawanan silang dalawa.

Nakarinig sila ng pito..

Napalingon ang dalawang lalake at nakita nila na may nahuling apat na binatilyo ang dalawang guwardiya.

Napatapik sa noo si Denzel.

“Putris na mga batang to.. Walang sawa sa kalokohan !” inis na sabi ng kaibigan niya.

Napakunot-noo si Zack.

Sumitsit si Denzel..

“Psst.. Anak !.. Dito kamo !” sigaw ni Denzel.

Napatingin sa kanila ang isang binata na hawak sa braso ng isang guwardiya.

“Ayun sila, Daddy.. Tangna n’yo kasi sabing sa gate 1.. Entrance ‘yung tinuturo ni Romeo eh.. Bopols amf…” sabi ng chubby na binata.

Natawa ang mga tao.

Pati ang gwardya napailing.

“Tatay mo ba yon, boy?” tanong nito.

Nag-iyakan ang apat na binata.

“Tito Denz, Ikukulong nila kami .. Heeelpp,” sigaw nung isa.

Natawa ang iba.

“Gago, anong kasalanan natin?” tanong ng isa.

“Possession of Handsome Face, pare.. Tapos alarming public.. Kasi baka isipin nila Teen Star tayo.. Baka biglang magkagulo, ” sabi ng isang binata.

NAgtawanan ang apat.

Pati ang mga taong nakaririnig ay ‘di napigilan ang matawa sa pinagsasabi ng apat na binata..

Napailing na lang si Denzel.

Nakalapit na ang mga binata sa kanila.

“Mga sir.. Pasensya na kayo.. Anak ko itong isa.. Tapos, mga pamangkin ko ‘yang tatlo,” hinging paumanhin ni Denzel sa mga guwardiya.

Tumango ang isang guwardiya.

“Sa susunod, Sir, pakirendahan na lang po.. Ang gugulo, ” sabi ng isang gwardya.

Tumango naman ang pangalawa.

“Nahuli naming nakasunod itong anak n’yo kasama ang isang ito sa hapon na foreigner. Tapos tinanong nitong isa kung nag-aahit daw ba ng pubic hair ang mga Japanese.  Buti na lang kamo, Sir, ‘di sila naiintindihan kundi baka idemanda itong pamangkin n’yo,” inis na sabi ng pangalawang guwardiya.

Naghagikgikan ang mga tao sa narinig.

Nagkurutan bigla ang apat na binata.

“Ang landi mo kasi.. Dapat binulong mo lang, Rom,” sabi nung isa.

Natawa sina Zack at Denzel.

“Pasensiya na, mga sir.. Nakawala kasi sa kural itong mga ito. First timers eh.  Sorry.  Sige po, ako na ang bahala sa kanila..” natatawang sabi ni Denzel.

Tumango ang dalawang guwardiya.

Binitawan na nila ang apat na binata sabay binantaan ng tingin bago umalis.

“Ang papangit n’yo..” bulong nung anak ni Denzel.

Binatukan naman ito ng ama.

“Sira ka talaga.. Anyway, pare.. Anak ko.. Si Darius.. Anak, ninong mo…” pakilala ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Darius.

“‘Yun, mga pare.. Singilan time na.. Ano na po, Ninong?.. 17 years old na ako.  Bale 1 thousand per year tapos with interest na 5 percent per year.. Magkano yon, pareng Aldrin?” tanong ni Darius.

Nagkuwenta naman nang pabiro ang sinabing Aldrin.

“Basta pare singilin mo na lang ng kalahating milyon. Sarap naman maging ninong niyan.. P’wede, Tito, ninong na lang din namin kayo?” biro ni Aldrin.

Nagtawanan ang dalawang Tatay.

“Mga siraulo nito, pare..” biglang banat ni Zack.

Tumango-tango si Denzel..

“Naku sinabi mo pa.. Puros virgins naman.. Hala at umuwi na nga muna tayo. Pare, yung bahay mo fully furnished na nga pala, ” sabi ni Denzel.

Napangiti si Zack.

“Salamat talaga, pare.  Grabe na ang utang ko sa inyo ng tropa,” taos pusong pasasalamat ni Zack sa kaibigan.

Napailing si Denzel.. Binuksan ang dalang van.

“Wala yon, pare.. Hoy mga kutong lupa.. Tulungan n’yo nga ang Tito Zack n’yo sa mga dala.  Anyway si Zab nga pala ‘yang cute na chikiting, ” pakilala ni Denzel.

Dinumog ng apat na binata ang bata.

Nagtaray naman si Zab.

“Panget.. Panget.. Panget.. Pangeeeettttt..” biglang sigaw ni Zab.

Napakunot-noo ang apat na alas.

“Ninong.. Baligtad yata naturo n’yo diyan, ” sabi ni Darius.

“Baka, Tito, malabo mata n’yang anak nyo?” banat ni Romeo.

Binelatan lang sila ng bata.

Natawa si Zack.

“Anak .. Mga kuya sila.. Greet kuya Darius.. ” utos ni Zack.

Sumimangot si Zab.

“Uya Dawyus?..” pilit na sabi ni Zab.

Nagtawanan ang apat na alas pati na si Denzel.

“Cute talaga.. Parang ang sarap isabit sa pader amf..” banat ni Rhoi.

Muli silang nagtawanan.

Nilagay nila sa likod ng van ang bagahe ng Tito Zack nila.

Sabay nag-unahan papasok sa loob.

Napapailing na lang si Zack sa kalikutan ng apat na binata.

Masaya silang bumiyahe.

Isang oras ang lumipas.

Pumasok na sa subdivision ang van.

Huminto sa magarang bahay ang sinasakyan nila.

Bumusina si Denzel nang apat na beses.

May mga naglabasan na tao sa loob.

Isa-isa na ring bumaba sina Denzel at Zack.

Napasigaw bigla si Primo..

“Putsa !.. Pareeeeee… !!!” hiyaw ni Primo.

Sumunod sina Vincent at Nestor.

“Ikaw na ba yan, Zackarias?..Ang pogiii..” tili ni Vincent at Nestor.

Nagtawanan ang mga nanay.

Pinagbabatukan ang mga asawa nila.

Isa-isang humalik sa pisngi ang mga babae kay Zack.

Kinuha nila si Zabrina sa ama at pinasok sa bagong gawang bahay.

Sumunod naman ang kuwadro alas sa mga nanay nila..

Naiwan ang mga tatay.

Nagbatian sila sa isa’t isa.

“Bukas ko na lang ibigay ang titulo, pare,” sabi ni Primo.

“Tulad ng hiniling mo.. Ginawa ko ang  ayon sa design na in-email mo sa ‘kin,” bigkas ni Vincent.

Halos maiyak si Zack, pero pinigilan niya.

“Salamat, mga bro.. Grabe.. Ayaw ko, pero naiiyak talaga ako..” biro ni Zack.

Nagtawanan ang mga tatay.

“Welcome to the neighborhood, pards.. Next block lang kami if ever you need us,” sabi ni Nestor.

Tumango tango si Zack.

“Tara na nga sa loob. Baka magulpi na sa kurot si Zabrina.. Alam n’yo naman sina Misis.. Sabik sa baby,” aya ni Denzel.

Magkakaakbay silang pumasok sa loob.

Nagkaroon ng kaunting salu-salo sa loob ng bagong bahay ni Zack.

Masayang-masaya ang pakiramdam niya sa piling ng mga dating kaibigan.

Pati sa mga asawa nito ay welcome na welcome ang trato sa kanya.

Wala na siyang mahiling pa.

Malalim na ang gabi nang isa-isang magpaalam ang kanyang mga kaibigan.

Napangiti siya nang pagmasdan ang mga kalat sa salas hanggang kusina.

Ang gugulo ng apat na binata.

Kwadro Alas daw sila.

At home na at home naman ang anak niya.. Mukhang ‘di natakot sa mga bagong Tito at Tita nito. Pati sa mga bagong ate at kuya.

Pagod man ay nagsimulang magligpit si Zack.

Medyo maselan siya pagdating sa kalinisan dahil na rin nga sa propesyon niya bilang doctor.

Ilang oras ang inabot niya nang matapos ang lahat.

Ala una na ng madaling araw.

Tahimik na tahimik ang buong kabahayan.

Pinunasan ni Zack ang anak na mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan din niya  itong pinalitan ng damit.

Pagtapos nito ay marahan niya ring pinangko ang bata papunta sa kanyang kuwarto.

Baka mabigla si Zab kapag nagising ito sa gitna ng gabi sa ‘di pamilyar na kuwarto.

At least, pag magkatabi sila ng anak ay panatag itong matutulog.

Matapos halikan sa noo ay kinumutan ni Zack ang anak.

Nakangiti siyang muling lumabas ng kuwarto.

Bagamat tiniyak ng kaibigang si Primo ang seguridad ng subdibisyon ay tiniyak pa rin niyang nakalock lahat ng pinto at bintana.

Mabilis niyang nakabisado ang tahanan.

Napansin niya ang cellphone na nalapag sa bar counter.

Ito ang isa sa talagang pinasadya niya kay Vincent.

Bar…

Para sa minsang pag-inom nang mag isa sa gitna ng gabi.

Napangiti siya nang maalala ang ina.

Sinimulan niyang idial ang pribadong numero nito.

Nag-ring nang ilang ulit.

Napakunot-noo si Zack.

Alam ng ina na ganitong araw siya uuwi. Bagamat nais nitong isa sa mga sumundo ay pinigilan niya dahil sa ‘di niya masabing dahilan.

Kinansel ni Zack ang tawag at inulit muli.

Nakatatlong ring nang may sumagot.

Napangiti si Zack..

“Nay!Nakauwi na po ako. Sunduin ko kayo riyan sa mansyon bukas ng tanghali siguro.  I miss you, Nay.. Si Zab po, tulog na eh. Sayang. Grabeng pag welcome ang hinanda nila Denzel dito, Nay,” dire-diretsong wika ni Zack.

Pero walang sumagot.

Tila nakikinig lang ang nasa kabilang linya.

“Nay?Anong trip na naman po yan?” natatawang sabi ni Zack.

Muli…

Katahimikan lang ang sumalubong sa kanya.

Nagtaka na si Zack.

Muling pinagmasdan ang tinawagang numero.

Nakaregister naman na Nanay ang nakapangalan, pero bakit ayaw sumagot?

“Nay? ‘Di n’yo po ba ako marinig?.Baka mahina po ang signal ?  Sige po hintayin n’yo na lang ako riyan bukas. Mag-impake na po kayo ha? ” nakangiting paalam ni Zack.

Wala na namang sumagot.

Napailing na lang siya at akmang papatayin na ang cellphone nang biglang may narinig siyang hikbi.

“Hello, Nay? .. Ano pong nangyayari sa inyo?” tarantang tanong ni Zack.

Limang segundo siguro ang lumipas bago may pahikbing nagsalita sa kabilang linya.

“Z-zack?..” boses ng babae.

Nagulantang ang buong pagkatao ni Zack.

Matagal na panahon na ang lumipas bago niya narinig ang boses na ito, pero tandang-tanda pa niya.

Ito ang nag-iisang boses na hinding-hindi niya inasahang marinig.

Napalunok siya.

Tulala…

Bumilis ang tibok ng puso.

“Z-zack.. I m-missed you..” untag ng babae sa kabila.

Mahina lang ang pagkakasabi nito, pero dinig na dinig ni Zack ang lahat.

Kahit ang simpleng paghikbi ng babae sa kabila na pilit siguro nitong itinatago.

Umahon ang pangungulila sa puso niya.

Pero agad niya itong iwinaksi.

Muli niyang inalala ang lahat ng masasamang nagawa sa kanya ng babae .

Pinangibabaw nya ang galit !

“I hate you, Sabrina.. Don’t you dare  talk to me again. Never,” matigas na sabi ni Zack.

Agad niyang pinatay ang cellphone.

Sa inis niya ay naibato niya ito sa dingding.

Wasak.

Parang nag-Manta ang cellphone niya at nahati sa tatlo.

Sumalampak nang upo si Zack.

Litong-lito ang kanyang isipan.

Kung kailang nais na niyang magbagong-buhay at pilit na kalimutan ang nakaraan…

Isang simpleng boses lamang galing sa babaeng naging sanhi kaya siya naging miserable sa mga nakaraang taon.  Tiklop agad ang kanyang hinahon.

Ilang minuto din  siguro siyang nakalugmok sa sahig bago niya narinig ang boses ng anak.

“Papa.. Baket ka po cry?..” naiiyak na ding sabi ng anak.

Biglang niyakap ni Zack ang anak at dito binuhos ang lahat ng kanyang damdamin.

“I love you, Zab..” gigil na sabi ni Zack.

Pero ang nasa isip ay imahe ng nag-iisang babae na nagpatibok at nagwasak sa puso niya.

Malapit na silang magtuos.

Muli niyang niyakap ang anak at tahimik na hinatid sa kuwarto.

 

(Itutuloy)

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!