Yung mga usual comments sa SNS gaya ng…

(Photo Credit: andrazaharia.ro)
(Photo Credit:  blog.vanillaforums.com)
(Photo Credit: blog.vanillaforums.com)

Like if wala kayong paki – As far as I know kapag wala kang pakialam sa isang bagay or wala ka kahit kaunting interest sa bagay na yun, talagang wala kang paki, hindi mo papansinin, i-ignore mo lang, lalagpasan mo lang. Pero dahil nag-comment ka, ibig sabihin non may paki ka. Kasi nga nag-comment ka, pinagtuunan mo ng oras para lang lagyan ng comment.

Pero ‘yung nag-post ang masasabi kong totoong walang paki. Wala silang paki kung ayaw mo yung post nila kaya hindi nila pinapansin ang comment mo at pinag-aaksayahan ng oras para lang reply-yan.

Ang dami-daming problema ng Pilipinas ito pa bang mga walang kwentang issue na ‘to ang mas pinagtutuunan ng pansin ng mga tao? – Tama ang dami-dami ngang problema ng Pilipinas at malamang yung mga taong ‘yun, may mga sari-sari ding problema na hinaharap. Kung ang pagtangkilik sa mga bagay na walang kwenta para sa iyo ay makababawas sa pag-iisip nila sa problema, ano naman ang masama?

Hindi naman nila maso-solusyunan ang problema ng Pilipinas, hindi ba? Kahit siguro lahat ng tao sa Pilipinas ay hindi manood or mag-internet, hindi naman ibig sabihin nun magiging maayos na ang Pilipinas. May mga taong nagtatrabaho at nakapuwesto para gawin yun, pero ‘yung mga ordinaryong tao, wala silang ibang magagawa kundi harapin ang sarili nilang problema. Kung ikaw nga na namomoblema sa Pilipinas, pero may nagbago ba?

Napakarami na talagang Tan**ng Pilipino ngayon, mas gusto pa nilang panooring ang mga basurang palabas na ‘to kesa sa …-  Kailan pa naging katalinuhan ang paghusga  sa isang tao base sa pinapanood niya?  Porke ‘yung pinapanood niya ay hindi mo gusto o kababawan lang para sa ‘yo dapat bang isipin na Tan** sila? Iba-iba tayo ng taste, kung para sa ‘yo hindi mo gusto ‘yung isang show, wala naman sa ‘yong pumipilit para panoorin ‘yun at kung ‘yun naman ang gusto ng kapwa mo, huwag mo naman silang husgahan kaagad.

Hindi tama na husgahan mo ang isang tao base lamang sa pinapanood nila at sinusuportahan nila. Hindi mo alam kung anong klaseng tao sila. Malay mo may mga pinagdaraanan silang mabigat at ‘yun na lang ang kasiyahan nila, ipagkakait mo pa ba ‘yung sandaling oras na malimutan nila ‘yung mga problema nila?

Hindi naman porke may kinaadikan silang palabas o artista ay wala na silang ginawa sa buhay nila kung hindi manood, mag-internet at kung ano pa man.  Gaya nga ng sabi ko, hindi pagiging matalino ang husgahan ang tao base lang sa pinapanood nila. Lalo na kung libre naman, hindi naman kailangan na magbayad, bumili ng load at bumoto para lang ma-enjoy yun.

Ano ba naman ‘tong site/page na ‘to, puro ganyan ang pino-post, puro walang kuwentang post naman nito – Ano po ba talaga ang gusto n’yong -i-post nila? Sa dinami-rami ng site, pages sa FB na puwede mong i-like, wala namang pumipilit sa ‘yo na i-like ‘yung page nila. Hindi naman ganun kadali na mag-isip ng topic para sa araw-araw na ipo-post. Kung gusto mo, gumawa ka ng sarili mong page at i-post mo ‘yung mga gusto mong i-post.

Ano po bang klaseng News ang mga pino-post n’yo? Napakaraming balitang puwedeng i-post, ito pang mga walang kuwentang issue – Nagpo-post sila ng mga pangunahing balita, araw-araw may balita sa TV, may mga news updates pa. Sa dinami-rami ng balitang mapapanood mo at makikita mo sa internet, hindi ka pa ba nagsasawa? Kulang pa ba sa ‘yo yun? Kailangan bang puro problema at masasamang balita na lang lagi ang naririnig natin?

About Anon-1

I'd rather remain anonymous
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!