Writers Reborn

Due to  my depression, dahil sa hindi ako pinayagang makauwi  sa Pinas ng month of November ay nawala sa pagkatao ko si ip-yon.

Si ip-yon ang una kong pen name sa Definitely Filipino na isa sa gumawa ng viral story na ang title ay ” Ang Istorya ng Babaeng Nimpo Maniac ( Opo! Ako rin po iyon..) Tinamaan kasi ng depression si ip-yon mula nang hindi siya pinayagang makauwi sa Pinas ng November; lahat ay kinatamaran niya dahil sa pagkadismaya ang tanging pumapasok na lamang sa utak niya ay ang kagustuhan niyang makauwi sa pilipinas ( parang bata lang, hindi rin; ikaw kaya hindi umuwi ng dalawang taon sa Pinas kung hindi ka madepress kapag hindi ka pinayagan..hehehehe)

Kaya sa tuwing bubuksan ko ang aking laptop, ipad at cellphone para gumawa ng isang kuwento, kumento at kung ano

Ano pang mga bagay na tumatakbo sa aking utak ay hindi ko mabigyan ng kahulugan at letra para may maipasa sa Definitely Filipino.Wala akong maiisip na ukopa kasi ng pagkainis, galit at lungkot ang aking utak. Isa dalawang araw pilit kong binabalik ang sarili ko sa dati na masipag mag sulat. Hangang sa lumipas ang ilang linggo wala  na talaga tuluyan ng naglaho si ip-yon sa pagkatao ko mula nang hindi ako payagan para makauwi. ( Sabi rin kasi ng iba ang mga writers daw ay mayroong split personality kaya nakakagawa ng mga istorya na kakaiba. split personality ko kasi ip-yon…^_^ )

 So sa makatuwid para ma conquer ko ang aking dinaranas na mode of depression sinubukan kong  baguhin  ang mga luma sa aking sarili. First kong binago sa aking sarili, hindi na ako masyadong nagbabad sa Facebook. Second binawasan ko ang pakikinig ng music, minsan kasi ang musika ay isa rin sa sanhi ng paglala ng depression ng isang tao lalo na kung malungkot ka tapos makakarinig kapa ng malungkot na musika, lalo ka lang malulungkot.

 Third tinago ko muna yung gitara ko sa aking baul, dahil pati pag tipa sa gitara ay nakalimutan ko na..hehehe! kaya ko tinago yung gitara ko kasi sa tuwing nakikita ko siya lalo lang akong na dedepress kasi bakit  sa tuwing kakalabitin ko siya walang lumalabas na himig sa aking bibig..^_^

 Fourth kong binago yung pakikipag conversation sa ibang tao. iniwasan ko muna ang makipag-usap sa ibang tao, dahil hindi ko ma feel ang aking mukha kung tumatawa ba ako o nalulungkot na kausap ko sila. Minsan kasi mas kailangan mong -sa para mas makapag isip ka kung ano ba talaga ang mas maganda na gawin  para sa sarili mo, kesa sa humingi ng payo sa iba. Dahil ikaw parin talaga ang makakatulong sa sarili mo sa dinaranas mong depression.

 Yung advicena manggagaling sa ibang tao ay parang gamot na lang, na pwedeng maka gamot sayo o pwede ring makapagpalala ng kalagayan mo.

Then Fifth Mas maaga na akong natutulog para may lakas ang utak ko sa pag-iisip ng problema ko…hehehhe. At pinalitan ko na rin si ip-yon para maka-move on ako sa tinatawag ng writers block..^_^

Itong aking mga sinabi ay akin lamang sariling pananaw para makatulong sa aking  mode of  depression, lahat naman yata ng tao ay dumaranas ng depression, pero mas maganda kung malalaman mo kaagad na dumaranas ka nito sabi nga nila early prevention isbetter than cure…^_^

Sa katulad kasi namin na OFW o malalayo sa pamilya ay madaling tamaan ng depression lalo na kung mag-isa ka lang na pinoy sa pinapasukan mo na katulad ko.

Pero ngayon  ako’ y bumalik sa bagong pagkatao at bagong panimula. At ito nga ang WRITERS REBORN…^_^

About Guzaru

Gustong gumawa ng mga kuwentong kababaglahan subalit nauuwi sa katatawanan....^_^