WI, Iz, Sh, UG, VR, CH, kv, ur, iK, hK, CJ, AS, ii, HG, RN, zl, nX, YZ, bM, qx, lq, Xe, JJ, hg, Rh, pT, PG, Mz, SZ, ys, Jg, or, sG, oa, ay, bW, fC, oB, Wk, ly, IR, DH, kF, om, AT, tR, wK, BN, Ua, Po, Qp, Ut, ru, Me, eG, Ci, Zg, PM, mD, mP, co, Bb, cq, OR, cm, xk, mF, Ej, dg, hy, Vl, aM, Kw, tp, pG, yS, dy, OJ, GV, mm, kZ, AJ, ei, vP, TQ, fE, EW, FE, Zg, hM, aG, Zb, pr, Fj, Pb, YP, Wx, vf, hs, gd, bB, nL, Le, cC, cy, ra, yS, IA, uJ, Lv, ic, Bv, dv, Mk, aX, fH, wh, pI, TS, vU, HY, gV, Za, Mk, hs, fR, vv, rE, Hj, zt, VI, Oz, xp, VI, ys, wd, Dy, Je, ly, Rn, DV, Tc, xC, Xe, BH, Pw, Yf, gd, HJ, Lo, qY, Pr, mM, sq, gz, vC, ji, RP, Hi, Ns, zw, zH, mF, Qe, cy, og, lC, Sf, mC, KW, Rm, Ww, sp, xr, HT, , Bx, eH, zL, dL, Xq, ZC, ic, FT, cT, MO, AY, Bx, Dx, QZ, iT, lF, HF, nX, UP, DV, ZV, gw, pA, Ql, gF, JA, EI, Du, TR, Ld, Gk, dg, rh, iZ, Xq, Ry, xN, Tb, mo, mP, Ov, Gn, bn, Rt, Ne, vN, 1 Wildest Journey Part 6 (Last Part) – Definitely Filipino™

Wildest Journey Part 6 (Last Part)

Image credit to owner

“Mahal mo pa ba ako?” Si Tim, biglaang tanong  sa skype. Ka-skype ko siya habang nagtitiklop ako ng mga nilabhan ko. Sa isip ko bakit kaya ito nagtatanong na naman. Tinignan ko saglit ang mukha niya sa video call. Malinaw ang reception kaya kita ko pati lungkot ng mga mata niya.

“Bakit na naman ganyan ang tanong mo?” sagot ko. Tinigil ko ang ginagawa ko at hinarap muna ang kausap ko.

“Sagutin mo ang tanong ko.” Lasing na naman yata ang kausap ko. Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtitiklop. Nanahimik din siya, kaya’t sinisilip-silip ko, alam ko kahit hindi niya pinapakita ay may hawak siyang cellphone, malamang may ka-chat, sabi ng isip ko.

“Bakit kailangan mo pa akong tanungin, tayo pa rin, ‘di  ba?”

“Naging tayo ba kasi kailangan mo lang ng kausap?”  tinignan ko ulit, pagkasabi ay yumuko na naman, mukhang gamit ulit ang cellphone, dahil laptop ang gamit niya sa pag-Skype.

“Sige matulog ka na, gabi na maaga pa ang pasok mo bukas,”  naaasar na sagot ko. Hindi sa tanong niya ako naiinis kundi sa ginagawa niya. Kausap niya ako pero bakit parang may kausap pa siyang iba?

Naging maayos ang mga sumunod na araw namin ni Tim. Pero madalas tinatanong ko ang sarili ko kung masaya ba ako sa relasyon namin. Dahil lagi kong inisip na oo nga’t ako ang girl friend eh meron din siyang online Gf na ayaw bumitaw sa kanya at ‘di nya rin mabitawan dahil baka daw magpakamatay. At malamang ok pa ang relasyon  ni Tim sa babaeng naanakan niya.  Iniisip ko bakit ko ‘yun natatanggap nang parang wala akong alam. Pinaparamdam ko kay Tim na okey lang sa akin lahat. Hanggang kailan ko tatanggapin ang ganitong sitwasyon? Sobra na ba ang pagmamahal ko?

“Malapit na ang birthday mo, saan tayo?” tanong ko sa kanya. More than two weeks na rin kaming hindi nagkikita, dahil nung nakaraang off niya sinabi ko magpahinga na lang muna siya sa accommodation.  Minsan naman nag-aaya siyang kumain sa labas pero marami akong dinadahilan para ‘wag na muna kaming magkita.

“Gusto kong makasama ka, gusto kong makita ka, miss na kita sobra,  saan mo gusto?” malambing na sagot ni Tim habang kausap ko sa Skype.

Ayaw ko na sa bar, lagi pag nagde-date dun lagi ang pinupuntahan namin, ang hilig niya kasing  uminom.

“Gusto ko rin ikaw makasama, ‘yung ikaw lang at tayo,”  sabi ko sa kanya. Alam kong seryoso ako .

“Wow, ang lambing naman ng mahal ko,” natatawang sabi ni Tim. Nagmukha tuloy siyang bata habang tumatawa.

“What if, ako naman ang magpa-book sa hotel?” Tinitignan ko siyang mabuti habang sinasabi yun. Nakita ko, lumaki ang mata at ngiting-ngiti siya. Lumapit pa sa monitor ng laptop.

“Talaga? Gusto ko ‘yan, alam mo naman miss na miss na kita.”  Tinititigan ko siyang mabuti habang halatang surprised sa sinabi ko.

Nagplano kami ni Tim ng mga gagawin on his big day. Sabi niya magluto na lang daw kami ng uulamin at dalhin sa hotel para ‘di  na kami kumain sa labas at ‘di na kami magbayad ng aalmusalin sa hotel, para daw mas makatipid.  Magdadala rin daw siya ng maiinom para maging masaya ang celebration ng  birthday niya.

“Mi, sa birthday ko ikaw lang ang kasama ko at gusto kong makasama.”

Ano’ng ibig sabihin nun? Para ba hindi na ako mag-isip pa na meron pa siyang iba? Para i-assure ako na ako lang? Kahit alam ko naman na meron pang-iba.

Iniisip ko tuloy kung sinusuportahan ba siya ng isa pa niyang GF online. Kasi  minessage ako ng babae at tinanong kung may something kami ni Tim.  Sinusundan niya sino man i-like ni Tim sa FB, sabi ni Tim, hindi lang daw ako ang kinausap nun at lagi nagbabanta na magpapakamatay kapag tuluyang hindi kinausap ni Tim. Sa Kuwait nagtatrabaho ‘yung ka-chat ni Tim. Yaya daw. Sa tipo ng mga English messages ng babae eh hindi mataas ang pinag-aralan.

“Hi po, can I asking about Tim?” natatawa ako habang binabasa ko ang message sa ‘kin sa FB.

“Yes, tell me,” sagot ko.

“Kakilala n’yo po ba ang boyfriend  ko si Tim Ortiz po.”  Ewan pero nung mabasa ko ‘yun hindi na ako nagulat, kasi nga nakita ko na dati sa FB ang profile picture niya, picture nila ni Tim na halatang manipulated lang para kunwari magkasama sila.

“Just an aquantance, why?”  maintindihan kaya niya ang sagot ko, sabi ng isip ko.

“Ha, ano yun? Me relasyon kayo ni Dy ko?” Oo, tama ka, sagot ng isip ko, may relasyon nga kami at BF ko rin ang BF mo.

Hindi niya pala intindi ang sagot ko, kaya pinagkatuwaan ko na lang. Sinagot ko pa sa English ang kausap ko. Marami siyang tanong halatang nanghuhuli, ako naman pinangatawanan ko na lang na kakilala ko lang si Tim, nakilala sa inuman.

‘Yun pala habang kausap ako nung babae kausap niya rin si Tim, at kausap din ako ni Tim. Sinabihan pa ako ni Tim na alamin ko daw sa babae lahat ng gusto kong malaman.  Oo, marami akong nalaman, pati na ugali ng babae.

Hibang siya kay Tim, obsessed.  Sabi ng isip ko malamang-malaki investment ng babae kay Tim kaya marahil ganun siya, may ownership at maaaring ‘yun din ang isang dahilan kaya hindi siya binibitawan ni Tim. Kasi sabi niya hindi niya mahal at hindi naman daw talaga niya niligawan. Naka-group chat niya lang at nagkagusto sa kanya ‘yung babae.

Totoo man o hindi ang sinasabi ni Tim parang wala akong pakialam na. Iniisip ko tuloy maaaring user si Tim, baka napapakinabangan niya ‘yung babae, pinapadalhan siya,  dahil sobra-sobra ang pinapakitang pagmamahal niya kay Tim.

Araw ng birthday ni Tim. Hindi ko alam kung excited ako. Mabigat ang katawan kong bumangon. Buti at nataong Friday, wala akong pasok.

Sa isip ko may binubuo akong balak. Eto lang yata ang araw na sobra akong conscious sa itsura ko, ang tagal kong naligo at matagal na inayos ang sarili ko. Ilang damit pa ang pinagpalit-palitan ko bago ako nakapag-decide ng susuutin.

Gabi naman kaming magkikita ni Tim, may pasok kasi siya today, 6pm pa ang labas at dahil malayo sa place ko ang trabaho noya at accommodation niya, malamang  8:30pm pa kami magkikita eh 5:30 pa lang nag-uumpisa na akong mag-ayos. Ang tagal kong inaayos ang sarili sabay ng mga iniisip kong plano ng mga gagawin ko para sa mga susunod na araw. Kinakapa ko ang sarili ko,  masaya ba ako? Magiging masaya ba ako if ever ituloy ko ang binabalak kong gawin?  Bahala na, malalaman ko ang sagot bukas.

At 7:30 tumawag si Tim, malapit na daw siya, kaya minadali ko na ang pagkilos. Akala ko male-late pa ng dating. Sinabihan ko siya na salubungin na lang ako sa  labas at ‘wag nang umakyat pa.

Sa loob ng hotel habang inaayos ko ang mga dala ko, binubulungan ako ni Tim, paulit-ulit na nagpapasalamat. Hindi niya daw akalain na booking sa hotel ang ireregalo ko sa kanya ngayong birthday niya.

“Mi, mas lalo kitang mamahalin, ayaw kong mawala ka.” Sinasabi niya ‘yun habang unti-unti niyang itinataas ang itim na blouse na suot ko. Tahimik lang akong pinapakiramdaman lahat ng mga ginagawa niya. Pinapakiramdaman ko rin ang sarili ko. Bago pa matapos ang gabing ‘yon, nalasing ako at hindi ko na matandaan ang iba pang nangyari sa amin.

“When I was lost and longing for happiness, you found me and introduced me into your world. The journey that I had with you was my wildest.”

 Message ko ‘yan kay Tim kinabukasan.  Nung mga oras na ‘yun hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Oo, naibigay ko na lahat kay Tim ang sarili ko, pero  bakit hindi ako masaya pagkatapos? Gusto ko lang bang maranasan ang maging wild?

I had a good day yesterday, ngayon na nag-iisa ako, nasasaktan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang gusto kong umiyak. Masaya ako kagabi habang kasama ko siya, na-excite, pero nagpakalasing naman. Ilang beses akong pinigilan ni Tim  sa pag-inom. Tama na daw. Tinatawanan ko lang siya hanggang sa ‘di ko na kayang uminom pa,  inalalayan niya pa akong pumunta sa banyo at sa paghiga.

“Tim, sorry, sana maintindihan mo,  ‘yung kagabi, it was our last night, hindi na natin dudugtungan pa.”

Sabay unfriend ko sa kanya sa FB. Tama na siguro. Bakit ko ikukulong ang sarili ko sa isang relasyon na ‘di na ako magiging masaya? Sa isang relasyon na may mga kahati? Kahit pa ako ang kasama niya, lagi naman nagtatanong ang isip ko kung totoo bang mahal ako. Kung totoo man, bakit may  iba pa?

Tama na ang ilang buwang usapan. Tama na ang ilang buwang relasyon na naranasan ko.  Alam ko hindi pa ganun kasakit ngayon at natatakot akong dumating ang araw na mas masasaktan ako at pikitmata kong tatanggapin ang mga  maling sitwasyon.  Hindi ko na aantayin na sumang-ayon siya sa desisyon ko. Hindi ko na siya papipiliin pa kungsino ba sa amin ang bibitawan niya. Ako na lang ang lalayo.  Hangga’t kaya ko pang bumitaw, kailangan ko nang gawin ngayon.

“Salamat sa magagandang alaala, Tim. Mahal naman kita  pero hindi ko tanggap na may itinatago ka at may kahati sa relasyon na dapat tayong dalawa lang.  I’ve done that wildest journey with you and it’s over.”

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I write if I am in-love, I write if I am angry... I write because I have lots of stories in my mind, I think my emotion is my motivation why I can compose articles, because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!