BN, XT, uD, pj, VO, dS, Qb, xF, yr, nd, pR, Pw, Ts, Pe, cW, Wt, vp, tH, Iq, jp, oy, Uq, mQ, ql, gn, JY, fS, Qr, ew, hM, hU, QI, TI, Xm, do, QR, LG, ak, QU, Uv, HQ, Ii, Ti, rb, yh, Ww, kY, NJ, hM, kj, DP, Cr, xN, ph, HZ, jo, NV, sM, jT, Yq, Gv, ve, tb, Eb, bc, uL, WR, px, al, AK, bl, bA, XZ, Kz, ua, sE, yT, bd, Mv, GX, sc, vZ, TD, Qh, Jf, vg, cA, NA, uA, zm, dh, to, JV, Nb, GO, kG, gK, MK, jm, tL, ul, Ru, TZ, Xj, pC, oP, bx, Gk, rr, is, GG, mP, sH, aj, WY, lS, QF, mo, fT, Zz, jH, jr, KN, kh, jy, LT, DA, BI, lq, kg, MW, sV, IT, Na, GA, cU, UM, rL, Bs, Hp, nI, Wp, wx, xe, LI, Ob, lw, Xf, AF, BE, Of, Fs, nX, Hb, dB, Bi, Cm, Mf, Dw, Vg, bR, Zp, KQ, wn, XQ, Pn, wC, wA, Dy, DO, JK, QI, GW, Vo, kV, VH, WO, Hf, Ev, Cm, ar, lF, iY, na, Pc, ny, Vy, Zu, pt, JO, rh, fF, df, Rp, bx, Tu, RA, qf, Zw, bG, nb, Cy, Pe, dO, iq, mF, Kh, Ug, Cz, rD, pk, sf, VO, oj, bN, UP, ox, qs, mq, TV, Yw, ds, 1 Wildest Journey Part 5 – Definitely Filipino™

Wildest Journey Part 5

Image credit to owner

“Galit ka ba?” si Tim ulit.

“After kong makita ‘yun? Magtatanong ka ng ganyan?” medyo mataas ang boses ko habang kausap siya sa skype.

“Sorry na hindi ko nasabi sayo, pag nag kita tayo ulit, may sasabihin pa ako sayo, lahat lahat na para makilala mo ako ng husto, alam ko madami kang doubt sa akin.” Nakatitig lang ako habang nagsasalita siya.

“Mahal mo ba ako?” Biglang tanong nya. “Mahal mo ba talaga ako?” inulit pa.

“Di ba dapat ako ang nagtatanong nyan? Kasi ang dami mong sekreto, alam ko madami pa akong malalaman sayo.”

“Mahal na mahal kita, gusto ko magtatagal tayo.” Hayst ang sarap nyang tignan habang sinasabi yun. Pero kulang sa feelings, kung actor lang sya habang nasa shooting at ako ang director, malamang kanina pa ako sumigaw ng “Cut! Kulang sa feelings, alang dating yung salita, panay facial expression lang.” Pero hindi ako director at hindi sya actor.

“Tulog na lang tayo bukas na lang tayo ulit mag-usap.” Sabat ko. San ba ako tinopak? Sa mga nakitang kong picture sa facebook or sa mga narinig ko sa kanya na di tumatagos sa puso ko?

Kinabukasan maghapon hindi ko kinausap si Tim. Nagmemessage sya pero di ko sinasagot. Seen mode lang ako. Pagdating lang ng gabi ako sumagot. Nag-aalala daw kasi sya. Kaya sinabi ko nasa bahay na ako. Nakiusap kung puede daw kami mag skype. Sabi ko sa kanya sabihin nya muna lahat ng sekreto nya, para puede akong mag desisyon ano ang gagawin ko sa relasyon namin, dahil hindi ko sya ulit kakausapin kung hindi sya magsasabi ng mga sekreto nya.

“Sobrang namiss kita, maghapon di mo ako kinausap, mahal na mahal kita.” Message ni Tim.

“Sigurado ka sa mga sinasabi mo?”

“Mahal na mahal kita, maghapon nag-aalala ako.”

“Sige, sabihin mo ano pa ang puede kong malaman sayo.” Pang de-dare ko sa kanya.

“Pag nagkita tayo, sasabihin ko lahat. I love you , mi.”

“Mahal mo ba talaga?”

“Nababaliw ako sayo, namimiss kita ng husto, magkakaganito ba ako kung hindi kita mahal?”

“O, sige kuwentuhan mo ako, nang iba pang sekreto mo. Gusto ko ngayon na.”

“Sige, may anak ako sa ibang babae. Isa.” Saka sya nag send sakin ng apat  na picture ng batang babae siguro nasa halos nine months na. “Alam lahat ng pamilya ko at ex-wife ko ang tungkol dyan.”

“So meaning  andito ka na, nang naging anak mo yan, bata pa eh.” Pilit kong kinakapa sa sarili ko ang galit, wala.

“Oo andito na ako, nasa pinas na sila ng nanay nya, at hindi na babalik dito. May maganda ng trabaho yun nanay nya dun.”

“Sinusoportahan mo?”

“Oo, mahal na mahal ko ang bata. Pero ala na kami ng nanay nya, nagkakausap man kami para sa bata lang.”

“Bakit ala na kayo?”

“Para makahanap sya ng puede magpakasal sa kanya. Masyado syang selosa. Kaya nakipagkalas na lang siya.  Basta yun anak ko dapat kilala ako.” Pinakita nya rin ang picture ng babae, mukhang singkit, maganda at maputi. Talagang magkakagusto agad kahit sino sa itsura ng babae. Para tuloy bigla nabawasan ang confidence ko sa sarili ko. Lalong lumaki ang insecurities ko. Ang ganda ng babae  dalaga at mas bata, hiniwalayan nya, tapos ako eto, mas matanda , hindi naman kagandahan. So ano kaya ang talagang habol sakin ni Tim? Dahil ba office girl ako, mas malaki ang sahod kumpara sa kanya?  Pero bakit nga ba sinasabi nya na mahal na mahal ako? Inaakit lang kaya? Pinapaasa?

“Mi, galit ka ba?” tanong ulit ni Tim. “I love you, ayokong mawala ka sa akin.”

“ok,” sagot ko sa kanya sa whatsup.

“Mahal mo pa ba ako?”

“Paulit-ulit na lang yang tanong na yan.”

“Wag mo akong iiwan please, masaya ako sayo. Mahal na mahal kita, gusto kong magtagal relasyon natin.

“Paano magtatagal? Ang gusto kong relasyon seryoso, need kong tao yun totoo hindi ako niloloko.”

“Nasa sayo ang desisyon kung ayaw mo na sa akin. Pero if ever maghiwalay tayo, sana maging kaibigan mo pa rin ako.”

“Oo naman tropa tayo.” Kinapa ko sa dibdib ko  kung magiging malungkot ba ako kung hindi na kami mag-uusap ni Tim.

“Mi, I love you, good night.”

“Good night”

“Ala bang love you too.”

“Matulog ka na.”

Kinabukasan pag kagaling sa trabaho, gustong-gusto ko na namang umalis, gawin ang dati kong ginagawa. Namamasyal. Mag-aaya sa kaibigan kumain sa labas o kaya makikain ng hapunan.  Maghapon bihira lang kami nag-usap ni Tim. Ang dami nyang message pero hindi ko lahat sinasagot, sinabihan ko pa na busy ako sa work, kahit ang totoo ala  namang masyadong ginagawa. Parang gusto ko iba naman ang makausap. Alam ko pag si Tim, iisipin nun ok lang sa akin na pinaglihiman nya ako, iisipin nya mahal na mahal ko  sya kaya di ko sya tuluyang maiwasan. Nakipag kita ako kay Lenie at Ester, inaya ko silang kumain sa Filipino restaurant na malapit na sa border ng Sharjah at Dubai. May mga message si Tim, pero hindi ko sinasagot.

“Musta na kayo ni Mr. Dreamboy?” Si Lenie habang nilalantakan ang Buttered Shrimp. Gusto ko sanang tanungin kung mauubos ba nya ang maraming Buttered Shirmp na nasa plato nya.

“Parang malungkot ang love life ng friend natin.” Si Ester na halos pili lang at iilan lang ang pagkain na nasa plato nya.

“Gusto ko ng makipag break.” Nakangangang tinignan ako ni Lenie, kaya imbis na malungkot ang dating ng salita ko natawa ako dahil muntik ng mahulog sa bibig ni Lenie ang hipon na sinalo nya lang ng kamay at isinubo ulit.

“Bakit?” sabay tanong ng dalawa.

“Parang hindi ako sanay na may nagbabantay ng kilos ko, eto nga oh panay message kung nasaan na daw ako, at bakit hindi daw ako nagsasabi kung nakauwi na ako.” Hinablot sa akin ni Lenie ang cellphone ko.  Binasa ang mga sunod sunod na message ni Tim.

“Oy  girl, sagutin mo naman, nakaka awa naman yan, at kapag nakipag break ka dyan, ala ka ng mahahanap na katulad nya,” Si Lenie ang talim ng tingin sakin. Oo nga totoo naman ala na. Si Tim hanggang ngayon nga tinatanong ko bakit nagustuhan ako. Wala naman na talaga sigurong magkakagusto sa akin na pogi, macho at mas bata. Meron siguro baka mas matanda na, if ever lang.

“Oo nga Jin, yun lang ba problema mo sa kanya, ayaw mong masyado kang hinihigpitan, di sabihin mo na  ayaw mo ng ganun.” Naku kung alam nyo lang ang totoong dahilan, sabi ko sa isip ko. Ewan hindi ko rin masabi sa kanila ang natuklasan ko kay Tim.

“Nalaman ko, ang gaganda pala talaga ng mga naging ex nya, ako tuloy eto parang bumaba confidence ko, tinatanong sarili kung talagang mahal nya ako. Kung totoo kaya sya sa akin.”   Hayan pahapyaw na kuwento sa nalaman ko kay Tim.

“Jin, kahit ako naman nakita ko yung effort sayo ni Tim, mahal ka nun ano ka ba, kung hindi ka nya mahal, hindi nya ipapakita sa amin, ang effort nya.” Panghihikayat ni Esther

“Para maging masaya ka na ng husto, alisin mo yang panlalait sa sarili mo.Isipin mo may nabulag sa pagmamahal sayo.” Sabay tawang sabi ni Lenie.

“Kaya ko naman pinasok to, gusto kong maging masaya.”

“Then enjoy, yung nakaraan nya tapos na yun, ikaw yun present, kaya enjoy mo. Okey? Hindi ka na bata Jin. You deserve to be happy, at kalimutan mo na rin ng tuluyan yang ex hubby mo. Ang layo nya kay Tim.” Hayan na naman si Lenie, galit talaga sa ex ko.  Halos tapos na kaming kumain ng tumawag si Tim. Ayaw ko sanang sagutin pero sumesenyas si Lenie na sagutin ko ang tawag.

“Galit ka ba sa akin?” bungad ni Tim. Hindi ko puedeng sagutin na hindi ako galit magtatanong ang dalawa kong kasama .

“May pinuntahan lang, pauwi na rin ako.”  Pag-iiba ko ng sagot sa tanong nya.

“May kasama ka? Sino ang kasama mo?”

“Ung dalawang kaibigan ko, si Esther at Lenie. Kumain lang kami ng hapunan kila Lenie. Pauwi na rin ako.”

“Sige Mi, ingat ka I love you, I miss you.”

“Miss you too.” Kinikilig na pinapanood ako ng dalawa. Sabay hampas sa balikat ko si Esther.

“Bakita ayaw mong sabihing inaya mo kami dito sa Eat all you can?”  basta ayaw kong sabihin yun.

“Hi mi, room na ko katatapos ko lang mag gym? Asan ka na?” Si Tim. Nabungaran kong message sa whatsup  pagkauwi ko sa bahay.

“Kadarating ko lang.” Matamlay  na sagot sa message nya.

“Galit ka ba sa akin?” Tanong na naman ni Tim.

“Kahapon pa yon lumipas na, ibang araw na ngayon.”

‘Mi, I love you, na miss kita.”

“Miss you too.” Hayst paano ko tatapusin ang ganitong relasyon. Sino ba sa aming dalawa ang ayaw talagang mag give-up? In denial ba ako sa totoong feelings ko sa kanya? Ang totoo gusto ko ang sitwasyon namin ni Tim. Nararamdaman ko na parang naaalagaan ako, taga paala-ala ng mga dapat kong gawin,  nagsasabi na mahal ako. Gusto ko bang mawala iyon? Pero lagi kong kinakapa ang ang damdamin ko, may lungkot ba akong nararamdaman kung tuluyan nga kaming maghihiwalay?

[Itutuloy]

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I write if I am in-love, I write if I am angry... I write because I have lots of stories in my mind, I think my emotion is my motivation why I can compose articles, because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!