Wildest Journey Part 4

Image credit to owner

Tumigas na naman ang ulo ko nang sumunod na lingo, wala akong pasok pagkagaling sa simbahan. In-update ko si Tim ng ginawa ko maghapon.  May  duty kasi siya at sa break time lang puwedeng mag-online or tawagan at tumawag.  Sabi ko nasa bahay na ako – correct update, maglilinis ng room – ok tama, at general cleaning ng  kitchen saka maglalaba- hehehe dagdag ko na lang yun. Ang totoo, pagkalinis ng room nagbihis ako, lumabas, nakipag kita ako sa isang kakilala. Mag six na nun ng gabi, si Tim sabi niya closing daw sya kaya 8pm pa ang labas nya. Gusto kong lumabas mag malling, almost two months na indi ako nag ma-mall, mula ng nakausap ko si Tim. Ngayon pagkakataon ko na, ewan bakit ayaw kong sabihing lalabas ako, may gustong bilhin or kakain sa labas.

“Done Gym mi”

“Tulog ka na ba?”

“Night na, ala akong good night na naman.”

“Im sure lumabas na naman ingat na lang mi.” mga message lahat ni Tim, umaga na ng nabasa ko, nagpatay na naman kasi ako ng cp ng lumabas ako kagabi, ginabi na ako ng uwi, napakuwento pa sa kaibigan kong nag-aya sa mall.

“Ha? Nakatulog ako agad, napagod ako paglilinis. Good morning na po, love you.” dahilan ko. Siguro nga hindi ako seryoso, nakikipag lokohan na ba ako nun? Hindi ko rin naman talaga pa alam kung seryoso ba talaga sa akin si Tim. Oo, nasama na nya ako sa hotel, pero hindi na man na ako bata para umasa,ala naman siyang papanindigan sa akin.

“Kung matutulog ka na, sabihin mo naman sakin, para di ako nag-aalala.” Si Tim ulit, bakit ganun hindi ko ramdam kung talagang nag-aalala?

“Sorry, idlip lang sana, na derecho.” Nag stick na lang ako sa alibi ko.

“hmmmnnnn” pag ganyan na ang sagot ni Tim, hindi ko alam kung ano ang nasa isip, di naman na kasi pa mag sasalita ulit, ewan siguro hinahanap ko yun discussion, yung mangungulit, yung magagalit.

“Ok lang ba pahinga muna tayo?” tanong ko sa kanya, ewan may topak ako, parang pakiramdam ko di na ako masaya sa pakikipag chat sa kanya.

“What do you mean? Di muna tayo magkikita?”

“Di naman tayo nagkikita na di ba?”

“So ano ba?”

“Di muna usap.” Kapag pumayag sya ok lang di muna ko makipag-usap sa kanya.

“Yan ba ang gusto mo? Kung ganyan ang gusto mo i-block mo na rin ako sa FB, mahirap kasi makita natin isat-isa  naka online tapos ala namang usapan.”  Sagot nya. Kinapa ko ang sarili ko, gusto ko rin ba syang iblock? Gusto rin kaya nya?

“Mahihirapan ka ba?” tanong kong may halong pag-aalinlangan.

“Sa tingin mo? Kung alam mo lang kung gaano ako kaapektado pag di kita ka chat or ka-usap, sobrang seloso ako pero nilalagay ko sa lugar, hindi kita inaaway.”

“Tinotopak lang siguro ako. Kaya gusto ko muna pahinga tayo.”

“Ikaw kung me dahilan ka bakit ayaw mo na akong kausap block mo na lang ako, kung nagkaka ayos na kayo ulit ng asawa mo, or may iba ka dyan malapit sa bahay mo na mas lagi mong nakikita, sige iiwas ako. Jin, ayaw mo na ba sa akin? Wala na  ba tayong plano na magkita or mag-usap ulit?” Sunod sunod na tanong ni Tim.

“Gusto mo ba ala na agad, ang sabi ko lang naman pahinga muna.”

“Sorry kung may nasabi akong hindi maganda sayo, kaya bigla mong naisip yan. Jin, mahal na mahal kita. Ayaw kong mawala ka sakin.”

“Sorry din.” So first attempt fail. Gusto ko ng kumalas natatakot akong ma-fall ng husto kay Tim. Natatakot ako na baka mas makilala ko sya ng husto at hind maging maganda ang pagtanggap ko, kasi para sakin ang dami ko pang hindi alam sa kanya. Iniisip ko hindi lang ako, malamang marami pa kaming kinakausap nya. Nag seselos na ba ako nun? Hindi. Gusto ko lang mabalik sa dati ang  buhay ko. Parang namiss ko yung buhay ko dati na wala si Tim.

“Mi, mga kasama ko sa work nag-aaya sa bar,unang sahod nila manlilibre dalawa sila.” Pag-papaalam ni Tim.

“Kelan?”

“Maya daw 9:30. Ok lang ba? Gusto mo sama kita?”

“Ha, lakad nyo yan eh.”  Pag tanggi ko.

“Sick leave ka na lang bukas.”

“ikaw na lang muna, enjoy your night.”

“Bukas ha dinner tayo.” Paalala ni Tim.

“Kung next time na lang kaya?”

“Hindi napag-usapan na natin yan. Picture ako maya isend ko sayo.”

“Bakit?”

“Para makita mo ang mga kasama ko.  Tulog ka na ng maaga ha, I love you.” gusto ko sanang sumagot ang sweet naman, kailangan nya pa bang gawin yun?

Bago ako nakatulog may natanggap akong mga pictures mula sa kanya, tatlo. Panay lalaki nga sila sya ang may pinakamalaki ang katawan, halatang halata na maskulado.

Kinabukasan, nagrereklamo si Tim masakit daw ang ulo, naparami daw ang nainum niya. Parang may hinala ako na hindi na matutuloy ang usapan namin ngayon. Siya ang nag-aya na mag dinner kami mamaya, parang hindi na yata matutuloy.  Gabi na hindi na ulit nagmessage, hindi na nga tuloy, suot ko pa naman ang pinakabago kong blouse today, yun magmumukha akong maayos tignan, hindi matanda. Pinaghandaan ko kaya, siya pa nagpaalala kagabi.

“Sorry mi, nangako ako kakain tayo ngayon.”  Gabi na nang mag message siya.

“Sana pala kagabi nag close na tayo di tuloy.” Masama talaga loob ko, ibig sabihin kinalimutan niya itong usapan ngayon, dahil nagpakalasing sa alak kagabi.

“Bukas tuloy tayo, maaga ako mag out sa work, okey ba?”

“Wag na, next time na lang.”

“Skype naman tayo.”

“Next time na lang din.”

Iyon ang unang  pangako ni Tim na di tinupad, kaya sa isip ko baka kailangan kong magbilang. Ilan pa kaya?

***

Birthday ko. Ininvite ko siya, pati na iba pang kaibigan ko. Nagluto si Jinky ng pansit at lumpiang sariwa. Nagdagdag naman ako ng menudo at sisig.

“Darating ba si Mr. Dreamboy?” tanong ni Lenie, nakuwento ko na si Tim sa kanila ni Ester. Sila pa lang at si Jinky ang nakakaalam ng tungkol kay Tim. Hindi ko pa rin naman masabi sa mga kasama ko sa bahay ang tungkol sa amin.

“Nagmessage siya sa akin nasa biyahe na, Len.” Tinawanan ako ni Lenie sabay bulong na kinikilig daw ba ako. Si Ester naman, bumubulong din nagdadalaga na daw ang friend nila. Tinawanan ko lang. Sa message sa ‘kin ni Tim sabi niya, kung ok lang daw ba na male-late ang regalo niya sa akin. Nag reply naman ako na kahit chocolate lang masaya na ako.

Nagdatingan na ang karamihan sa mga kaibigan ko, pero si Tim, wala pa, hindi na yata darating. Pero maya-maya binulungan ako ni Lenie.

“Jin, si Mr. Dreamboy nakasalubong  ko kanina nung bumaba ako, bakit wala pa?”

“Sure ka? Siya ‘yun” Pagtataka ko. Inutusan ko kasi si Lenie na bumili ng soft drinks sa supermarket.

“Oo siya yun, ‘di ako magkakamali, kahit sa picture ko lang nakita, hindi papunta dito, sa opposite direction ang pinuntahan niya.” Inisip ko baka nga hindi na pupunta, or baka bibili nga ng chocolate, pero bakit ang tagal. Kanina pa ‘yun message nya na papunta na, halos mag two hours na.

At last! Dumating na si Tim. Kinilig ang dalawang kaibigan ko nang makita nila si Tim. May dalang strawberry choco cake  mula sa mamahaling bakery dito sa Dubai at may dala ring bag hindi na nakabalot pero nakalagay naman sa isang pouch bag na mamahalin ang tatak. Inabot sa akin ni Tim ang box ng cake at nilagay ko sa lamesa ng mga food. Sakto lang pala ang dating niya, kakaumpisa lang magkainan ng mga bisita ko. Sinabihan  ko si Jinky na ayain kumain si Tim. Hindi ko malapitan dahil ‘yung iba kong kaibigan nang-iintriga ang tingin.

“Pumapag-ibig, ang haba ng hair mo, friend!”  pang-aasar ni Ester pero pabulong.

“Ang macho pala talaga ni Mr. Dreamboy, mas pogi sa personal,” pangungulit ni Lenie, pero pabulong din. Maya maya ay nilapitan si Tim at kinakausap kung ok lang ba. Naroon din si Jason kaya sinabihan ko ng kung puwede kausapin si Tim para ‘di ma out of place dahil karamihan ng bisita ko ay babae.

Nung nag- alisan na ang mga bisita dun ko napansin talaga palang mamahalin yung regalo ni Tim, hindi ko akalaing magbibigay siya sakin ng mamahalin. So pa pogi point siya, so erase na ‘yung pangakong di natupad.

Two months na kami nang me una akong natuklasan tungkol sa kanya. May online girl friend siya taga Saudi. May love obsession sa kanya ;yung babae. Marami nga namang magkakagusto sa kanya, guapo eh. Ang ganda pa ng katawan. Nakita ko kasi nag comment sa isa sa mga picture niya ang sabi ang pogi talaga ng Di ko. Kaya naisipan kong tignan ang profile ng babae sakto hindi naka private. Marami silang pictures na halatang gawa sa photoshop na magkasama sila. Tapos nakalagay doon kumpletong pangalan ni Tim, sabi pa sa mga pictures mahal na mahal niya ang BF nya. Pinikturan ko at pinakita ko kay Tim. Hindi ako galit alam ko nung nakita ko yun, hindi ko rin masabing nagseselos ako. Siguro eto na  ‘yun araw na hinihintay ko para matapos na kami.

“Mi, nakilala ko lang ‘yan sa group chat at nagustuhan niya ako, sobra siya  kahit pigilan ko ginagawa niya yan, pati nga mga kaanak ko ina add niya, ginugulo niya, hindi ko ma-unfriend kasi nagbabanta magpapakamatay daw.”

Hindi ako naniniwala sa alibi nya. Kasi kung wala silang relasyon o hindi niya nilaro ‘yun feelings nung babae, hindi naman siguro magpo-post ng ganun yun. Pero bakit hindi niya bitawan ‘yung babae? May nakukuha ba siya dun?

“Sana pala hindi ko na pinatagal ‘to, noon pa bumitaw na ako.”

“Mi, skype tayo please,” pakikiusap ni Tim. Pinagbigyan ko.

“Ayaw kong mawala ka sa ‘kin, ‘wag mong intindihin ‘yan, ikaw ang kasama ko dito, sa ‘yo lang ako. Mahal na mahal kita.” Kahit mukha siyang seryoso, parang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya, hindi tumatagos sa dibdib ko, hindi ako kinikilig. Pero gustong-gusto ko siyang tignan, ang guwapo niya talaga lalo na pag seryosong nagsasalita.

[Itutuloy]

 

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I write if I am in-love, I write if I am angry... I write because I have lots of stories in my mind, I think my emotion is my motivation why I can compose articles, because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!