Wildest Journey Part 3

Image credit to owner

Kinagabihan nangungulit na naman si Tim.

“Bukas sigurado may inuman after ng kasal, dyan na lang ako matutulog ha,”

“Ano ka ba bawal dito, di ba sabi ko nga sayo hanggang salas lang at kusina ang mga bisita. Ala kang tutulugan dito.” Naku problema pag nangulit si Tim.

“Kahit dyan lang ako sa sofa sa receiving area nyo, ako matulog ok lang, tulog lang naman eh. Malapit lang bahay ng kaibigan kong ikakasal dyan sa bahay nyo. Please.” Pangungulit ni Tim. Sabi na nga ba.

“Bukas Tim pag-usapan natin yan, bahala na.” Oo bahala na bukas. Hindi ako makatulog ng gabing yun, sama na lang kaya ako sa kasalan? Malasing o hindi sigurado pupunta sa bahay si Tim, at hindi uuwi. Hindi ako ready ipakilala sya sa mga kasama ko sa bahay. Paano? Kakilala?Manliligaw? BF?  Nahihiya ako sa sasabihin ng mga kasama ko sa flat. Kakahiwalay ko lang hayan na agad may kapalit?

“Hi, Jin ayaw kitang bigyan ng problema dyan sa Flat mo, alam ko naman bawal, at hindi mo pa ako napapakilala sa mga kasama mo. Kaya eto, puede ba?” pagkagising ko kinabukasan eto ang nabungaran ko sa inbox ko mula kay Tim. May kasamang screenshot ng Hotel. Napangiti ako.

“So mag hohotel ka pag kagaling sa kasalan?” napapangiting tanong ko. Solve na ang problema ko. Malayo kasi ang accommodation at trabaho ni Tim sa lugar ko, at bawal namang mag travel kapag lasing baka mahuli ng police, mahirap na.

“Kung kasama ka.”  Ang tagal bako ako sumagot,  sasama ba ako?

“Sama ka na ipa-book ko na ha, ala akong pasok bukas kaya ok lang. Ikaw ala rin namang pasok bukas, di ba?” mag almost 2 weeks na kami na, ni hindi nga pa kami nag de-date as Bf-and Gf eto agad? 2 times pa lang kaming lumalabas pero nung hindi pa kami. Bigla akong ninerbyos ano ba ang isasagot ko?

“Mamya na yan di ba?” Ninerbyos ako na naeexcite.

“Yup, mamya aalis ako agad sa reception ng kasal, susunduin kita sa Flat nyo,dadalhan kita ng food ha kaya wag kang maghapunan mamya okey? Pumayag na ba ako, parang hindi pa naman. “I love you Jin, bawal tumanggi, hehehe,  excited na ako.”

Hindi pa ako pumapayag. Iniisip ko eto na ba yun? Kaya nya ako niligawan, gustong maka score? Mix emotion ang nararamdaman ko, takot, excitement, nerbyos at parang gusto ko rin makita gano ba talaga ka macho si Tim? “Sige i-book mo na. Pero sa baba na lang tayo ng building magkita mamaya, wag ka ng umakyat sa flat.”

“Excited na ako makasama ang mahal ko, I love you more, miss you so much.”

Habang nasa trabaho ako, dami kong iniisip, baka eto na yun, after neto kakalimutan na nya ako. Masasaktan ba ako if ever? Pinipilit kong kapain kung may pain nga habang iniisip na baka eto na ang huling gabi namin ni Tim. Excited, mas iyun ang nararamdaman ko sa maghapon ko sa trabaho.Bago mag 11am nagpaalam si Tim na aalis na daw siya pupuntahan na nya ang ikakasal. After nun hanggang 4pm hindi na ulit nagparamdam, malamang alang data ang cellphone nya sa labas or nasa wedding ceremony pa.

At 5pm.

“ Jin, gutom na ko, di pa kami kumakain.”

“Hala! Bakit anong klaseng kasalan yan ala bang food?”

“Meron madaming ulam, nakalimutan lang magsaing, hehehe. Jin mamya ha, tuloy tayo”

“ok.”

“Bawal magbago ng isip ha.”

“Puede ba mag request?”

“Ano?”

“Dala ka ng puede mainom mamya yun nakakalasing, hehehe”

“Maglalasing ka?”

“Hindi naman.”

“See you, I love you Jin.”

“Love you.”

Fist time to, sasama ako sa hotel. Hindi naman na ako bata para hindi isipin na alang mangyayari.

“Kinakabahan ako Tim.” Sa loob ng room ng hotel. Nag book sya sa isang 4 star dito malapit lang sa trabaho ko.

“Natatakot ka ba sa akin?”

“Hindi naman, kaya lang first time ko to, ayaw ko isipin mo na…”

“Ano ka ba, masaya ako na kasama kita dito. Eto inumin mo para mawala yang kaba mo.” Binuksan ni Tim ang isang lata ng Redhorse at sinalin sa tasa na nasa tabi ng Electric Kettle na nasa room. Ang ganda ng amviance ng hotel.  Parang ang sarap matulog.  May lamesa sa tapat ng bintana. May blinds na brown pero kalahati lang  ang nakatakip sa bintana, kaya kita na nasa bandang taas kami ng hotel,  ang liit ng tingin ko sa mga sasakyan sa ibaba at di ko halos aninag kung may mga taong naglalakad sa baba. Naupo ako sa silya na nasa tapat ng bintana habang iniinum ang redhorse, nililibang ko ang sarili sa pag tingin sa mga sasakyan sa ibaba. Ibinaba ni Tim ang blinds hanggang totally matakpan ang buong bintana. Saka ko sya tinignan. Nakatayo sya sa gilid ng lamesa. Nakatitig sa akin.

“Kumain ka kaya muna, bago mo ubusin yang Redhorse, malalasing ka agad nyan ang bilis mong uminom.” Naupo si Tim sa inuupuan ko siniksik ang katawan sa likuran ko, saka inabot ang plastic na dala nya, binuksan, maraming pagkain, may lichon kawali, fried chicken at menudo. Isinubo sa akin ni Tim ang isang maliit na slice ng Lichon kawali.

“Mamulutan ka uy, kumain ka kaya muna”  ulit pa nya, habang sinasabi itinataas nya ang buhok ko at maya maya humalik sa batok.

“Busog ako, kumain ako sa bahay, aalisin mo ba kaba ko?” hindi na sumagot si Tim, nag-umpisa na akong halikan sa leeg, sa tenga at saka tumayo. Nagulat ako ng bigla nya akong binuhat. Parang napakagaang ko lang habang buhat buhat ako papuntang kama.

“Beh saglit, ibaba mo na ako.” May tama na ko kahit isang lata palang ng redhorse naiinum ko. Pag pala mabilisan ang pag kakainum mabilis din ang tama. Nilapag nya ako sa kama at tinitigan. Nakangiti rin akong nakatitig sa kanya.

“Sino si Beh?”

“Ha?” Kunwaring di ko narinig.

“Jin, si Tim ang kasama mo ha.”

“Tim ikaw nga ang kasama ko di ba?” Sabay baba sa kama at kinuha ang isa pang redhorse na nasa maliit na ref.

“Uubusin mo yan? Hati tayo.”

Nalasing ako. Pero alam ko naman ang iba pang nangyari sa amin ng gabing yun at hindi  ko naman pinagsisihan na makasama si Tim.

“Jin, gusto ko may tawagan tayo endearment ba.” Bigla singit ni Tim sa mga pag-uusap namin sa chat.

“Ha, kailangan pa ba yun? Ok na sakin yun Tim at Jin. Bagay di ba?”

“Gusto ko para mas sweet, Mi or Di kaya gusto mo?” kailangan ba talaga yun, hindi naman na kami bata.

“Ok sige Beh na lang.”

“Ayaw ko ng beh”

“Bakit dahil may  beh ka na?”

“Basta”

“Bakit nga?”

“Wag na lang ok na ang name natin.”

“Pero ako tinawag mo ng beh dati.” malamang kaya nya inopen to may gustong puntuhin etong kausap ko.

“Uy wag kang gumawa ng issue, di kita tinatawag ng ganyan.” Biro ko sa kanya, para kunwari sipin nya lasing lang talaga ako nun. Pero ang totoo alam ko na tinawag ko syang Beh, ewan nadudulas ako, ilang beses nung lasing ako.

“Hindi mo sy a nakalimutan tinawag mo ako ng maraming beses sa hotel ng beh.”

“Hindi ko alam yun”

“Lasing ka kasi”

“Sorry…”

“Matulog ka ng maaga ngayon ha, baka mamya nyan makipag-usap ka pa sa beh mo.”

“May ganun? Pagkatapos kong sumama sayo? Ganun ba tingin mo sakin?” medyo naiirita  kong tanong.

“Sige Mi na lang tawag ko sayo, tulog ka na antok na rin ako, goodnight Mi, I love you, I miss you Mi.”

Yun lang ang maganda kay Tim, pag ramdam nya na nagtataray na ako, madaling mag switch ng conversation. Pero hindi ko sure kung talagang maganda nga yun o kunwari lang na seselos sya, playing game ba. Ngayon pa ba ako mag-aalinlangan sa kasama ko, eh sumama na nga ako sa hotel. Tigas mo Jin. Hirap mo spellengin

“Goodmorning Mi. I love you.”

“Morning too, Di, hehehe!” .  Di, short for daddy? Parang di ko naman carry yun, mas matanda ako sa kanya eh.

Isang umaga nagising ako, himala ala atang message si Tim. 8am na, madalas ang unang message nun 7:15am, madalas ganun ang oras ng gising nya kapag 9am ang start nya ng pasok, kapag sya ang opening sa pinapasukan nyang food shop sa loob ng hotel. Kahit sya ang closing ganun pa rin ang gising nya at oras ng mga message. Laging may “Good morning at I love you, or I miss you.” for almost two months now lang ala. Sige na, nakakamiss din. Pero medyo nag-alala ako. Nagmessage ako, pero di naman sya online.“Matawagan na nga lang,” sabi ko sa sarili ko. Nagriring ang phone, pero alang sumasagot.  Pagkatapos kong mag-almusal tumawag ako ulit, ala pa ring sagot. Nasa tren na ako para pumasok sa office nang tumawag ako ulit. “Hanggang tatlong beses lang  Jin, pag di pa rin sinagot, wag mo ng kausapin.”  Bulong sa sarili ko.

“Kakagising ko lang Mi, naka silent cp ko baka kasi ma istorbo roommate ko. Ingat ka papasok ka na ba?” Message ang sinagot nya sa tawag ko.

“hmmmmmmn.” Di ko alam ang isasagot ko, sisitahin ba dahil alang message ng umaga, eh kasi nga kakagising lang or sisitahin dahil hindi sinasagot ang tawag ko. Hindi na ulit nag message tanghali na. Ang nasa isip ko baka may kasamang iba at syempre bawal ma istorbo. Ang alam ko off nya ngayon, maaring napuyat at may dinala sa room. Hayst Jin, praning ka na, nag seselos ka na ba? Na fa-fall ka na sa kanya? Pero bakit bigla ata siyang nagbago? Anong dahilan?

Bago ako umalis sa office almost 6pm na nang mag-ring ang phone ko, si Tim tumatawag. Maghapon hindi nag online ngayon tumatawag. Kinabahan ako, ano kayang sasabihin bakit kailangan pang tumawag hindi na lang i-message?

“Hello? Jin?” inaaalam ko kung pormal ba ang dating ng boses niya. Habang inuulit sa isip ko bakit tumawag.

“Yes, hello sir” pilit kong pinasigla ang sagot ko.

“Nasaan ka kagabi?” seryoso ang boses ng nasa kabilang linya.

“Ha?” lumabas ako kagabi, sumama sa kapatid kong nag-ayang kumain sa restaurant malapit sa building namin, doon nakasabay naming kumain yun dating tropa ng kapatid ko, kaya imbis na kapatid kong babae ang man libre si Jason na ang nagbayad ng kinain namin. Kaya lang bago ako umalis nagsabi ako kay Tim na matutulog na ng maaga. Kaya nag good night na ako kahit mag 9pm pa lang kagabi. Bigla akong kinabahan, nakita kaya nya ako kagabi? Pero paano? Ang layo nya sa lugar ko.

“I’m sure lumabas ka kagabi,” seryoso pa rin.

“Pag ba di ako online ang nasa isip mo nasa labas ako?”

“Ayaw kong isipin dahil ayokong masaktan at magselos.”

“Pagod ka ba ngayon, parang matamlay ang boses mo.”  Pag-iiba ko ng  usapan, di ko na sasabihin na lumabas ako.

“Bakit ako magagalit? Sige mag-iingat ka lagi ha.” Anak ng tinapa, ang layo naman ata ng tanong ko sa sagot ng kausap ko.  Ala ata sa wisyo tong kausap ko.

“Sige na Tim, enjoy mo na muna off mo, pahinga ka muna o kaya matulog ulit.” Hindi ko maintindihan lasing ba ang kausap ko? Binaba lang ang phone hindi na ulit nagsalita pa, mukhang ala sa mood. Naku nakita nga ata akong umalis kagabi, at kung nakita man nya ako, ibig sabihin umalis din siya at di rin sinabi sa akin, eh di quits na. Tapos ang usapan.

Matigas din kasi ang kokote ko, bago ako inaya ng kapatid kong kumain sa labas napatagay muna sa mga ka room mate ko, Vodka,  naka 3 shots din ako. Nahiya kasi akong sabihin kay Tim na makiki join ako sa nag-iinuman sa kitchen, kaya sinabi ko na maaga akong matutulog, then nag patay ng cp.

Ayaw ni Jinky ang ulam naming adobong manok kaya nang dumating kagabi at nakita kami sa kitchen  inaya akong bumaba, gusto nya daw ng lomi.  Sa restaurant umorder si Jinky ng dalawang lomi, sakto pang pababa ng nainum ko. Hindi pa man dumarating ang order namin, may pumagitna sa puwesto naming magkapatid at saka  umakbay sa amin.

“Ang tagal ko na kayong inaaya, lagi nyo akong tinataguang magkapatid, dito ko lang pala kayo makikita.” Si Jason, habang isinisingit ang isang upuang hinila sa kabilang table sapagitan ng inuupuan namin ni Jinky. Makulit si Jason, dati nanligaw kay Jinky kaya lang di daw sila talo, ayaw ni Jinky ng tropa at mas bata din kasi. At dahil basted kay Jinky, ako naman ang kinulit dati, laging nag-aayang kumain sa labas, o kaya pag- naisipan inuman daw sa flat nila, minsan lang akong sumama hindi na naulit. Mahirap kasama si Jason sa inuman laging nang-aakbay, pag may bagong kakilala sinasabi girlfriend nya, kaya di na ko umulit. Di ko naman kasi sya talaga barkada. Kaya pag nag-aaya ng kain sa labas ang dami naming dahilan magkapatid para lang di matuloy. “Order lang kayo kahit ano, mag food trip tayo, treat ko.” Masiglang sabi ni Jason habang hinahawi ang buhok kong nakatakip sa kanang pisngi ko. “Mukhang bangenge tong kasama mo Jinx, tignan mo oh rosy cheeks.” Umakbay pa sakin at saka pinindot ang pisngi ko.

“Manahimik ka nga.” Sabay alis ng kamay ni Jason na naka akbay sa balikat ko. Sakto naman dumating ang order naming lomi. Natahimik si Jason, di namin kasi sya  pinapansin habang tahimik kaming kinakain ang lomi. Narinig ko umorder ng Vegetable Roll, Butterred Shrimp , Chopsuey at rice.

“Hi Mi, nasa room ka na ba?” mukhang  nasa mood na ulit, nag Mi eh.

“ Yup dito na.”

“Ingat lagi.” Nagtaka na naman ako, andito nga lang ako sa room eh, saan ako mag-iingat?

“Para sakin bayan? Di naman ako aalis. Kanina tinatanong kita kung pagod ka ang sabi mo bakit ka magagalit. Ang layo ng sagot sa tanong.” Sunod-sunod na message ko sa kanya.

“Ha,hindi kita maintindihan,”

“Alin ang hindi mo maintindihan? Sige na  baka mag gi- gym ka na. Mag luluto pa ako.”

“Hindi na muna, magpapahinga ako, bukas may event siguradong pagod bukas.”

“Kaya nga pahinga ka muna, ala namang iistorbo sayo.” Pag-tataray ko.

“Skype tayo Mi, na-miss kita.”

“Magluluto pa ako.”

Hindi ko alam bakit ako naiirita, dahil ba maghapon di ko sya nakausap, hindi sya nag –online at di nya sinabi ng maayos bakit siya nagtanong kung umalis ba ako kagabi. Alam niya kaya? Nakita niya kaya ako?

[ITUTULOY]

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I write if I am in-love, I write if I am angry... I write because I have lots of stories in my mind, I think my emotion is my motivation why I can compose articles, because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!