Wildest Journey Part 1

Image credit to owner

July 25, 2017, first day ng Eid dito sa UAE, puwede kong sabihin na it’s a phenomenal day for me, I did odd things that I don’t usually do. It’s a thing that I really can’t imagined I did and it happened.

Sa train station, pauwi na ko ng bahay almost 11pm. Naisipan kong sumaglit sa ATM Machine para magdeposito sa account.

“Bakit ganun? Alang menu for deposit?” sinasabi ko pala ‘yun nang hindi pabulong at inulit-ulit na pindutin ang enter command ng ATM Machine para hanapin ang Deposit Command, wala talaga, pang withdrawal lang  at hindi naman ako magwi-withraw.

“Why?” muli kong tanong sa sarili ko .

“Do you like some help?” May tao pala sa likod ko at naririnig ang sinasabi ko.

“ I don’t know why this machine, no have  Deposit in the Menu, sagot ko sa nagtanong.

“Try, all machines have it,” seryosong sagot ng lalaki sa likod ko. Pinauna ko, inisip ko baka kasi may mali lang sa mga napindot ko.

“ See, it is working for me.”

“But I am not going to withdraw; I want to deposit some amount.” This time tinignan ko na ang kausap ko.

“Filipino? Are you a Filipino?” Mukha kasing ibang lahi, may kaitiman at malaki ang pangangatawan, parang Indiano.

“Visaya ako.” Sabay ngiti. “Baka naman may mali ka lang kaya ‘di mo magamit ‘tong machine.”

“Hindi  ata puede magdeposit dito, need ko pa naman magdeposit. Sige hahanap na lang ako ng ibang machine. Salamat.”

“Samahan kita, gusto mo?” Bakit sa isip ko.

“Indi, sige, uwi muna ko, hanapin ko sa google saan may iba pang ATM para makapag-deposit ako,” sabay lakad papuntang elevator. Nakita ko ‘yun kausap ko na paalis na rin, pero humabol nang sumakay ako ng elevator.

“Sasamahan kita,” pilit nya.

“Uuwi pa ko eh, may bitbit ako,  saka ‘di ko alam san pa may ATM machine sa paligid.”

“Walang problema, sasamahan kita, ” pangungulit niya.

Habang naglalakad papunta sa building na tinitirahan ko, maraming kung anu-anong tanong ang kausap ko.

“Lasing ka ba?” Hinala ko.

“Hindi ah, nakainom oo pero hindi lasing. Ano nga pala pangalan mo?”

“Jin,” sagot ko. “Iuwi ko lang tong mga bitbit ko saka aalamin saan pa me ibang ATM machine  sa area na malapit. Sasama ka pa rin?” Nandun na kami sa tapat ng building, at ‘di ko alam kung iiwan ko siya,

“Aakyat na ko,” sabi ko sa kanya.

“Ok lang ba sama ko?” tinitigan ko siya, malaking tao, maskulado, makulit pero ‘di naman mukhang nakakatakot.

Habang paakyat ang elevator naisipan kong hingin ang ID niya, ewan bigla naisip ko baka kung anong gawin sa ‘kin. Mabilis niyang ibinigay ang mga ID niya, at pinikturan ko pa. Nakita ko Tim Ortiz ang pangalan nakasulat sa dalawang ID na binigay niya.

Pinapasok ko siya sa loob ng flat, ewan bakit ko ginawa ‘yun, hanggang ngayon tinatanong ko ang sa sarili, I was with a total stranger. Sinabihan ko maupo lang muna at igoogle ko lang kung saan may iba pang ATM machine, wala kasing data ang phone ko, dito sa flat me WiFi. Nasa kitchen ako at siya nasa sofa sa salas. Kumatok siya sa kitchen at nagsabi kung puwede mag-toilet.

“Jin, dito na lang ako puwede.?” After mag-toilet ay pumasok siya sa kitchen.

“Baka hindi na ko lalabas kinausap ko na ‘yung padadalhan ko na bukas na lang ako magdeposito sa account niya,” sabi ko sa kanya para lumabas na  rin siya.

“May gagawin ka pa ba?”

“Iinitin ko ‘tong dala ko baka kasi mapanis.”

“Magluluto ka, gusto mo ako na lang?” para siyang batang na excite. Binigay ko sa kanya ‘yun pansit at Halaan.

“Masarap to, Jin, kapag may butter.” Habang hinahalo ang halaan. Inabutan ko ng butter na nakita ko sa ref. Feeling close agad, parang siya ang may ari ng kitchen. Nang matapos ay pinaghain ko siya sabi niya masarap daw kasi ang sabaw at gusto niya ng pansit.

Habang kumakain pilit niyang binibigay sa akin ang healthcard niya para daw mas makilala ko pangalan niya at kukuhain niya daw sa sunod na araw. Nang matapos kumain, sinabihan ko siya na puwede na siyang umalis. Ayaw pa niya, inaaya niya akong lumabas, inom lang daw kahit konti o kaya kakain. Mapilit, makulit.

“Para tuloy gusto kong magsisi na dinala kita dito, please uwi ka na.”

“Jin, please ‘wag kang matakot sa ‘kin, gusto mo sa iyo na muna tong cellphone ko, bigay mo sa ‘kin ang number mo.  Tatawagan kita. Saglit lang tayo, sama ka na,” insist niya.

“Please labas na. Gusto ko nang magpahinga.” At ayun lumabas nga. Pagkalabas ni Tim, dali dali kong binuklat ang gamit sa bag ko, baka kasi nasalisihan ako. Kumpleto naman. Iniisip ko pa rin bakit ko siya nadala sa flat, paano kung masamang tao pala ‘yun, magnanakaw kaya, o rapist.

Galing ako sa simbahan nun. After ng simba sumaglit ako sa bahay ng isang kaibigan ko sa Sharjah. Nakakuha daw sila ng mga halaan sa dagat sa may Ajman at may binalot daw siya para sa ‘kin na pansit.

“Jin, palitan mo na siya, ‘wag mong padalhan para madala, wala na kayo bakit patuloy ka pang umaasa? Move on!” Hayst, kaya pala niya ako pinapunta, hayan na naman ang paulit-ulit niyang sinasabi sa ‘kin.

“Lenie, hindi ganun kadali ‘yun, may mga anak kami at nasa kanya ‘yung mga bata.”

“Kaya nga maghanap ka na ng iba, wag kang hopia.” Hindi naman ako umaasa na muli kaming magkakaayos ng asawa ko, I mean ng ex ko at hindi naman ako umaasa pa na babalikan pa ako, pero sino? Sino ang ipapalit ko, hindi naman ganun kadali at hindi ako naghahanap, wala iyon sa priority list ko. Gusto kong magkaroon pa ng extrang pera para makuha ko na ang mga anak ko sa ex ko. ‘Yun ang isa sa mga nasa isip ko nang gabing nakita ko si Tim.

“Good morning, Jin.” Si Tim. Aba, nag-message, masagot nga.

Walang pasok nung araw na ‘yun ikalawang araw ng EID. Maghapon ko siyang ka chat. Gusto niyang pumunta sa bahay, pero ayaw ko. Hindi ko alam ano ang balak niya. Mahirap magtiwala.

Isang lingo pa ang nakalipas, patuloy lang si Tim na nakikipag-usap through chat, nakakawili rin kausap, hindi makulit pero maalalahanin, pinaparamdam na ako lang ang kinakausap niya.

“Kita tayo, Jin, dinner tayo, gusto mo?”   Sunday yun, day off niya daw sa hotel na pinapasukan niya.

“hmmmn.” Nag-iisip ako kung gusto ko ba talagang makipag-kita. Lasing si Tim nung una niya akong nakita at malamang ‘di na nya tanda itsura ko. Sa whatsup lang kami nag-uusap eh.

“Sige na, para  makita kita ulit, ” pamimilit niya.

“Tanda mo pa kaya ako?” ayun sa ID na nakita ko one week ago mas bata siya sa ‘kin ng anim na taon. Pero kung titignan siya mas bata siya sa edad niya unlike sa itsura ko mas matanda sa edad ko kaya. Parang bigla akong nahiya.

“Sure ka? Gusto mo makipagkita ulit?” tanong ko ulit.

“Oo naman, ikaw ‘yan eh, ‘yung babaeng nagtiwala agad sa akin, hindi ako pinag-isipan na masama akong tao,” pangungumbinsi niya. “May alam akong restaurant, puwedeng kainan, eat all you can.”

“Sagot mo?” nataon kasi nung time na ‘yun hindi ko dala ang wallet ko, pamasahe lang nasa bulsa ng bag ko.

“Yup, no problem ako bahala, basta magkita tayo dun sa station na una kita na meet sa may ATM machine.”

[Itutuloy]

About Emode

I write if I am emotionally sad, I write if am deeply happy. I write if I am in-love, I write if I am angry... I write because I have lots of stories in my mind, I think my emotion is my motivation why I can compose articles, because I write what’s on my mind, what I feel and what I dreamed for…
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!