White Water Rafting in Magdalena, Laguna (The Little Hollywood of Laguna)

First Time Ride!

Adrenaline rush ba ang hanap mo? Want to go for whitewater rafting adventure but don’t have time to visit Cagayan de Oro? Huwag kang mag-alala, may alternatibo tayo sa Laguna! Nakarating ka na ba sa Magdalena, it’s just a 3 hour drive from the heart of Manila? Salamat sa long weekend at nagkaroon ako ng panahon na maranasan ang isa sa mga ipinagmamalaki sa bayan ng Magdalena, Laguna. Tara! Samahan mo akong muli sa Laguna Adventure ko with my family. Discover Magdalena-The little Hollywood of Laguna!

Ito ang una kong whitewater rafting adventure at salamat na lamang dahil ang river difficulty is Grade 3 na highly recommended sa mga beginners na tulad namin. Nagsimula ang tour sa orientation and I think ito ang unang pinakamahalaga dahil dito nila ipinakilala kung ano nga ba ang mayroon sa bayan ng Magdalena, Laguna at dito rin nila ipinaalala sa amin ang mga do’s and don’ts na kailangang sundin upang maging ligtas ang bawat isa sa rafting adventure na ito.  Pagkatapos ng briefing, inihatid na kami sa rafting area na nagsimula sa Majayjay patungong Magdalena River Dam! The Magdalena River rafting is a 7 kilometer thrilling experience and it took us 2 hours to finish the course.

IMG_0655

 

 

Heto ang mga kapana-panabik na tagpo sa aming unang Whitewater Rafting Experience!

  1. Orientation

Sa orientation pa lamang, napaka-cool na ng mga staff, very accommodating ang mga staff nila lalo na ang tour organizer namin na si Tito Raf. Ipinaramdam niya sa amin ang napakainit na pagtanggap sa kanilang bayan. Iyon naman ang mahalaga ang maramdaman mo na sa unang pagtapak mo pa lamang sa lugar ay tila ba kabahagi ka na nito.

WP_20150831_08_27_15_Pro 

 

 IMG_0620

 

OLYMPUS DIGITAL CAMERA
Excited na kami!

 

  1. Starting Point

IMG_0622

OLYMPUS DIGITAL CAMERA
Starting Point!
The Balanac River
The Balanac River
Ingat baka madulas
Ingat baka madulas
First Time Ride!
First Time Ride!

Paalala:  Medyo madulas ang pababa papunta sa starting point, kaya kailangan na ang suot mong tsinelas o sandalyas ay matibay at hindi madulas.

 

  1. The Rafting Proper

Una sa lahat kailangan kang makipagtulungan sa mga river guide para mapadali ang pagsagwan! If the water is calm, magsagwan ka, pero kapag may rapids na, hayaan mo muna sila.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Dalawa ang river guides namin at sobrang nagpapasalamat kami sa kanila dahil ramdam namin ang pag-alalay nila sa aming lahat at sinigurado nila na ma-eenjoy namin ang rafting adventure na ito. “Kudos to Pong and Jess, saludo ako sa inyo.”

WP_20150831_11_15_51_Pro

Sagwan, bounce, tawa, kaba, ala-ala, mga salitang makakapaglarawan sa mga nangyari sa dalawang oras na rafting na ito.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Si Pong na bihasa na!
Si Pong na bihasa na!

IMG_0677

Luntiang tanawin, iba’t ibang uri ng ibon, kabayo, baka, aso, mga kababaihang naglalaba sa ilog, tumatakbong bayawak sa ibabaw ng tubig, mga mangingisda, waterfalls, Little Palawan, Hanging bridge, mga malalaking bato at galit na galit na water current, ilan lamang sa mga ‘di malilimutang scenario

Ang maraming bato na aming napagtagumpayan
Ang maraming bato na aming napagtagumpayan
Payapa ngunit malalim
Payapa ngunit malalim
The hanging bridge
The hanging bridge
Lokal na residente at ang kanyang mga kabayo
Lokal na residente at ang kanyang mga kabayo
Ang nakakatuwang ibon
Ang nakakatuwang ibon
Ang isa sa 11 rapids
Ang isa sa 11 rapids
Ang baka sa ilog
Ang baka sa ilog
Mini falls
Mini falls

 

May bahagi na tinatawag na Little Palawan
May bahagi na tinatawag na Little Palawan
OLYMPUS DIGITAL CAMERA
Shooting the rapids

4. Other things to do aside from Rafting

a. Cliff diving (included in the package)

Kung malakas ang loob mo na tumalon sa may tinatayang 16 feet na lalim na tubig, subukan mo, pero ako, hindi ko sinubukan at hinayaan ko na lang ang aking mga kasama na sumubok nito.

cliff diving

b. Water Tubing (included in the package)

Isa sa mga ‘di ko ring makakalimutang activity; napakasaya na magpaikot-ikot kasama ng timbulan na ito.

tubing

tubing 2

water tubing
water tubing

 

c. Swimming

Malamig ang tubig dito at talaga namang napakasarap magtampisaw, ingat lang at baka madala ka ng agos!

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

IMG_0727

IMG_0739

d. Plaza Tour

If you have free time, don’t forget to visit the Saint Magdalene Parish Church, the Walk of Fame and take some photos.

 

IMG_0606

IMG_0615

WP_20150831_08_10_27_Pro

WP_20150628_17_55_31_Pro

Remember that Magdalena is the Little Holywood in Laguna! Bakit kamo? Dahil ang bayang ito ay isa sa mga Pinakapaboritong Spot for Shooting! Sa katunayan ito nga ang Movie Capital of the Philippines.

 

  1. Want to avail the Package?

This adventure is made possible with the help of Mhollywood Adventure Camp. Rafting Plus (Barkada) Package is PhP 999/head, inclusive of jeepney transportation from Magdalena Town Proper to Rafting Area and Back, rafting gears/river guides, rubber boat,  minimum of six (6) person per trip, max  is 8 pax.

Visit their FB Page: Magdalena White Water River Rafting Adventure or search for Tito Raf on Facebook

Contact number: Smart (0928-258-5554) and TM (0936-405-8302)

 

  1. How to get there?

Private vehicle:

Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)

Public Transport: Ride a bus from Cubao (HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft  (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena or Liliw/Nagcarlan.

Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 150/head

Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head

  1. Pahabol

What to bring or wear?

-Sunblock

-wear shorts, shirts, swimming attire! slippers or sandals

-plastic bags for wet things

-your Camera of course!

 

Discover Whitewater rafting in Magdalena, Laguna

Definitely safe…

Definitely 100% Pinoy

Discover Magdalena, Laguna

WP_20150831_11_16_43_Pro
Pagod ngunit masaya!

It’s more fun in Laguna!

 

Originally posted in biyahenisanty03.blogspot.com

 

 

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!