When Love Dies – From the Murderer’s Standpoint

heart with knife“Babe, we need to talk,” I whispered.

 Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para kausapin siya ngayon. Ni hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang gusto kong sabihin o kung paano ito sasabihin ng hindi siya masasaktan.

 She turned and looked up at me with expectant eyes.

Shit!  Sinong niloloko ko?  Hindi ito magiging madali at hindi maiiwasan – masasaktan ko talaga siya – nang sobra-sobra.

 I took a deep breath and said, “Ayoko na. This isn’t working. We aren’t working.”

 She nodded, then bowed her head.  I saw her gently wipe her face, knowing well that those are tears she’s been trying hard to control.

 She met my gaze and I saw the hurt and anger behind her beautiful eyes – those same eyes that took my breath away the first day we met.

“Bakit?” she asked in a soft voice.

 Bakit nga ba? “Ang totoo, hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang mangyari, basta naramdaman ko lang na hindi na ako masaya. Sinubukan kong ibalik tayo sa dati, pero hindi na talaga.”  I shook my head and said, “It’s just not working anymore. I’m sorry.”

 Even to myself, it sounded a little lame. Pero paano ko ipaliliwanag sa taong nakasama ko nang halos limang taon na hindi ko na siya mahal?  Paano ko sasabihin na wala na akong kayang ibigay pa dahil naibuhos ko nang lahat-lahat sa kagustuhan kong maisalba ang relationship namin?

 “May iba na ba?”

 Kapag ba nakikipaghiwalay, kailangan third party agad ang dahilan?  Hindi ba puwedeng kailangan lang ng time para sa sarili? O kaya naman dahil lang talaga may kulang na sa relationship n’yo kaya hindi na nagwowork?  Pero sabagay, paano mo nga naman malalaman na may “kulang” kung hindi mo ito nakita sa iba? Marahil, para sa karamihan, third party talaga ang nagiging dahilan. Ngunit hindi sa akin.

 “Walang iba. Please believe me, wala sa ‘yo ang problem, nasa akin.”

 Well, gasgas na break up line na ito, pero ‘yun naman talaga ang totoo. Ako ang may topak, dahil I am letting go of the person who has shown me nothing, but love and understanding – maybe a bit too much. Kaya rin siguro nawala yung challenge.

 She took my hand, gave it a firm squeeze then said, “Please give us another chance.”

 Oh, crap. This totally breaks my heart – hearing her ask for another chance. I cannot do this any longer. I have to end this now, lest I will just give in to her pleas. I can not let that happen because deep in my heart, I know that what we are and what we have is beyond saving.

 “I have been giving us a chance since a couple of months ago. Kaya nga naging extra sweet and understanding ako sa ‘yo. Kaya ako nagplano ng mga surprise dinners and out-of-town trips. I have been trying really, really hard to make us work.  But it didn’t.  And I am truly sorry for causing you this much pain.”

 “Unfair ka. Sana sinabi mo sa akin na nagkakaroon ka ng doubts the moment you felt them.  Maybe it would’ve worked much better kung dalawa tayong gumawa ng paraan.” And with that, she turned and left me alone.

 I wanted to stop her. I wanted to explain and try to make her understand that I never wanted to end things this way. But I don’t want to hurt her even more, so I just stood there and watched her walk away.

 A few days passed. Kumalat na parang sunog ang balita tungkol sa break up namin. Friends started to offer their sympathy. Pero once na nalaman nila na ako ‘yung nakipaghiwalay, kulang na lang eh bawiin nila nang harapan ‘yung simpatya nila.  Sabagay, in-expect ko na ‘yun. Pilipino tayo eh, nature na natin ‘yun. We tend to side with the underdogs. At since ako ang nang-iwan at nanakit, ako ang masama sa tingin ng nakararami.

 Lumipas ang isang linggo. Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na galing sa kanya ang text, pero pagbukas ko, blank message lang.  Hindi ko pinansin dahil akala ko na-wrong send lang.  After 15 minutes, nagsend ulit siya ng blank message.  Hindi pa rin ako nagreply. And then nagtext na siya ng “I miss you.”

After hesitating for a second, I just deleted her message, thinking that it is for the best.

 Sa paglipas ng mga araw, lagi pa rin akong nakatatanggap ng mga messages mula sa kanya. ‘Yung mga usual text message na “kumusta na?” or “kumain ka na ba?”  Mayroon pa ngang “ingat ka lagi” at “I will always love you.”

 Na-tempt man akong sagutin ang mga messages niya, mas pinili ko pa ring pindutin nang pindutin ang delete button sa cellphone ko.  Alam ko na iisipin ng mga tao na napakaheartless ko naman nang dahil sa ginawa ko.  Pero alam ko na para sa kanya rin ito. Hindi siya makapagmu- move on kung patuloy niyang ilagagay ang sarili niya kung saan siya mas lalong masasaktan.  We are over.  The earlier she can accept that reality, the better her chance of getting on with her life.  Helping her move on is the least I can do after all the pain and heart aches that I have caused her.

 After a month, nagpalit ako ng sim card. Dinelete ko ang lumang Facebook at Twitter account ko.  Muli akong sumamang lumabas-labas kasama ng barkada ko. Marahil mamasamain ng iba ang kagustuhan kong bumalik at i-enjoy ang buhay single, pero hindi naman puwede na ihinto ko ang buhay ko para hintayin siya na makapag move on. After all, isa ito sa mga reasons ng pakikipag hiwalay ko sa kanya – ang magkaroon ako ng time para sa sarili ko.

After a couple of months, nabalitaan ko na lang na nag-migrate na ang family nila sa Canada.  Tuluyan na kaming nawalan ng communication, pati mga common friends namin, bihira ko na ring makita at makausap. May mga pagkakataong naiisip ko pa rin siya. Pero wala akong regrets. This is the life that I have chosen. I just hope that she got what is best for her. She has a big heart and she deserves someone better than me.

Lumipas ang mga taon. Natupad ko ang mga pangarap ko. Nahanap ko ang tunay na makapagpapaligaya sa akin. Ilang araw na lang at ikakasal na kami.  Ganito pala ‘yung pakiramdam na maging masaya – hindi kayang ipaliwanag ng mga salita.

 A few days before my wedding, nasalubong ko sa department store ang tita ng ex ko.  Mula sa kanya, nalaman ko na three years na palang happily married at may tatlong anak ang dating kasintahan ko.  Napangiti ako.  It made me happy to know that she finally got what her heart desired.

 Sabi nila, love never dies, it just fades away. But I believe that we never cease to care for every person that has touched our lives. Mawala man ‘yung pag ibig, hindi nito mababago ang katotohanang naging parte sila ng buhay natin.

About hashie

I am a woman, a nurse, and a mother who loves to read and to write. I hope that someday, my literary pieces will be enough to make a difference - no matter how small it will be - in a world that is struggling to live in a peaceful way. Please visit and like my page https://www.facebook.com/pages/Hashie/276925455677468?ref=hl
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!