Wechat – People Nearby

wechat-downloadMinsan, taong 2015.  Nang nag-umpisa akong mag wechat.  Tuwang-tuwa ako kasi ‘yung mga malalapit sa lugar ko na naka wechat bigla na lang maghehello sa akin.

Iba’t-iba ang purpose ng mga nagwi-wechat.  Basta ako ang alam ko lang makakakilala ako ng mga bagong kaibigan. Lumipas ang araw, linggo at buwan.  Ang dami dami ko nang nakakausap.  Mapababae at lalaki man. Dumami bigla ang manliligaw ko.

Nagkaroon din ako ng group ng mga kababaihan sa wechat.  Mapa dalaga man o may asawa tumatanggap ng manliligaw sa wechat.  Nababasa ko ang mga experiences nila sa wechat at halos lahat sila nag-fail.

Ang dahilan hindi puwede dahil may asawa o boyfriend sila.  Napaisip tuloy ako… ganito ba sa larangan ng internet chat, hindi na ginagalang ang relasyon sa kani-kanilang katipan?  Lahat ay pawang nag-eenjoy lang sa pakikipag-usap at bandang huli nahuhulog na bigla at nagiging biktima na ng kanilang nararamdaman sa kausap.

Kaya ipinangako ko sa sarili na hinding-hindi ko sila gagayahin.  Pero mahirap pala magsalita sa huli.  Sapagkat bandang Mayo ng kasalukuyang taon… nang may biglang nag-message sa akin.  Noong una hindi ako interesado sa kanya pero naging matiyaga siya. Inaraw-araw niya ang pakikipag-usap sa akin.  Oras oras siyang nag-a-update sa akin.  Maya’t maya nag vivideo call sa akin.  Hanggang nagsabi na siya na puwede niya ba akong ligawan.

Nung una hindi ako pumapayag dahil hindi pa kami nagkikita, pero mapipilitan ka rin pala na pumayag kung sadyang makulit ang lalaki.  Kung sabagay katwiran ko nauso naman ang snail mail na ligawan dati, ‘yung tinatawag na penpal.  Bakit hindi nga naman sa chat?

Makalipas ang isang buwan sinagot ko na siya at makalipas ang isang linggo napagpasyahan na naming magkita.  Sa pagkikita namin medyo kinakabahan ako.  Sa totoo lang nakaramdam ako ng kasiyahan nang nagkita kami.  Medyo naiilang ako lalo na’t nang hahalikan niya ang kamay ko. Pero dahil nahihiya ako natabig ko ang kamay niya at bahagya ko siyang nasampal.  Tapos sabay sabing “ang bata bata mo pa pala”.  12 years ang age gap namin.

Batid ko nang panahon na iyon ay inis siya sa aksyon ko dahil nakita ko siyang nangangamot ng ulo.  At sinabi niyang “‘di ba napag-usapan na natin yung tungkol sa edad natin”.

Sa totoo lang masayang-masaya ako nang panahon na yun at kabaliktaran sa ipinapakita ko.  Nang araw na yun titig na titig siya at sinasabi niyang seryoso siya sa akin, pero sinusuklian ko lang siya ng ngiti.  Nang oras na iyon gusto niyang sabihin ko ang nasa puso ko, pero nanatili lang akong tahimik.  Hanggang nagyaya na siyang umuwi at sinabi niyang itext ko na lang kung ano ang nasa puso ko.

Sa totoo lang nang narinig ko ‘yun nanlumo ako dahil nahulog na ako sa kanya, mahal ko na siya.  Nang nakarating na ako ng bahay.  Nag text siya sa akin at tinatanong niya na ano raw ba ako sa kanya. Sabi ko ituloy namin ang relasyon namin.  Pero nag take advantage na siya sa akin.  Kung tunay na mahal ko raw siya ibigay ko raw ang sarili ko sa kanya tutal sasakay na siya ng barko.

Marahil dahil sa nakikita ko ang maaaring maging kahinatnan….umiral na naman ang pagiging mapangaral ko at sinabi ko sa kanya ang ganito “Hindi ganito kadali ang buhay, unang sakay mo pa lang ng barko, ginagawa lang ng mga responsableng tao ang gusto mo.  Yung tipong may kakayahang bumuhay ng anak.  Sa sitwasyon natin ngayon, hindi pa pwede”, kawawa ang bata kung walang pagpaplano.  Pero sa totoo lang assurance lang din ang kailangan ko.

Ang huling reply niya sa akin ay “Kakayanin ko naman eh”.  Lumipas pa ang araw pero nanlamig na siya.  Tinanong ko siya kung bakit … napaisip daw siya sa mga sinabi ko.  Niyaya ko siyang magkalimutan na lang kami at delete na lang ang kontak namin pero nanatili na siyang tahimik.

Lumipas pa ang araw, linggo na hindi na siya nagparamdam.  Dumating ang isang buwan at nag-umpisa na akong mag-text sa kanya.  Bagama’t alam ko na nagsisinungaling siya sa mga dahilan niya kung bakit hindi na siya nagparamdam, nanatili pa rin akong bulag.  Pero natuklasan ko na dinelete na niya ako sa lahat ng kontaks niya at dito na ako namulat na kailangan ko nang gumising.

Mahal ko siya pero mas mahal ko pa rin ang sarili ko.  At nagsabi na rin akong “Give up na rin ako, ayoko rin naman mag mukhang tanga”.   Dito ko naalala ang mga karanasan ng mga nakilala ko sa wechat na hindi ko inaasahan na mabibiktima rin pala ako ng maling damdamin sa chat.  Ang Wechat People Nearby 🙂

About Cj

I am just a simple woman who are happy to read, to write and share what my experiences are. I hope whatever I write will get a lesson. I am not as good writer as Og Mandino but I am happy to share my love story hehehehe take note "Love Story" talaga Huh!!!!! Kailan kaya mangyayari yun. Just wait and see na lang po!!!! hehehehhe
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!