War Commander

Ang  10574703_845611668782448_513651481_n  ay binubuo ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang LAHI. At sa aking pananaw sa larong ito, maging ibang lahi ay puwedeng maging magkakampi; higit lalo kung may iisang adhikain at pinaniniwalaang PRINSIPYO.

Mahigit dalawang taon na rin akong napabilang sa mga manlalaro ng WARCOM at masasabi ko na talagang masarap maging libangan ito lalo na pagkatapos ng maghapong nakapapagod na trabaho sa araw-araw. Dito lahat ay pantay-pantay, walang mahirap, walang mayaman; nagiging magkakaibigan sa larong ito.

At sa dami ng mga application games, ito ang pumukaw at tumatak sa aking sistema, dito ay matututo kang makipagkapwa-tao, dapat may matalas na kaisipan at sariling diskarte para maging maganda ang resulta ng paglalaro, may disiplina sa sarili, at may respeto sa kapwa.

Dito rin sa larong ito may mga pagkakaibigan na nabuo at ngayon ay naging pundasyon upang mas makaakay ng KAPWA “TUNGO SA MAS MAKABULUHANG BUHAY”.

At masayang mapabilang sa grupong ito na hindi lamang natatapos sa isang laro ang samahan; bagkus ito ay lalo pinagtibay ng mga PUSONG may iisang mithiin ang makapagpasaya ng mga munting bata kahit sa maliit na paraan at sa abot ng kakayahan at kaalaman.

Sa isang kagaya ko na namumuhay ng ordinaryo at mulat sa reyalidad ng BUHAY, isang masayang karanasan ang mapabilang sa mga pagkakataong kagaya nito.
100003692018023pizapw1422532254.
Ito ang isa sa mga nabuo at patuloy na sinisikap at sisikapin ng War Commander Pinas Chapter na maipagpatuloy mawala man ang larong WAR Commander sa mundo ngunit ang mga mithiing nasimulan at pagkakaibigan ay mananatili sa aming mga puso at magpapatuloy.

ITO ang MAGPAPATUNAY na ANG KABUTIHAN NG PUSO NG BAWAT ISA ay walang pinipiling sitwasyon.

PROUD TO BE A WAR COMMANDER PLAYER….

SALUTE Commanders

About Ladyred

Isang simpleng Ina ng tahanan na minsan ay nangarap din ( na maging isang writer ng mga nobelang aking sinusubaybayan nuon sa POCKETBOOKS)nasa puso ang pagsusulat subalit hindi nagkaroon ng pagkakataong makatapos ng kursong ninanais. At isang magandang oportunidad para sa isang kagaya ko ang ONLINE blogging ng DF upang mabigayn ng kaunting katuparan ang nuon ay aking PINANGARAP na maging TRABAHO. Sana magustuhan nyo ang mga kwentong maibabahagi ko sa inyo at sanay kapulutan ito ng aral kahit sa maliit na paraan(insert emoticon smiley)...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!