Walang Forever [ Sa Taong Bitter ]

Forever does not exist.

Sabi nga nila pansamantala lang ang lahat.

Lahat ng bagay ay nagtatapos.

Lahat ng relasyon ay nananamlay.

 

Diksyunaryo lang daw ang may forever?

Wala ‘yun, nagkamali lang sila ng lagay ! ^-^

‘Yan ang mga sinasabi ng mga walang kasintahan o mga taong bigo at pinag-iwanan.

 

Marami nang taong nagsasabi na walang forever.

Saan nga ba nagsimula yun?

Sa mga taong nasaktan at napaasa.

Sa ngayon sa mga biruan ay may nagsasabi ng walang forever.

Kahit mag-open ka lang ng Facebook.

Makikita mo na may magjowang sweet ang post, makikita mo  na ang mga comment ay:

wow bagay, ang cute sana meron din ako. at ‘di mawawala ang walang forever, maghihiwalay rin kayo 😛

At mga hugot at hashtag na #walangforever o #ForeverAlone na iyan ang makikita.

Sa magkakaibigan pag kinilig ang isa at magkukuwentuhan tungkol sa mga buhay pag-ibig

s’yempre may single at mag-eemote, dadamayan ang kaibigang bigo

maglalasing magsasalita ang isa na walang forever.

 

May mga eksenang ganito.

Minsan  magka-holding hands naglalakad sa kalye, may biglang sisigaw na walang forever!

Sa jeep na magkayakap o nakatulog nang magkatabi at magkahawak-kamay.

May bubulong at sasabihin sa katabi na: Maghihiwalay din yan HAHAHA.

Kahit sa mga pader makikitang may sulat ng WALANG FOREVER as in Capital letters

Ano ‘te, pinaasa ka rin ba ng pader? 🙂

 

At sinasabi ng iba.

Bitter lang ‘yan mga kumakain kasi palagi ng ampalaya.

Nakakatuwa at nakakalungkot kasi minsan isa ka na rin na nagsabi na WALANG FOREVER

Kabilang ka rin sa mga taong paasa at napaasa o talagang umasa lang.

 

Tandaan na sa movie lang ang may istoryang forever at happy ending at ‘di rin lahat ay happy ending.

Ang fairytale lang ang may happily ever after.

Sa totoong buhay siguro nga meron din, pero kailangan pang busisiin kung tunay.

Ganyan talaga ang buhay, may mapait… parang ampalaya, kaya nga bitter ee kasi walang forever 😀

 

Pero aminin natin… lahat tayo umaasa

na sana sa kabila ng nauusong “walang forever”

ay mayroon ding dumating sa buhay natin na magpapatunay na may forever din pala.

Pak! Ganern!

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!