Wala na bang iba???

(Photo Credit: newsflash.org)
eleksyon
(Photo Credit: newsflash.org)

Sa nakikita ko na mga tatakbo sa pinakamataas na posisyon sa darating na halalan…wala na bang ibang pagpipilian??

Bakit kung sino pa mga karapat-dapat tumakbo ay siyang ayaw tumakbo??

Bakit kung sino ‘yung mga nakaraang tumakbo na karapat-dapat ay hindi nanalo???

Wala na bang pagasa ang bansa natin???

Ang mga kandidatong tumatakbo ngayon ay siyang nagsasalamin sa atin bilang isang lipunan. OO, masakit pero yun ang hubad na katotohanan. Yan ang mas malakas na boses ng ating mamamayan. Nakakalungkot, nakakainis pero tayo ang may kasalanan. Hinayaan nating mangyari ito, wala tayo ginawa at ginagawa kundi inuuna ang ating mga sarili(na hindi naman mali) kesa ating bayan. Kailan kaya tayo tuluyang magigising at mamumulat sa nangyayari sa bansa natin??

Marami ang puwedeng pagpilian, mga tapat sa mamamayan at karapatdapat na ilulok sa puwesto pero nasaan sila bakit ayaw nila humarap sa hamon? Bakit hinahayaan nilang nangyayari sa bansa natin ito. Ayaw ko na namang magtiis ng anim na taong na siguradong magiging mas makulay pa sa kalyeserye at bugawserye ngayon.

Nakalulungkot, nakaiinis… gisingin sana sila ng kanilang mga konsensya na mag udyok sa kanila na wag na tumakbo saludo ako sa gagawa nun isa siyang tunay na pilipino na mas pinili ang bayan kesa sa ang sarili. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng ibang kandidato na sila ang pinili ng diyos para tumakbo..ang totoo sila ang pinili ng partido para tumakbo. Yung ibang kandidato hanggang ngayon wala pang kaagapay na tatakbo bakit kamo kasi wala ng tiwala sa kanila ang tao at ibang politiko.

Kaya kung ako sa kanila, huwag na ituloy ang pagtakbo o ang ipinagdarasal ko, magkaroon sila ng konsensya. Huwag nilang gawing dahilan ang kagustuhan nilang tumulong kaya sila tatakbo. Pwede kang tumulong at gumawa ng pagbabago kahit wala ka sa puwesto.

Ang panawagan ko sa inyo mga mamamayang pilipino lalo na doon sa may malasakit sa bayan sa mga mamamayan na walang nais kundi maging maunlad ang ating bansa. Lumabas kayo, tanggapin ang hamon kayo ang kailangan namin, hindi ang mga nasa harapan namin ngayon pakiusap kayo ang gusto naming iboto sa darating na halalan. Alam nyo kung sino kayo ramdam ng inyong puso ang busilak na hangarin ninyo na maging daan ng pagbabago sa ating bansa. Nakakasiguro ako na pag kayo ang tumakbo sa halalan mararamdaman din ng mga mamamayang pilipino ang inyong adhikain, pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan.

Ngayon ang tamang pagkakataon para kayo ay magpakilala..ito ang tamang sandali na kailangan namin kayo. Maawa kayo sa bansa natin..

Maawa kayo sa mga mamamayan natin. Sagutin n’yo ang hamon ng pagbabago dahil ang mga nasa harapan naming kandidato ngayon sinasagot lang ang hamon ng partido at utang na loob ng mga makasariling tao. Parang awa nyo na sawa na kami sa kahirapan umay na kami sa walang pagbabago, galit na kami sa inyong panloloko. Wag na ninyo kaming gawing bobo may konti kaming pinag-aralan para malaman kung kami ay binobola n’yo. Mahiya kayo sa balat nyo wag na kayo tumakbo. Bigyan nyo ng pagkakataon ang mga nararapat. Gawin n’yong busilak na serbisyo sa bayan ang hindi ninyo tuluyang pagtakbo.

Maraming salamat kung gagawin n’yo ito.

About Zenmustafa

A Man, husband, father..a being
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!