Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2017)

Photo credit: Boston Discovery Guide
02/13/2017 09:36:02 PM

Sa wakas! Ito na naman ang pinakahihintay ninyong mga tao (tao rin ako pero huwag ninyo nga ‘kong idamay please!); mula sa mga taong tuwid ang landas (at mga atat nang tum**ad) hanggang sa mga taong lumiko na (at sa mga biglang liliko pa lang). Single ka man, taken o it’s complicated pa. Sa mga forever in a relationship with food at sa mga happily taken for granted at ganun na rin sa mga taong feeling heartbroken kasi nagloloko ang internet connection.

Ang Valentine’s day, bow.

 Ay, uso pa pala yun? Nagbago na ang administrasyon lahat-lahat?

Aba’y oo naman… sa mata nila. Araw na pinangalanan kay San Valentino, kaya kahit hindi naniniwala sa relihiyon ay sinasamba ito. Bakit? Either for the sake na may maka-date o para may excuse na maghalf-day at mag… (ops, easy ‘tol!).

‘Yan tayo eh, no?

Ang araw ng mga puso, patunay lamang na mas may pakialam ang tao sa puso kesa sa utak, mata, tenga, buto, isaw, atay, balun-balunan at ultimong sex organ. Ay meron ba? Sige nga, bakit hindi niyo ring gawing mala-holiday kung mayroon ngang World o National Brain’s Day?

Valentine’s day na! Eh ano naman ngayon… for the sixth time?!

Ito na naman tayo eh no. Mga taong naglulupasay porke’t walang ka-date ngayong Valentine’s Day. Hoy, magsi-aral nga muna kayo. Gumagawa na kayo ng bluprint ng relationship goals n’yo samantalang hindi ka pa nga marunong magsuot ng baby bra? Ayos mukha, ‘oy!

Valentine’s day na! Eh ano naman ngayon?

Siyempre, umaga pa lang may nagbebenta na ng rosas, lalo sa mga malalapit sa simbahan, eskwelahan, mall, at ultimong mga naglalakihang skyscraper kung saan malapit sa mga opisina. Para hindi na raw kayo dumayo ng mga gaya ng Dangwa, Megamall at Farmer’s at mahasel pa sa trapiko. Yun nga lang, good luck sa mga presyo.

Valentine’s day na! E ano ngayon? Pustahan tayo: maraming maghahalf-day o early out. At kung aftermath ang usapan, malamanag baka maraming naka-VL na bukas o half day.

Valentine’s day na! E ano naman ngayon? Naku, extended na naman ang rush hour nito na huli pa yatang naranasan noong nagla-last minute shopping pa ang mga tao noong Pasko. Marami na naman ang iinit ang ulo, lalo na kung malapit pa sa Pasig at Sta. Mesa ang dadayuhin mo. Tsk! Speaking of which…

Click here to continue reading

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!