“Usapang Peksman”

bahala na si batman?

Bakasyon na naman. Naalala ko dalawang taon na ang nakaraan, habang ako’y nasa biyahe pauwing Samar, sinulat ko ‘tong sampung usapang hugis puso. Wala lang. Hindi k’se ako sanay matulog habang nasa biyahe kaya’t kung ano-anong kakornihan ang pumapasok sa kukote ko. Sinamantala ko na. K’se kung mahilig ka talaga magsulat, hindi dapat pinapalampas anuman ang gustong sabihin ng puso mo. Pakikinggan mo ‘to lalo’t ito’y nagpapangiti sa’yo – parang “pag-ibig”; pag pumasok ‘to sa buhay mo, hahamakin ang lahat masunod lamang? Pangakong peksman? Bahala na si Batman? Haha. Pero bakit halos lahat ng pangako, sa puso napapako? Lalo na pag walang natupad kahit isa man lang sa sampu?

Pero ‘tong sampung usapang hugis puso, pangako as in peksman, ito’y inyong magugustuhan. 🙂

“Ano tingin mo sa balon?”

” Malalim.”

“Tatalon ka ba?”

“Hindi.”

“Ano tingin mo sa bangin?”

“Mas malalim.”

“Tatalon ka ba?”

“Lalong hindi.”

“Eh ba’t ako. Hindin tumalon sa balon,

lalo na sa bangin…pero ba’t NAHULOG

ANG PUSO KO SA’YO…?

 

Minsan tinanong kita kung sino ang mahal mo? Wala kang sinabi pero iginuhit mo’y “ikaw” sa puso ko. Wala rin akong sinabi pero ang totoo kinilig ako. At di mo na kailangan itanong kung sino ang mahal ko. Alam kong alam mo ang sagot. Sayang at hindi naging tayo. Hanggang sa alaala na lang ang lahat na minsan nagmahalan tayo pero wala tayong sinabi. At kung ngayon ikaw at ako’y napapangiti, yun ay dahil mga puso lang natin ang piping saksi. ?

“Grabe, isang araw lang ako nawala,

nagtatampo ka agad?”

“Hindi naman ako yung nagtatampo…”

“Eh, SINO…?”

“PUSO ko…” ?

“Sabi nila may mahal ka na raw na iba…”

“Sabi-sabi lang yun…Ano ba sabi ko sa’yo…?”

“Mahal mo’ko…”

“Yan ang totoo…Galing dito…(sabay turo sa puso)”

“Talaga? Peksman? Mamatay man si Batman…?

“Di lang si Batman. Isama mo pa si Superman…!” ?

 

“Mahal mo ba talaga ako…?”

“Tinatanong pa ba ‘yan…?”

“Siyempre gusto ko marinig…”

“Halika…(sabay yakap ng mahigpit…)”

“Ba’t di mo masabi…”

“Kse pag mahal na mahal ko ang isang tao,

hindi ko lang sinasabi…pinaparamdam ko…” ?

 

“Alam mo pinaka-ayaw ko sa lahat..?”

“Ano..?”

“Yung kung kani-kanino ka nakatingin…”

“Yun nga pinaka-gusto eh…”

“Bakit mo nasabi…?”

“Kse kung kani-kanino man ako nakatingin,

nakikita ko, mukha mo pa rin…”

 

Bakit hanggang ngayon single ka pa rin…?”

“K’se…(sabay titig sa katabi…), I wanna marry you pa…”

“Seryoso ka ba…?”

“Mukha ba akong nagbibiro…?”

“Teka sandali, wala man lang ‘I Love You’ muna…?”

“Puede ba pagkatapos na natin mag ‘I Do…’ gusto ko kse yung kauna-unahang ‘I Love You’ natin, sagrado. ?

“Naaalala mo pa nung maliit pa tayo ninakawan mo’ko ng halik?”

“Ako? Nagnakaw ng halik sa’yo? Cgurado ka?”

“Cguradong cgurado. Tinakbohan mo pa nga ako eh.”

“Ay sori, pero wala akong maalala.”

“Ah ganun…(sabay halik). Ngayon, naaalala mo na?”

“Eh, ikaw pala ang magnanakaw ng halik dyan!”

“Hindi ha. Binabawi ko lang kung ano kinuha mo.”

“Fine! Ngayon wala na akong atraso sa’yo,

makakaalis ka na sa harapan ko?!”

“Paano ako aalis, eh hawak-hawak mo kamay ko…?”

“Ayan! (sabay bitaw).”

“Cge na nga, makaalis na nga. Pero babalikan pa kita ha?”

“Ano ka sinuswerte?”

“Hindi ako…puso ko…kse maiiwan sa’yo…” ?

“Grabe ka naman kung makatingin, may ibig sabihin…”

“Ang totoo, hindi ko masabi…”

“Na ano…? Mahal mo ako…?

“Tingin mo ba may pag-asa ang isang katulad ko…?”

“Iring ka dyan…!” lol ?

“Bakit ka malungkot…?”

“Hindi ako malungkot…Mukha lang akong malungkot…”

“Bakit nga…?”

“Ikaw ba naman magkaroon ng ganitong mukha, puro kulobot, di ka ba malulungkot…?”

“Sobra ka naman…Alam mo bang yang mukha mo na yan na nagpapalungkot sa’yo…Yan ang nagpapasaya sa akin…” ?

 

Photo credit to owners

 

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!