“Uniporme”

Dati-rati, kapag magkakasama ang mga batang magkakalaro at nag-uusap kung ano ang nais nila maging paglaki, marami ang nagsasabing nais nilang maging pulis.

Dati-rati, kapag nakakakita kami ng pulis sa kapaligiran, napapanatag kami; lalo na kapag nagpapatrulya sila nang madalas sa aming lugar. Panatag ang aming damdamin.

Dati-rati, proud na proud ang aming mga kaklase na ang tatay ay pulis — pagkat mayroong tagapagtanggol, tagapamayapa, simbolo ng katapangan!

Ano na ba’ng nangyari?

NAKAKAAWA!

Nakakaawa ang mga anak at pamilya ng mga tiwaling pulisna napipilitang kumain at makinabang sa perang hatid ng tiwaling gawain ng kanilang pulis na padre de pamilya. Paano nila naaatim na pakainin at pag-aralin ang kanilang mga anak mula sa maruming salapi?

Nakakaawa ang mga anak at pamilya ng mga nabibiktima ng mga ‘men in uniform’ na gumagamit ng kanilang ranggo upang maghasik ng dahas at kapahamakan sa mga walang kalaban-laban.  May pamilya rin sila. Hindi na ba sila dinadalaw ng kanilang kunsensya?

Sa bawat pagsusuot ng kanilang uniporme, nawala na ba ang pride na hatid nito? Ang simbolo na sila ay peacekeepers — at hindi troublemakers?

At higit sa lahat —

Nakakaawa ang mga anak at pamilya ng mga pulis na matitino at tapat sa kanilang tungkulin — na nadadamay sa batik na hatid ng mga tiwaling pulis sa ating lipunan.

Dahil ang kabulukan ng isa ay nagmamantsa sa uniporme ng iba!

Nasaan naman ang hustisya?

Panawagan sa lahat ng ating kapulisan

leadership

Sa mga tapat sa sinumpaang tungkulin at nagpapakatatag sa kabila ng mga pagsubok at pambabatikos  — KAPIT LANG!

Nananalig pa rin ang sambayanan sa mga katulad ninyo!

Sa mga  marurupok na nagpadala sa simoy ng katusuhan, kapangyarihan at kaperahanGISING NA!

May pagkakataon pa upang magbago at ibalik ang karangalan sa inyong angkan!

Ang Pilipinas ang tahanan nating lahat, at nawa’y makamit naman ng ating bansa ang kapayapaan na minimithi ng higit na nakararami.

Bilang mga mamamayang nagmamalasakit sa kapakanan ng lahat, tandaan ang mga numerong 8888  at  911 at ating tulungan ang ating pamahalaan sa pagsugpo sa mga katiwalian at korapsyon.

Alamin rin ang mga numero ng mga istasyon ng pulis sa inyong tinitirhang lugar at ireport ang mga kaduda-dudang tao o pangyayari sa inyong lugar.

Ang sama-samang pagkilos ng magkakabarangay ay makatutulong sa pangkalahatan.

 

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!