Unexpected Love Part 2

touchMedyo nailang ako kay Ronnie. Hindi kasi ako sanay na may kasama sa kwarto. Simula pagkabata kasi eh mayroon akong sariling kwarto. Nag-iisang anak kasi ako. Pero ngayon eh may kasama na ako. Si Ronnie naman eh parang walang pakialam kung halos nakahubad na siya sa harapan ko. Siguro dahil pareho naman kaming lalaki. Dumiretso na lang ako sa maleta ko at sinumalan ko itong buksan. Halos masira ang zipper ng maleta ko sa dami ng laman.

Parang bibit mo na pare ang buong bahay ninyo ah” nakangisi sabi ni Ronnie.

Napangiti na lang din ako sa tinuran niya. Sa isip isip ko totoo naman yun sinabi niya. Talagang wala na talaga akong balak umuwi. Para sakin kasi dito na ang buhay ko ngayon. Naalala ko pa nung magimpake ako ng gamit. Halos wala na akong itinira sa kwarto ko. Yung mga bagay na magpapaalala sakin sa nakaraan ay iniwan ko na. Sinabihan ko na rin ang nanay ko na ibenta o kaya itapon na lang yun mga gamit na iyon dahil hindi ko na kailangan

Nang kapagbilis na si Ronnie ay lumabas na siya ng kwarto. Ako naman ay unti unti kung nilalabas ang mga gamit ko sa maleta. Hindi ko alam kung paano ko ba pagkakasiyahin ito sa loob ng kabinet. Meron din akong dalang ilang mga groceries na pabaon ng nanay ko sakin.

Hindi ko alam kung saan ko pa pwedeng maisuksok ang marami ko pang gamit. Yun iba eh pinatong ko muna sa kama. Siguro pagtagal tagal eh makakakita rin ako ng espasyo para sa kanila. Yung ibang gamit eh binalik ko sa maleta at dun muna tinago. Yun ilang groceries eh ilalagay ko na lang sa may kusina.

Lumabas ako ng kwarto dala yung maleta para ilagay sa bodega. Nakita ko si Ronnie na nanood ng NBA sa TV sa may sala. Pagkatapos ko itabi ang maleta ay kinuha ko naman ang mga groceries at dumiretso na sa may kusina. Mag-aalas onse na pala ng umaga. Naiisipan ko na ring magluto kasi hindi pa pala ako nag-aagahan. Ipagsasabay ko na lang ang agahan at tanghalian.

Naalala ko wala pa pala akong bigas. Kaya naisipan kong lucky me pancit canton muna ang lulutuin ko. Nagbukas ako ng dalawa dahil mukhang kulang kasi kung isa lang. Habang nagluluto ako eh lumapit sakin si Ronnie.

Yan lang tanghalian mo pare” tanong ni Ronnie

Oo pre wala pa kasi akong bigas” sagot ko.

Kuha ka na lang muna dito sakin pre medyo madami rin kasi yun nasaing ko kanina” si Ronnie.

Pumunta si Ronnie sa may ref at nilabas ang isang mangkok. Nilagay niya yun sa loob ng microwave.

Eto pre ginisang corned beef kainin natin” si Ronnie.

Nang maluto na yung pancit canton eh dinala ko iyon sa may lamesa. Si Ronnie naman ay dinala na rin sa mesa yun ininit nyang corned beef at kanin.

Habang kumakain kami ay marami kaming napagusapan ni Ronnie. Masaya sa pakiramdam na meron kang bagong kaibigan sa bagong mundo. Ewan ko pero hindi ko alam kung sa dating buhay ko ba ay nagkaroon ba ako talaga ng mga totoong kaibigan. Kasi pakiramdam ko pagkatapos ng nangyari sa kasal nun pati sila ay nawala na rin. Ewan ko pero sa sobrang hiya ko eh ako mismo ang tumalikod sa kanila. Pero ang hindi ko matanggap eh imbes na unawain nila ako ay mas pinili nila na lumayo rin sa akin. Hindi naman kasi madali tanggapin yung mga nangyayari. Mahirap sa pakiramdam na tuwing papasok ka sa trabaho ay sentro ka nga mga bulong-bulungan. Mahirap na tuwing magkikita-kita kayo ng mga kaibigan mo eh paulit ulit na isyu tungkol sa nangyari ang paguusapan ninyo. Mahirap na yung mga kamag-anak mo eh pinaguusapan din ito at tatanungin ka pa na “ok ka lang?” Sino ba naman tanga ang magiging ok sa nangyari. At sinong tanga naman ang gusto na paulit ulit i rewind sa utak niya na iniwan siya ng taong mahal niya…sa araw mismo ng kasal nila.

Maya maya pa ay lumabas si Kiko sa kanilang kwarto. Sumabay na rin siya sa amin ni Ronnie na kumain. Nagiinit din siya ng natirang ulam sa mircowave.

Medyo nakakapanibago na bumubuo ka ng bagong samahan. Pero sa kabila nun ay masarap sa pakiramdam na nabubuo mo ang bagong pagkatao sa sarili mo. Yun bang napapakilala mo yun sarili mo sa paraan gusto mo. Naibabahagi mo lang kung anong gusto mong ibahagi. Nabubuo mo yung impresyon nila sa paraan na gusto mo na hindi ka nila hushusgahan or tatanungin. Basta kinikilala ka lang nila kung anong kwento mo.

Nakakatuwa rin malaman ng ang buhay ng tao ay marami palang kwento. Na sa kabila ng nangyari ay meron pa rin palang magagandang kwento ng nangyari sakin na pwedeng kong ibahagi. Nagulat pa nga ako ng nalaman ko na si Kiko pala at ako ay nagkolehiyo sa iisang iskul. Ahead lang si Kiko sakin ng isang taon pero nagkasama na pala kami noon pero hindi lang kami magkakilala. Tapos pareho pa kami ng course kaya imposible na hindi kami nagkita nuon lalo na kung mga gathering or meeting ang organization namin. Malay ko ba baka yun minsang katabi ko eh siya na pala yun pero hindi ko lang alam.

Ang liit talaga ng mundo” yun na lang ang nasabi ko.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan sa may sala pagkatapos kumain. Napansin ko na lang may pagkakataon na napapatawa na pala ako. Ang tagal ko rin kasing hindi tumawa ng ganon. Nakakagaan din pala sa katawan ang tumawa. Parang sa mga oras na iyon parang nabawasan ang kirot ng dala-dala kong problema.

Good morning boys” boses ng babae mula samin likuran.

Pagtalikod ko eh nakita ko ang isang magadang babae, maputi at mahaba ang buhok. Chinita ang mga mata at nakasuot ng pajama at malaking tshirt.

Grace… si Jerome nga pala bagong recruit ng tropang manyakol” si Ronnie sabay tawa ng malakas. Napatawa na rin ako. Natawa rin si Grace. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para kamayan siya.

Gwapo naman nito at ang ganda ng katawan… bat ang tigas naman yan?” sambit ni Grace.

“Ah?” napamaang ako.

Nang kamay mo” sagot ni Grace sabay tawa. “Unless na lang iba ang nasa isip mo” pagpapatuloy niya.

Natatawa naman sina Kiko at Ronnie. Ako na patawa na rin.

“Na curious tuloy ako” sambit ni Grace.

 Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Sila Kiko naman at Ronnie eh natatawa pa rin na parang nakakaloko.

 “Sige boys ligo lang ako…Bawal manilip ha” sambit ni Grace. “Ikaw lang pwede” pahabol ni Grace sabay kindat sakin.

 Bumalik si Grace sa kwarto nila para kunin ang gamit niyang pampaligo.

 “Ganyan lang talaga si Grace pare…wild” sambit ni Ronnie.

 “Este ang ibig kong sabihin eh makulit lang talaga si Grace” biglang bawi ni Ronnie na natatawa.

 “Hindi pare sabi mo wild eh” pambabara ko. “Wala ng bawian” sambit ko sabay ngisi.

 Nagtinginan na lang sina Kiko at Ronnie na parang makahulugan. Tapos eh napangisi na lang sila pareho.

“Edi alamin mo pare kung wild nga” sambit ni Kiko.

 “Paano?” tanong ko.

“Edi pasukin mo sa CR mamaya habang naliligo” sagot ni Ronnie. “Mukhang type ka naman nya eh” sabat naman ni Kiko.

– Itutuloy –

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!