Undecided, Open-Minded, or Misled?

05/03/2016 10:00:35 PM

Ang lawak ng kapangyarihan ng media. Anuman ang ilalahad nila ay nakapaghuhubog hindi lamang ng isang nasyon, kundi ng kuro-kuro ng bawat tao.

Kaya sa totoo lang, maraming naniniwala rito at iilan lamang ang nangingilatis. At hindi ito usaping bias ha?

screenshot from tankler.com

 

Ito kasi yan. Ang punto ay naghahanap siya ng mga idea mula sa ibang panig. Gustong marinig sa ibang kampo. Alam naman natin lahat na isa siyang solidong suporter ni Duterte, pero bakit namisquote pa yata si Chito Miranda bilang undecided?

Lakas maka-misleading ng media ngayon no? Ang balita, it appears na undecided raw siya. Tignan ang mga headline sa ilang pahayagan.

Talaga? Kung kailan halos patapos na ang pangangampanya, saka pa siya naging undecieded? Lakas makataktika no? Kaya hindi kataka-taka na naputakte siya ng mga tao ngayon, partikular na ng mga tagahanga niya.

Samantalang pag binasa ang post ang sabi lang niya ay gusto lamang nya marinig ang plataporma at kwalipikasyon ng iba pang nangangandidato sa pagkapangulo. At pag-aaralan. Undecided ba kaagad ang ganun?

Wow, what a twisted logic. Hindi ba maaaring bukas lamang ang isipan niya sa ganung bagay? Kailangan ba pag once na may napili na, dapat sarado na ang tenga nila sa ibang posibleng marinig na para bang kung tawagin ay sarado katoliko?

Ang hirap kasi sa ngayon, sa adbyento ng mga blog at social networking ay kahit sino may kakayahang maghatid ng balita nang hindi mo kailangang ipahalata ang salitang kredibilidad. Kaya ang ilan rin sa mga manunulat, parang hindi alam kung paano maging obhektibo sa paglalahad. At kung alam man, siyempre, hindi gagawin. Marketing strategy. Siyempre, trabaho eh. Kailangang kumita by all means.

Click here to continue reading

 

 

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!