UK’s Newest Top Fashion Designer: Jasper Garvida

Jasper Garvida with Kelly Osborne. (picture source: www.lndmeetsmnl.com)

Isang Pilipino na kasalukuyang dito nakatira sa Inglatera ang ngayon nagbibigay ng kakaibang parangal para sa mga Pilipino.

Si Jasper Garvida ay isang fashion designer na kamakailan lang nagwagi sa katatapos na Project Catwalk.

Ang Project Catwalk ay ang prestilyosong patimpalak ng iba’t ibang mga fashion designer dito saLondon. Mula sa libo-libong mga designers na sumali sa pa-kontest na ito, pumili lang ang hurado ng labing-tatlong semi-finalist. At mula sa labing-talo ay pumili ng tatlong designers na siyang tinaguriang mga nagwagi sa kontest na ito. Bilang isa sa mga premyo, binigyan ng pagkakataon ang tatlong nagwagi na mag-pakitang gilas ng kanilang galing at talento sa larangan ng fashion design. Itinampok ang labing-dalawang uri ng personal nilang mga disenyo sa LondonFashion week.

Unang nakahiligan ni Jasper ang photography. Kalaunan, lubas na mas nakahiligan niya ang pag-de-design ng mga damit ng kanyang mga modelo. Dito na nag-simula ang lahat.

Ipinanganak si Jasper sa Pilipinas. Bunso siya sa pitong magkakapatid. Isang abogado ang kanyang ama at isa namang accountant ang kanyang ina. Nanirahan ang pamilya ni Jasper saToronto,Canadang siya ay labing-dalawang taon gulang at dito na siya lumaki. Si Jasper ay isang Filipino-Canadianna ngayon. Madaling nakuha ni Jasper ang kulturang Canadian pati na rin ang hilig nila sa photography. Dito siya unang nagkaroon ng experience. Dito rin namulat ang kanyang pag-kahilig sa fashion design. Panumbalik-alala ni Jasper na mahilig siya sa pagkuha ng litrato pero napansin niya na mas naging particular siya sa mga damit ng kanyang mga modelo. Mula dito ay sinubukan niyang mag-design ng iba’t ibang mga damit para sa kanyang mga modelo.

Unang nag-karoon ng pormal na pag-aaral si Jasper sa larangan ng pag-didisenyo sa International Academy of Design saToronto. Dito natutunan niya ang mahahalagang bagay na pundasyon ng bawat designer tulad ng pag-disenyo ng pattern, tabas, tahi at ang iba’t ibang mga possibleng palamuti na puwedeng ilagay sa damit.

Oktubre 2000 nang napa-desisyunan ni Jasper na mag-aralsa Central St.Martin’s College of Arts and Design sa London. Mula sa maraming applikante na nais mag-aral sa kolehiyong ito kilala sa fashion, isa si Jasper sa ma-swerteng tinangap ng kolehiyo dahil na rin sa kahanga-hanga niyang portfolio at mga ipinakitang sinaunang designs.

Ang paninirahan niya saLondonay naging magandang kombinasyon para sa patuloy na pag-usbong ng kanyang talento sa pag-didisenyo. Naging ma-impluwensya ang kanyang paninirahan at pag-aaral dito sa London sa pakakaroon niya ng sariling istilo at kakaibang uri ng disenyo. Ang karamihan sa kanyang mga disenyong damit ay punong-puno ng detalye, imahinasyon at karakter.

 Unang nag-trabaho si Jasper bilang pinunong kusturera sa kompanyang Michiko Koshino. Mula dito, naisipan ni Jasper na palawakin ang kanyang kaalaman sa industriya sa pamamagitan ng pag-disenyo ng damit para sa masa. Mula sa kanyang pananaw bilang isang designer, na-intindihan ni Jasper ang mga kagustuhan at ang uri ng damit na papatok para sa pang-araw-araw na kasuotan.

Marami sa kanyang mga disenyo ang tagumpay na napadpad sa mga tindahan ng damit tulad ng Monsoon, Wallace, Evans, Kookai at Ms. Selfridges na pawang mga klas na tatak saUK. Nai-suot na rin nang mga sikat na artista tulad nila Sophie Ellis Bextor, Liz Hurley at Sophie Dahl ang kanyang mga dinisenyong damit. Nag-disenyo rin si Jasper ng tatlong iba’t ibang koleksyon para sa Swatch alternative fashion week saLondon. Nagturo rin si Jasper sa mga estudyante ngHaveringFashionCollege. Kasalukuyang nag-didisenyo ngayon si Jasper para sa Maxella group of companies at abala rin siya sa mga pribado niyang mga customer na nagpapagawa ng damit.

 Bukod sa mahigit sa isang dosenang iba’t-ibang fashion shows na kanyang pinarangalan ng kanyang mga disenyong damit pambabae, nai-lathala na rin sa mahigit dalawampung iba’t-ibang babasahin ang kanyang tagumpay at mga disenyong damit. Nakatawag pansin na rin ang kanyang mga obra maestra sa ibang bansa tulad ngParis,Tokyo,TorontoatVienna. Katibayan ng kanyang galing ay ang pag-kakaroon niya ng sariling tatak ng damit o brand sa piling mga fashion stores saViennaatTokyo.

Pag-hanga at papuri naman ang masasabi ni Kelly Osbourne , pangunahing presenter at host ng Project Catwalk sa ipinakitang galing at tiyaga ni Jasper; “This year we’ve had some incredibly talented contestants which made our decision very difficult, but Jasper’s talent and passion for design has stood out throughout the competition and his final collection was dazzling. I really do think that we have found theUK’s next biggest designer.”

Parakay Jasper, simula pa lang ito ng kanyang mga pangarap. Bagama’t hindi siya lumaki sa Pilipinas, payo niya sa mga kababayang pinoy na ipagpatuloy ang kakaibang pagsisikap at tiyaga para abutin ang mga pangarap dahil walang tagumpay na madaling naaabot. (report ni Michael Duque)

Enhanced by Zemanta
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!