“True Love Waits”

truelovewaits

Sa panahon ngayon, kakaunti na lang yata ang naniniwala sa True Love.

Hindi dahil mas trending sina IPHONE 5 at SAMSUNG S 111, o kaya si HARLEM SHAKE at GWIYOMI.

Sadya lang na may mga ilan na ayaw mapag-usapan kung sino nga ba si true love sa buhay nila. Corny o kaya’y baduy ang tingin dito ng iba….

Puwes ako, hindi. Naglipana man ang mga makabagong teknolohiya sa panahon ngayon, buo pa rin ang paniniwala ko na TRUE LOVE IS EXISTING pa rin. Bagama’t ‘di ko pa natatagpuan ang True Love ko, naniniwala pa rin ako na may taong nakalaan para sa akin…

Teka, mukhang binuking ko na ang sarili ko. (hehe) Kidding aside, hanga ako sa mga mag-bf/gf o mag-asawa na talagang naniniwala sa isa’t isa that True Love waits. Lalo na yung mga Long Distance Relationship.

Hindi ako si Dr. Love o si Papa Jack. Pero sa sarili kong opinyon, mahirap ang LDR. Pihadong ilang beses na nating narinig na Tiwala, Komunikasyon at Faithfulness ang pinakamabisang paraan para mag-work ang ganitong uri ng relasyon.

Sang-ayon ako. Bagama’t ‘di ako masyadong maka-relate, ramdam ko ang hirap at pangungulila ng mga taong nawalay sa mga mahal nila sa buhay, especially sa mga special someone nila.

Una na riyan ang mga Kababayan kong OFW na naiwan sa Pinas ang mga Jowa o Asawa nila. Laging may bumabagabag sa isip nila na kung lagi bang faithful si Husband/Wife o Gf/Bf sa kanila.

Oo. Selos ang pangunahing pinag-uugatan ng away o tampuhan ng mga LDR ang relasyon. Bukod sa magkalayo kayo, hindi ninyo alam ang bawat kilos o ginagawa ng isa’t isa. Kaya hindi maiwasan na makapag-isip tayo ng mga negatibong bagay. Na sa huli, siyang ugat ng mas kumplikadong sitwasyon.

Maraming mga OFW, babae man o lalake, ang nasisira ang relasyon o samahan nila sa mga asawa o kasintahan.

Ang tanong: Ano nga ba ang puno’t dulo kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dating masaya at matatag na relasyon???

Base sa aking obserbasyon, TUKSO ang pangunahing dahilan. Komo’t nasa ibang bansa tayo, ang ilan nating mga Kababayang OFW ay natutuksong magkaroon ng secret sffair sa iba. Ang katuwiran nila, TAO LANG KAMI NA MARUPOK AT NADADARANG DIN!

Pero huli na bago natin maisip ang masamang epekto ng Panandaliang Aliw. May kasama man itong PAGMAMAHAL O RESPETO, mali pa rin na tayo’y makipaglaro sa iba kung alam nating Pamilyado na tayo o Taken na.

Sana, mabuksan ang isip at puso ng ilan nating kababayan na nasa ganitong sitwasyon. Kung naniniwala tayo that “TRUE LOVE WAITS”, panghawakan sana natin ang mga binitiwan nating pangako sa asawa o kasintahan natin bago tayo nangibang-bansa!

Isipin natin that someone is waiting for you way back HOME!!!

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!