Torpe Si Crush

11359_582253585135850_1566877337_nOi.. Psst.. OO ikaw,

Sabi nila crush mo daw ako???

Ano nga bang magiging reaksyon ko?
matutuwa? ngingiti? hindi maniniwala? pero deep inside flattered ako…

Sabi nila, ayon sa iyo, torpe ako? kasi ang layo ko daw sa iyo nung kausap kita.
Hindi torpe ang tawag dun. maginoo lang….marunong kasi akong rumespeto ng babae..

Teka teka, tama na nga ‘yung puro sabi nila.

Paano nga ba tayo nagkakilala?

Nagsimula ang lahat dahil sa isang malaking katangahan…
katangahang nauwi sa pagsabi mong torpe ako.
Sumabay ako sa ‘yo pag-akyat sa escalator, alam kong tanda mo pa yon.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ka,
sino bang hindi mananahimik eh nakakatulala ka naman talaga.

May ilang hakbang sa escalator ang agwat ko sa ‘yo,
distansya ang binigay ko, at simpleng mga tanong lang.

Lumipas ang araw na parang ordinaryo lang, nagtatrabaho ka, at ganun din ako.
Lumipas ang ilang linggo, walang usapan at muling pagkikita ang nag-ugnay sa atin
hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng tawag, at sinabi nga na, crush mo daw ako??

Wow!! Natatawa lang ako sa panunukso, pero sabi ko nga, sa una pa lang flattered ako, at hindi
ko iyon inaasahan. Binigay sa akin ang number mo, subalit ang tanong ko? Itetext nga ba kita?
samantalang bukod sa unang pagkikita natin eh hindi pa tayo muling nagkakausap.

Natatandaan mo pa ba kung papaanong nagsimula ang ugnayan natin?

Oo, dahil sa isang comment mo.
Comment mo na nagbigay daan upang maging friend tayo sa Facebook.
Nang dahil sa comment mo, nalaman kong ilang araw na lang ay birthday mo na pala…

Dumating na naman ‘yung sitwasyong, tinanong ko ang sarili ko kung babatiin ba kita.
Nangibabaw ang naririnig kong, batiin daw kita.. at ayun, “Happy Birthday, walang pakain?”

Alam mo ba ‘yung pakiramdam ko habang hinihintay ko ang reply mo? mahigit 2 oras akong naghihintay,
pero, wala! Dumating sa puntong, sabi ko “ay.. hindi to magrereply”.

Pero, maya maya may message ako sa Messenger, nag-reply ka… at anong sabi mo??? Hahaha starbucksss!!!

Natawa ako! Sabi ko sa sarili ko, ‘yan na pala ang makabagong THANK YOU… hanggang nagtuloy-tuloy na ang ating
usapan.. nakakatuwa, kasi very unexpected sa akin ‘yung bawat pangyayaring iyon.

Dumating ulit ung araw na, magkakasama na naman tayo sa trabaho. at sa panahong ito, hindi na ako papayag
na maririnig kong muli sa iyo ang salitang torpe…

OO, kasi alam ko sa sarili ko na tama ka nga siguro, torpe nga ako, at pasalamat na lang ako sa mga bagay na hindi inaasahan na nagbibigay daan para magkausap tayo.

Sa ating pag-uusap, hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa iyo, hindi ko alam kung bakit sa bawat galaw mo
ay nakasunod ang mata ko, hindi ko alam kung bakit nananatiling fixated ang mata ko sa iyo. Aminin mo, Si elmer ka ba? at idinikit mo ako.

Marami tayong napag-usapan sa maikling panahong iyon, at gaya nga ng sabi ko, sa maikling oras na ‘yon ay napalapit ako sa iyo, at gusto kong makilala ka pa nang husto pero alam ko sa sarili ko, sa escalator pa lang, pramis,
nagrerebelde na ang puso ko.

Pagkauwi ko sa bahay, muli ko pa ring naaalala ang mga ngiti at tawa mo, gayundin ang buong pagkatao mo, napakakwela mo at parang napakalambing. Muli’t muli kong sinusulyapan ang larawan mo na ikaw mismo ang kumuha gamit ang cellphone ko.

Nag-text ako sa iyo, at muli kitang tinanong kung kailan tayo puwedeng muling magkita? at anong sabi mo? kung kailan ka available.

Sinabi ko sa ‘yo kung ano bang meron sa ‘yo at nagkakaganito ako, ngunit ang sinabi mo “malabong magustuhan mo ako”. Pero nangyari na nga ang malabong sinasabi mo, I already fell for you, at akala mo eh nagbibiro lang ako (not in my wildest dream na manloko ako ng babae). Nagpaalam ka na, dahil kakain ka pa, at laking tuwa ko nang malaman kong parehas tayo ng paborito.

Matapos nun, muling tumamlay ang usapan natin, nagpaparamdam ako, subalit ni isang reply mula sa iyo ay wala akong natanggap, sinabi ko sa sarili ko na, malamang, siguro, wala naman talagang ako para sa iyo. Ilang araw ang lumipas, subalit wala talaga. Pagkagising ko at hanggang sa pagtulog, hindi ko nalilimutang batiin ka, o magpapansin sa iyo. Hanggang dumating ‘yung araw na nakatanggap ako ng reply mo.

Muli na namang kumabog ang puso ko, at sa pagkakataong ito, nilakasan ko na ang loob ko at niyaya kita kung pupuwede bang makipag-date?

At hanggang sa ngayon, umaasa akong sasabihin mong “OO”… dahil sa Oo mo nakasalalay ang karugtong ng kabanata nating ito…

About malaya06

a deo et rege; humanus crede.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!