Top Reasons kung bakit iniiwan tayo ng mahal natin

Meme (Credit to owner)

Life is full of surprises.

Magigising ka na lang isang araw na wala nang dede si Jake Zyrus. Tapos wala ka na ring dyowa.  Break na pala kayo. Hindi ka man lang pinag-almusal muna bago niya sabihin sa iyo.  Samantalang nung isang araw lang, panay pa ang sumpaan n’yo na kamatayan lang ang makakapaghihiwalay sa inyong dalawa. So ayun nga, namatay na ang feelings nya for you.

Sa isang iglap, gumuho ang lahat ng pangarap mo, tumulo ang luha mo papunta sa lips hanggang sa keyboard. Keyboard warrior ka pa namang hinayupak ka. Pero anshaket, besh, parang tinanggalan ka ng karapatang mabuhay pa sa mundo. Parang nawalan ka na ng dangal at ang dumi-dumi na ng pagkatao mo! Charaught.

Ang break-up, hindi pinaplano yan.At wala rin naman sigurong perfect time para diyan. Hindi mo puweding i-schedule ‘yan na tipong “wait guys mag-bibreak kami ng bf ko sa sunod na araw alas siyete ng gabi sa harap ng pure gold, kaya hindi ako makakasama sa pa-party ni mayora”.

Kusang dumarating na lang ‘yan sa buhay mo na walang pasabi. Hindi mo rin naman puweding kontrolin. Dahil kung nagmamahal tayo, hindi naman natin ginagamitan ng logic or deductive reasoning. Bagkus, gumagamit tayo ng puso, ng feelings. Kaya masakit para sa ‘tin na mawala ang taong naging parte na ng sistema natin araw-araw.

Kadalasan, naghahanap talaga tayo ng kasagutan kung bakit tayo iniiwan.

Look, hindi ka naman masyadong pangit, nagsisimba ka naman tuwing mahal na araw at wala ka namang record sa barangay n’yo, pero hindi ka pa rin sapat para sa kanya. So bakit ka iniiwan? Ano bang kulang sa iyo?

Basta nung iniwan ako ng mahal ko, kalmado lang kami lahat, family ko relatives ko mga kaibigan ko, kasi ayaw namin na mas lalo pang lumaki ‘yan, at ayaw din naming magsalita ng masasakit na bagay sa mga taong mapanghusga, basta nandito pa rin ako nakatayo at paninindigan ko, namin, na wala kaming ginawang masama.

Oo minsan nagkakamali ako, nagsisisi, pero pinilit kong ibangon ang lahat ng bagay na ‘yan. Wala naman akong magagawa kasi hindi ko naman po hawak ang mga pag-iisip n’yo, kayo naman din po ang dahilan kung bakit ako andito sa kung ano man ako ngayon………..

So yan nga pala ang sinabi ni Jovit matapos siyang iwanan ng gf niya. Puge eh! Isang patunay lang na may feelings din kaming mga f*cboi. Dahil tao rin kami, may damdamin ding nasasaktan. Kaya bago pa ako maging kamukha ni idol, narito na ang top reasons kung bakit tayo iniiwan ng mga taong mahal natin (popcorn pleaseeee)…..

1.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil immature ka. Ang tanda mo na pero ang nilalagay mo pa rin sa work mo sa FB ay sa The Krusty Krab at Eh di sa puso mo. Grow up b**ch!

2.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil matakaw ka sa pagkain. Mahilig kang magpa-take out ng fries at burrito tapos ikaw lang ang kakain.

3.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil napapagod na siyang intindihin ka. Sweet ka naman daw sana kaso ganito ka mag-message sa kanya palagi; eow  pFow, Na MiSz pFou qTah an3u pfOW gW4 n3o?

4.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil may ibang lumandi sa kanya. ‘Kala mo kasi concerned lang si besh, ‘yun pala bini-versace on the floor na nila ang isa’t-isa.

5.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil matagal kang mag-kilay. Masyado mong ginagalingan na tipong dapat naka-align sa mga planeta ‘yung magkabilang dulo.

6.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil minsan tanga ka. Palagi mong sinishare yung mga post na nag papatype ng amen para dumami ang pera mo or else may bad luck ka for 5 years.

7.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil wala na raw spark sa relasyon n’yo. Kung spark lang pala hanap, eh ‘di sana pinulupot mo na agad  ‘yung leeg sa kawad ng kuryente, baka sakali, ‘di ba?

8.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil masyado kang papansin sa social media. Mag-i-status ka ng “guys, magla-live ako mamaya, libre pabati”. As if naman may pakialam kami. Feeling artista si Bes.

9.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil wala ka nang oras sa kanya. La eh, busy ka lagi. Oppa!

10.) Iniiwan ka ng mahal mo dahil ma-pride ka. Ayaw mong lunukin ‘yung pride mo pero pag lumulunok ka ng itlog ni boyfie, parang wala nang bukas. Naks puma-priority tayo, mamshie ah.

11.) Iniiwan ka ng mahal mo dahil baduy ka manamit. Kapag sa malayo, ‘yung pormahan mo pak- Kathryn B. Pag malapit na, pak pak -Daniel P na.

12.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil ang tagal mo mag-CR. Hindi niya kasi magets na bilang babae, isang moral na obligasyon ang pag-aadjust ng strap ng bra at ‘yung mandatory mirror selfies.

13.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil nag-i-english ka pag nalalasing. Super explain ka pa ng feelings mo sa mga ex mo but guess what, we don’t give a sh*t!….and oooh hindi ka din nag-aambag.

14.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil nakita niya ‘yung puberty challenge mo. Wala naman din kasing improvement, nakikisali ka pa. Kaya mas lalong dumarami ang riding in tandem eh.

15.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil bastos ka. Umuutot ka randomly sa mga public places tapos siya tinuturo mo. Respeto din minsan.

16.)  Iniiwan ka ng tricycle dahil hindi ka mahal ang pamasahe. Minsan ganun talaga pag nagmahal ka, magulo. Mas magulo pa sa sinabi ko.

17.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil masyado kang clingy. Pinopost mo pa ‘yung convo n’yo sa Fb:

Him: Good morning, babe, nahulog mo na ba ‘yung 5k sa BPI account ko?

Me: Opo babe. I love you so much to the moon and back!

Him: K.

Me: Shet kilig much hihihi!

Kamag-anak: Kumusta na si nanay mo? Naani na ba ‘yung palay nyo? May sakit kasi lolo mo ngayon.God bless u.

18.) Iniiwan ka ng mahal mo dahil assuming ka. Dahil wala naman talagang kayo. At mamamatay kang virgin.

19.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil kahit anong sabihin mo, I don’t know WTF you did. Sumisigaw ‘yung anak ko sa taas. Daddy! Daddy! Si tito badang nakatayo habang kumakanta ng dubidubidapdap!

Bakit nga ba tayo iniiwan ng mahal natin?

Ang sagot; hindi na mahalaga.

Maaaring may libu-libong dahilan or may nag-iisang dahilan kung bakit ka niya iniwan.

Alin man sa dalawa, wala nang kuwenta pa. Kasi the more na naghahanap ka ng justification sa pagkawala niya, the more na hindi mo makakamit ang closure na gusto mo.

The more na mahihirapan ka lang din mag-move on sa life.

So kung iniwan ka, then so be it. Wala nang one more chance pa gaya ng napapanood n’yo sa pelikula. At wala na ring magdadrama pa ng “ako nga pala ‘yung sinayang mo..maglaway ka ngayon”.

Unang-una, hindi ka naman talaga nakakalaway tingnan na h**up ka. Pangalawa, wala nang pangalawa. And at the end of the day, always look at the bright side of life, ‘ika nga. Baka may darating pa na mas okay, ‘yung mamahalin tayo kung ano tayo, ‘yung handang magsakripisyo para sa atin, ‘yung magsasabing ik4w lh4N x4p4t nu4h, ‘yung darating sa buhay mo na ‘di mo inaasahan…….na iiwanan ka rin pala ulit. Ang kulit mo kasi. Asa ka naman!

^_^      ^_^      ^_^

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!