Top 20 Weirdest Pinoy Superstitious Beliefs

hqdefaultMatapos ang medyo matagal-tagal kong pananahimik sa mundo ng showbiz, este internet, eto nagbabalik na ulit si machopapa!

Kahapon habang kumakain ako ng fish that is sealed in an airtight container and was sterilized under high temperature mixed with the finest ingredients like salt, corn oil, pepper or yung mas kilala sa tawag na sardinas, tumaas bigla ang testosterone level ng katawan ko.

Alam mo yung feeling na parang nire-wreck ni Miley Cyrus ‘yung magkabilang balls ko habang gumigiling si Bruno Mars sa awiting treasure, ganun eh!

Kung kabilang ka man sa contemporary subculture ng ibang bansa, o ‘di kaya’y isang babae na mahilig mag=post ng selfie sa Facebook, o isang jologs na naghahanap lang ng random porn sites sa google, eh tamang-tama ang mga blog ko para sa ‘you.

Ngayon, kung ikaw naman ‘yung tipong boring ang buhay, laging nagse-self pity, virgin since birth, kinikilig kay Justin Beiber at hindi open-minded, maaari mo nang pindutin ang new tab sa browser mo at manood ka na lang ng mga tutang nag-uusap sa youtube.

Moving on… Kasabay ng tindi ng sikat ng araw dito sa kaharian, tumitindi rin ang sex appeal ko. Parang global warming sa lupet. Gusto ko tuloy maligo sa dagat! Kaya huwag n’yo akong iinggitin diyan sa Facebook, lalo na yang mga kuha n’yo sa Boracay  habang may nakakandong na dalawang babae  dahil baka puksain ko kayo ngayon sa kinauupuan n’yo. Kung may pakialam ka sa lipunan mo, alam mong malapit na ang mahal na araw kapag ganito na katindi ang buga ng haring araw.

Dahil nga panahon ng kuwaresma, naisipan kong magpenitensya. guys. Hindi nga lang ‘yung katulad ng mga napapanood n’yo sa tv na pinapako sa krus sa Pampanga o ‘yung mga nagpapahiwa ng blade sa likod, so messy! Kinuha ko lang naman ‘yung mga sipit sa sampayan namin kanina tapos inipit ko ‘yung dalawang utong ko hanggang sa mamula. Awwwts!

Korak sister!

Top 20 Weirdest Pinoy Pamahiin:

1.)Kapag pinalo ng buntis ‘yung isang hayop, ganoon din ang magiging mukha ng anak niya-

Kung nagulat ka sa nabasa mo at narealized mo bigla na sana hindi nal ang talaga nag-alaga ang tatay mo noon ng mga iguana, sad to say eh huli na ang lahat para sa ‘yo. Ngayon, alam mo na kung bakit at hindi ko na rin kaiangan i-explain,,,,labyu!

2.) Kapag panganay na anak ang bibinyagan, dapat lolo o lola ang pipili ng pangalan

Magkakaroon daw kasi ng masaganang buhay ang bata. Kaso papayag ka ba na Luningning Pala-pala ang ipapangalan sa ‘yo? O kung malakas mantrip ang lolo mo, papangalanan ka niyang Agatha Biglangbuka. Then ‘yung apelyido n’yo Sabaytira.

3.) Ang sinumang makakuha ng panyo na ginamit pantali sa ulo ng patay ay makapagnanakaw nang hindi nahuhuli

Nate-tempt akong subukan ito, sa totoo lang. Kayo ba? Pag may hawak kang ganyang panyo, talo mo pa raw yung pinagsamang anting-anting ni Nardong putik at Ben tambling. Yup, kahit bangko sentral kaya mong pagnakawan. Hindi siya detectable ng CCTV, scud missile at k9. Maliban sa isang  timbang tubig na puno ng kutsilyo na ilalagay lang sa likod ng pintuan at presto, mawawalan ng bisa ang panyo.

4.) Kapag may eklipse,dapat lumabas ng bahay ang buntis para di maging abnormal ang junakis niya

Kaso nakatulog ang nanay mo nung araw na yun. Puyat daw, galing sa saklaan kina mayora. Tinanghali ng gising, p’re eh.How puto, ‘di ba?

5.) Kapag hinalikan ang sanggol habang dumudumi, babaho ang hininga nito paglaki.

Tipong pag nagsalita daw yung bata akala mo may umutot sa paligid. At kahit ihalo mo pa sa kanin yung colgate, hindi eepekto. Ganoon katindi!? Pero kunghindi mo matiis na hindi halikan si bebe, I strongly suggest na dilaan mo na lang.

6.) Bawal mag pa litrato ng tatlo.

Yung nasa gitna raw ay  matsutsugi, tapos ‘yung dalawang nasa gilid na naka-backless na medyo mahaba ang baba…mga panget, chos hahaha! Ewan ko, pero gawa-gawa lang daw to ng mga photographer noong araw para makadami sila ng mako-kodakan.

7.) Ang isang biyuda na hinaplos ang mukha ng kanyang patay na asawa ay siguradong mag-aasawa ulit.

Ang tingin ko diyan, ganito yung sinasabi ng biyuda sa namayapa niyang mister: ” Dear, mag-iingat ka sa biyahe huh.Wag kang mag-alala, nandito naman lagi si kumpare mo eh. Sabi pa nga niya, pagkatapos na pagkatapos ng libing mo daw eh, pupunta kami agad sa hongkong. It’s kinda awkward nga eh, but I’m so excited na. Siyanga pala, ‘yung panganay nating si Usher, hindi ikaw ang ama nun. Si Ramon, ‘yung hardeinero natin na pinalayas mo last few months. Tapos, ‘yung bunso nating si Kylie, si Bertong tubero naman ang tunay niyang ama…..(hikbi).”

8.) Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas.

Teka, ba’t mo naman gagawin ‘yun, ‘di ba?Unless medyo engot ka rin at isa lang ang pair ng medyas mo for the whole week. Push mo lang yan!

9.) Bawal maligo pagkatapos maglaro, mapapasma.

naaalala mo pa siguro ito nung lagi kang sinasabihan ng tatay mo na huwag munang maliligo pagkatapos mong maglaro ng patintero at monkey monkey annabelle. At dumating ka din ba sa punto ng buhay na naitanong mo sa sarili mo ang “pucha, sino ba si Annabelle? Mayroon ba talagang nag-e-exist na blue black sheep?”…’di nga, seryoso?

10.) Gawing unan ang libro pag matutulog, nakapagpapatalino.

Sino ba naman kasing abnormal na tao ang hindi gumawa nito dati? Aminin mo man sa akin o hindi, na-try mo na ito minsang gawin sa bahay n’yo. Iipitin mo sa ilalim ng unan mo ‘yung libro na mathematics tapos sasamahan mo ng dasal na  sana matanggal na din yung mga tigidig mo sa mukha. Ang cool sa part na iyan ay ‘yung moment na mari-realized mong hindi pala siya cool.

11.) Kapag naligaw ka sa kagubatan, baliktarin mo lang ang iyong damit para makita mo ang tamang daan pabalik-.

Pinauso lang to ng mga mountaineers na gustong makipag-orgy sa ka-group nila (na may abs) at gustong makipag-hook up sa random strangers/animals sa bundok. Isama mo na rin diyan ‘yung mga elementong hindi nakikita tulad na white lady, kapre, tikbalang, buni sa singit, alipunga sa pisngi, keloids sa gums.

12.) Kapag lumabag ka sa batas trapiko, halikan mo ang iyong daliri at himasin mo ang bubong ng iyong sasakyan.

Bakit? Para daw hindi ka mahuli ng pulis. Pucha, dapat matagal na itong ginawan ng campaign ad sa tv eh. Gawin nilang model si Empoy. Nakasakay siya sa austin mini coop habang sinusubo ni Anne Curtis ‘yung hinlalaki niya tapos pahimashimas sa bubong ng sasakyan sa may Edsa. Ewan ko lang kung tiketan pa ‘yan ng pulis.

13.)Hindi mahusay manghuli ng daga ang pusang ipinanganak sa buwan ng Mayo-.

Talaga?Ahh baka may ibang talent ‘yung mga pusang ipinanaganak sa buwan na ito tulad ng pagko-cross stitch at papapapak ng isang pakete ng racumin..

14.) Ang pagreregalo ng arinola ay buwenas sa bagong kasal.

Sabagay, mas makakatipid ka nga naman. d’ib a. Humanda ka nga lang, dahil may karapatan ang bride na ipukpok sa ulo mo yung arinola na niregalo mo. Kunat eh!

15.) Kapag may nahulog ang tinidor o kutsara habang kumakain, may bisita.

Kung tinidor ang nalaglag, lalake yan. Pag kutsara naman, babae daw yan. Pero pag kutsilyo? Naku,biyenan mo yan!

16.) Iwasang lumapit sa kulungan ng mga baka pag masama ang panahon,dahil ang mga baka daw ay nakakaakit ng kidlat.

Mas maganda sigurong itanong diyan kung ano ang ginagawa mong animal ka sa kulungan ng mga baka pag ganyang kasama ang panahon? Tinotropa mo ba sila? Oh may maitim kang balak hihihi? Alin man diyan sa dalawa ang isasagot mo sa akin, tamaan ka sana ng kidlat!Landi mo!

17.) Di baleng matapon na ang bigas, huwag lang ang alak-.

For some reason, kailangan ko tong isama sa entry ko. Parang kang nagkukuwento ng magagandang love story na napanood mo tapos hindi mo sinama yung Titanic, ganun! Kung pamahiin man to, Diyos lang ang nakaaalam ng lahat.

18.) Bago ka dumaan sa malit na burol, kailangang humingi ka muna ng pahintulot sa mga engkanto.

Para daw hindi ka magkasakit o malagas yang buhok mo sa kili-kili.At bakit ka naman dadaan sa maliit na burol, ‘di ba?Ano’ng gagawin mo dun? Unless naso-soul searching ka.Unless may kakomperensiya kang mga tiga ibang planeta. Unless kasama mo si Jessy Mendiola. Unless…

19.)Bawal magpahangin pag may bulutong tubig. Chicken pox to sa english at sa wikang latin eh hindi ko alam.Pag nagpahangin ka daw, mas lalong kakalat sa katawan mo ‘yung bulutong. Wow, hanep! Kaya dapat ikulong mo iyung sarili mo sa karton tapos nakapacking tape para wala talagang hangin.O kung ‘di naman kaya, pagkasyahin mo ang sarili mo sa lata ng minola. Paano? Try mo  i-search sa google tapos yung keyword ay “how to become an idiot in 5 seconds”..

Parang may blackhole noh?Parang anytime hihigupin ka eh hihihi

20.) Dapat palitan ang pangalan ng sakiting bata.

Ito ay para daw malito ang espiritung naghahatid ng sakit. So kung dati ang pangalan mo ay Corazon Pante at lagi kang tinutubuan ng kalyo sa ulo, palitan mo na yan.  Gawin mo nang Corazon Bagonggahasa para ma-confused ang espiritu. Garantisado or get your money back. Limited appointments available. So hurry, call now! Just dial 8-7000 toll free! But wait, there’s more! 50 first callers will redeem a calorie fit assessment and will have a chance to get a free pantakal ng kanin na made in china. Tawag na!

Chos! Ang mga pamahiin nating mga Pilipino ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa usapin ng kultura, pag-ibig, politika at maging sa pang mga araw-araw natin na gawain. Wala man itong lohikal na basehan, ito’y pamana pa rin sa atin ng mga ninuno natin. Para silang pinastol na mga baka sa mga paniniwalang ito. Hindi naman daw masama o wala naman daw mawawala kung susundin na lang natin ang mga pamahiing ito. Pero tingin ko, medyo bad boy din talaga yung kukunin mo ‘yung panyo na nakatali sa ulo ng patay. Ano sa tingin n’yo?

—————RIP—————-

P.S- Dahil nakalimang tawa ka naman sa blog ko, check n’yo naman ito:

https://www.facebook.com/shopzula

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!