To give or not to give — That is the question!

Namalengke ako isang hapon nitong Disyembre at ilang bata ang nagsilapit upang manghingi ng mga barya.

Binigyan ko ng piso ang batang maliit na malapit sa akin. May isang makulit naman na kalabit nang kalabit sa aking braso; maayos naman ang kanyang damit at itsura kumpara sa ibang nanlilimahid na bata.

Sabi ko: “Bunso, doon ka manghingi sa tatay mo. Hindi ka dapat namamalimos.”

Bata : “Eh wala siya eh, nasa abroad! OFW.”

Sabi ko : “Ayun naman pala eh, bakit ka namamalimos?”

Bata : “Gusto kong magkapera eh.”

Ang atribidang palengkera na mahilig mag-interview sa mga batang kargador (5-8 y.o.), nagtitinda ng tumpok-tumpok na something habang naglilibot sa palengke at lansangan, o kaya’y nangangalabit sa mga tao para sa kaunting barya.

“Bakit kayo namamalimos? Wala ba kayong pasok sa iskwela?”

“Meron po. Ayaw lang namin pumasok?”

“Bakit naman?”

“Gusto naming magkapera.”

Minsan namang bimibiyahe kami ay may nangatok sa salamin ng aming sasakyan. Lagi akong may mga biskuwit o sandwich sa aking bag kaya’t aking inabutan ang batang lalaki. Inayawan niya ito. Sagot niya’y “Pera na lang.”

Ni wala siyang ‘ho’ o ‘po’ sa pakikipag-usap.

Dahil yata nagkakapera na ang mga bata, mas lalong ayaw na nilang magtiyagang pumasok sa eskwela. Hayyyy…. Paano ba tataas ang literacy n’yan?

Kaya nga ipinagbabawal na ang manlimos at magpalimos (daw).

Ang hirap tuloy magdesisyon….
to give or not to give – that is the question!


About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!