Tinder. Love. And Dare. (Chapter 11)

“So, ikukuwento mo ba?” 

Saglit niya akong nilingon. Half serious, half ewan kung natatawa o nagdyo-joke. Slight-slight-an lang kasi ‘yung ngiti na para bang nagbitaw ako ng joke na korni at pilit.

“Mamaya siguro. Hindi ako komportable magkwento ng medyo seryoso slash madrama ‘pag maraming tao. Feeling ko maririnig nila…”

“Ano naman kung marinig nila?”

“Edi siyempre nakakahiya, duh?”

“Anong nakakahiya dun?”

“A basta. Ayoko sa maraming tao.”

“Bahala ka na nga. Kwento mo naman ‘yan.”

Saglit siyang natahimik. Tantiya ko, mga thirty seconds bago siya nakapagsalita ulit. “Have you ever felt sa buhay mo na parang wala kang kakampi?”

‘Yan na. Mukhang eto ‘yung intro ng medyo seryosong niyang kwento. “Tapos?”

“Well, ‘yung feeling na walang gusto kumausap sa’yo. Walang gusto mag-reach out. Sabihan ng problema. Na-gets mo ba?”

Tumango ako. “Na-gets ko naman. Pero…siguro naman may reason kung bakit ganun.”

“So, ano sa tingin mo ‘yung reason?”

“Walang gusto kumausap. Walang gusto mag-reach out. Hindi kaya masama ugali?”

“Ganun ba ‘yun?”

“Parang ganun na nga. Sige, halimbawa bully ka. Tingin mo ba maglalakas-loob akong makipagbiruan sa ’yo?”

“Sabagay…”

“O kaya malakas kang mambara. P’wede ‘yun?”

“Pa’nong mambara?”

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakatukod saka nagpagpag ng lupa. “Yun bang lahat na lang ng itanong mo e sasagutin ka nang papilosopo? Parang si Vice Ganda. Alam mo ‘yun?”

“Sabagay…”

“Ba’t mo natanong? Ganun ka ba?”

Mabilis na nagsalubong ang kilay niya. “Mukha ba kong ganun? How many times na kitang binara since nagkausap tayo?”

“Hmm, so far wala pa naman. Pero malay ko naman ‘di ba? Hindi pa naman tayo ganun ka-close. Hindi pa tayo nagkakalabasan ng tunay na pagkatao. Wala pa kong nakikitang panget na ugali mo maliban na lang ‘pag tinotopak ka minsan. Pag nagmamaldita. Lahat tayo may sariling sungay.”

Nangiti siya. Guilty ata sa salitang ‘maldita’. “So ano ang sungay mo?”

“Ako? Mukha akong pera. Seryoso.”

“Lahat naman ata ganun.”

“Hindi a. May mga taong kaya nilang i-give up kayamanan nila para sa lovelife.”

“So ikaw? Kaya mong iwanan ang mahal mo dahil sa pera?”

“Depende…”

“Depende kung ano?”

“Depende kung malaking-malaki ‘yung pera. Depende sa sitwasyon. Kung kelangan na kelangan talaga e bakit hindi?”

“Kahit mahal na mahal mo?”

Tumango ako.

Napailing siya. “No wonder kaya hindi kayo nagtagal ng ex mo.”

“Hindi naman. Mutual decision naman ‘yun.”

“Whatever.”

“Teka lang a? Hindi ako issue dito okey? Balik tayo sa tanong mo. So ba’t mo nasabi ‘yung ganung feeling na walang gusto kumausap sa’yo?”

“I don’t know. Feeling ko lang wala na kong friends. True friends. Even mga kamag-anak ko hindi ko maramdaman na kamag-anak ko sila.”

“Kala ko ba may best friend ka?”

`“Well technically out of the country siya so I guess ibang usapan pa din ‘yun.”

“Pero technically best friend mo siya at kahit nasa CR siya ng impiyerno e may time pa rin kayong magkwentuhan or magsabihan ng problema. May FB naman. Skype.”

“Iba pa rin ‘yung andiyan siya sa tabi mo. Kino-comfort ka. Kinakausap ka personally.”

“Hanep. Personally talaga? Ano bang gusto mong moment? ‘Yung may dalawang bucket ng beer sa harapan niyo tapos may papunas—punas pa ng tissue habang nagi-emo? Tapos ending pareho kayong magi-iyakan saka magyayakapan, ganun?”

“Hindi ako umiinom. Baduy mo a? Hindi naman kami ganun ng best friend ko.”

“Edi hindi, malay ko naman sa inyo. So bakit nga?”

“Anong bakit nga?”

“Bakit walang gusto mag-reach out sa’yo? Bakit ganyan ‘yung nararamdaman mo? May problema ba?”

Medyo lumungkot ‘yung expression ng mukha niya. Saglit na napayuko, hinawi ang bangs saka ibinalik ang tingin sa ferris wheel. “Hindi ko rin alam. Hindi naman ako masamang tao. Minsan naiisip kong baka dahil sa sobrang busy ko sa…sa business ko e halos wala na kong time makipag-kaibigan. ‘Yung magkaron ng time to discover new set of friends.”

“New set of friends? Bakit? Asan ang mga old set of friends mo?”

Nangiti siya. “Old talaga? Well, actually wala akong set of friends. Even ‘yung circle of friends. Barkada. Tropa. Wala. Wala akong masabing may tropa ako sa ganto. May barkada ako sa ganyan.”

“Siguro kasalanan ng parents mo. Home schooling ka kasi.”

“Yeah, I guess so.”

“Pero hindi ko sila sinisisi a? Baka lang iba ang plano ng parents mo sa’yo kaya ganyan ka ngayon.”

“So ano ako ngayon?”

“Eto nagbabayad ng ka-date.”

Natawa kami pareho. “Yun ba ‘yung reason kung bakit ka nagti-Tinder?”

Tumango siya. “Hindi naman sa desperate akong magkaron ng ka-date o ano. Siguro convenient lang ‘yung app na ‘yun kasi cp lang, pwede na maghanap. And at the same time e hindi ko kelangan magpunta-punta pa sa mga bars o event just to hunt some persons of interest. Hindi rin naman ako nage-expect na may magkaka-interes sa’ken, that’s why I lied about my profile picture. ‘Yung iba kasi pag sobrang ganda na ng picture wala ng naniniwala. Either idya-judge kang bading, transgender or kinuha lang sa ibang tao ‘yung pic.”

“Meaning sobrang ganda mo kaya ibang picture ginamit mo?”

“Wala akong sinabing ganun.”

“E bakit hindi sariling picture ginamit mo?”

“Para malaman ko kung meron pa bang nagkaka-interes sa personality over physical appearance.”

“Hanep, bigat. Heavy. Deep. Lalim. Gumaganun pa.”

“O bakit? Masama ba?”

(Click here to continue reading…)

About Juan Mandaraya

Dating gitarista ng iba-ibang banda. Nagdo-drawing kapag bagot sa trabaho at walang internet. Nagbabasa ng libro para antukin at para masabing nagbabasa din. Sabik sa tulog, adik sa kape at fried chicken. Nagsusulat dahil...hindi niya rin alam. Triip lang.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!