Thou shall not KABIT- Chapter 2

asasasa

Chapter 2 – The Fake Couple

Bago kami umalis papuntang Samal Island, may isang bahay kaming dinaanan. Bahay raw yun ng tatay niya na dito na sa Davao nakatira. May kukunin lang raw siyang mga papeles tapos diretso na kami sa wharf.

Mga pasado alas dose na ng tanghali na kami nakarating. Pagkadaong namin, may dalawang taong sumalubong sa amin. Kumaway ang isang babae at sumenyas. Pinarada ni Ate Ley ang sasakyan. Sabi niya bumaba raw muna kami kasi yung lalaki ang magmamaneho tapos yung babae ang guide namin. Tabi kami sa likod ng sasakyan ng mapansin ko na naiwan ko pala ang cellphone ko sa bahay.

Nakiusap ako sa kanya na kung pwede maki-text ako, aabisuhan ko lang si Nanay na naiwan ang cellphone ko. Baka kasi magtaka bakit hindi ako sumasagot. Si Nanay kasi pag once hindi mo nireplyan ang text niya, agad-agad tatawag. Naka postpaid plan kasi siya.

Inabot ni Ate Ley sa akin ang kanyang mamahaling cellphone. Sabi niya tawagan ko na lang raw at sabihin na diyan na lang ako kokontakin ng Nanay. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya.

Kinakausap niya yung babaeng guide. Medyo gutom na talaga ako. Nag-rarumble na ang mga alaga ko. Narinig niya ang saklolo ng mga alaga ko. Napatawa ito at sinabihan ang babae na humanap muna kami ng puwedeng makainan. Baka raw maglabasan na ang mga anaconda mula sa tiyan ko. Tumawa ang dalawa sa harap.

Nag stop over kami sa isang resort para kumain. Sinabihan niya ang guide na kumuha sila ng driver ng separate na table, pero ang bill dun lang sa table namin. Nagtaka ako kung bakit ganun. Sabi ko puwede naman kaming 4 sa isang table ‘bat kailangan pa magkahiwalay.

Sabi niya para raw makapagusap kami nang masinsinan. Gusto niya raw ako makilala nang lubos.

“Gutom lang yan  teh. Order na tayo” pabiro kong sagot sa kanya.

“Ate mo yang pagmumukha mo. Mula sa araw na ‘to, ayoko nang marinig na tinatawag mo akong ate. Umpisahan mo ng tawagin akong “beh” kasi yan ang itatawag ko sa yo mula ngayon”.

“Magiging akin ka rin”. Dagdag niya.

Napatawa ako sa sabi niya. Sabi ko na lang sa sarili ko, sasakyan ko na lang ang trip ng babaeng ‘to baka bigla akong iwan nito, konti na lang ang dala kong pera. “

Order ka na beh. Ano bang gusto mo”, tanong niya. Sabi ko siya na ang bahala basta yung edible lang. Gutom na talaga ako. Siya na ang umorder. Sinabihan niya ang waitress na kunan rin ng order yung sa kabilang table.

Habang hinihintay namin ang foods, nagkuwentuhan muna kami. Pilit niya akong tinatanong kung ano raw ang sinabi ng kanyang pinsan sa akin. Pabiro ko na lang siyang sinagot, “sabi niya patay na patay ka raw sa akin”.

Tumawa siya sabay sabi, “Sira talaga si insan. Pero oo. tama siya”.

“Gutom lang yan. O, ayan na pala ang order natin. Ikain mo na lang yan,” pabiro kong sagot. Mag-aalas dos na nang matapos kami. Dumiretso kami doon. Naparami ang kain ko. Inantok ako bigla. Mga isa hanggang dalawang oras pa raw ang Penaplata mula dun sa kinainan namin.

Napansin niyang inaantok ako. Sabi niya higa raw ako sa lap niya. May kausap siya sa phone nun. Parang nag-aaway pa nga sila kasi hindi maipinta ang mukha niya. Pilit niya akong pinapahiga sa lap niya. Nung nakahiga na ako. Sumenyas siya na pikit na ako. Gigisingin niya na lang daw ako pagkarating namin. Binaba niya ang phone at hinalikan niya ako. Smack lang naman.

“Para kang baboy beh. Inaantok pagkatapos kumain” tapos tumawa. “whatever” lang sagot ko sabay pikit. Para akong dinuduyan nang mga panahong iyon. Sobra akong antok. Naparami kasi kain ko.

Ginising niya ako pagkarating namin. Beach resort ang pinuntahan namin. Maganda ang resort. Maya-maya may dumating na isang babae. Siya yata yung may ari. Yung dalawang sumundo sa amin, trabahador pala sa resort. Inutusan ng may ari ang driver na dalhin ang mga gamit sa isang kwarto. Sinabi rin ni Ley na sumama muna ako sa driver para makapag-pahinga ako. Kakausapin niya raw muna yung may ari. Pinakilala niya muna ako sa may ari sabi, “Partner ko nga po pala”. Nakipagkamay ako sa babae. Medyo ka-age niya lang ang babae. Nasa mga 30’s.

Ngumiti ang babae sabay sabi, “Make yourself at home. May mga drinks sa loob ng ref sa room nyo if nauuhaw ka”. Tumango ako at nagpasalamat. Sumabay na ako sa driver papunta ng room. Pagkarating doon, inabot ng driver ang susi ng kuwarto at sasakyan. Mag buzz lang daw kami pag may kailangan.

Hinalughog ko ang buong kuwarto. Malaki. May flat screen tv na naka cable, aircon at ref. Yun! Matingnan nga ang loob neto. Sabi make yourself comfortable raw eh.

Sa loob ng ref may mga inumin. May beer, soft drinks, juice at marami pa. Kumuha ako ng isang bote ng beer. Mamahalin rin yung beer. Heineken ata ang tatak. Masubukan nga. Inusisa ko pa ang boong kwarto. Sa loob ng CR may bath tub, hot and cold shower. Nagawi ako sa may veranda. Ang ganda ng tanawin. May mga ilang guests rin sa resort. Kaunti lang ang guests.

Pumasok ulit ako. Sinarado ko ang pinto sa may veranda at humiga sa kama. Syeet! Buhay mayaman ako ngayon. Ang sarap pala ng ganun.

Maya-maya ay dumating na si Ley. Tinanong niya ako kung okay lang ba raw ako. Sabi ko naman oo pero sinabihan ko rin siya na kumuha ako ng isang beer.

“Kahit ubusin mo pa ang laman ng ref walang problema. So okay ka lang dito?” tanong niya. Tumango lang ako. Tinangong niya ako kung gusto ko ba raw mag swimming. Sabi ko baka mamaya na. Medyo inaantok na naman ako. Lumapit siya sa akin sabay sabi, “Kausapin ko muna yung may ari. Balikan kita mamaya. Pero kung gusto mo lumabas, idaan mo lang sa akin ang susi mamaya, okay?”

“Sige. iidlip lang ako ng mga 30mins” sagot ko. Humalik na naman siya sa akin tapos yumakap. Yung typical na ginagawa ng magsyota. Deadma na lang. Siya naman ang nauna eh.

“Act as if we’re a couple. May nakipagkilala sa akin kanina sa baba sabi ko kasama ko Hubby ko. Here, wear this ring para parehas tayo” sabay labas. Inusisa ko ang ring na inabot niya sa akin. Mukhang mamahalin pa. Kasya rin naman. Kumbaga parang pinasadya niyang ipagawa. Panglalaki ang style. Sinuot ko naman.

(Itutuloy)

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories:
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!