“Teeeaaacha’, It’s So Hooooot!!!”

so hot“Teeeeaacha’, its sooo hoooot!”

Ang unang narining ni Teacher mula sa kanyang mga ingleserong palaka ( I mean students pala) sa kanyang pagpasok sa classroom.

“GOOD morning, children” ang kanyang sagot…a subtle reminder of what they seemed to  miss to say.

“Oh, good morning, Teacher!” sabay sabay bati ng mga bulilits at nag-uunahan pa sa pagbigay ng halik at yakap sa kanya. Her first dose of hugs and kisses for the day from the 5-6 year old adorablets.

Pagkatapos niyon ay arangkada na sa ratatat ang mga chikiting sa kani-kanilang mga kwento habang si Teacher ay papunta sa kanyang mesa.

Ito ang kadalasang eksena sa umaga  ni Teacher. Hindi pa man nag-umpisa ang klase bawat isa ay may oral report ng nakahanda. In English version, please. Wala kasing subtitle dito sa paaralan nila. Pero sa halip na makonsumi ay natutuwa si Teacher makinig sa mga kwento nila.

Siyempre,  may kuwentong masaya — My brother and I had fun playing pillow fight  last night!

May kuwentong action —I fell from the stairs yesterday 🙁 (Akala niya ok lang tumalon kasi naka spiderman costume)

May kuwentong current events —I felt our house shaking and I got really scared.  (Lumindol kasi sa kanila bandang 5 ng umagang iyon)

May kuwentong malungkot—I miss my papa. (Nasa abroad kasi)

May kuwentong police report— Boy A: He hit me and he didn’t say “I’m sorry”! Boy B: Because you got my toy without saying “May I borrow?”!

Parehong nakakunot noo ang mga mukha at parang ayaw pa magpa-areglo. Sa kalaunan naayos naman ang gusot pagkatapos magpalitan ng sorry…at ayon BFF na ulit ang dalawang astig)

May kuwentong nakaka-haisst!—No homework ako. Forgot ni yaya. (Practicing English 101) Pero bago tumaas ang kaliwang kilay sa balitang ito, ang ibig niyang sabihin ay nakalimutan ni yaya ilagay ang book sa bag. Yon naman pala eh.

At ang kuwentong agahan na may kasamang Isumbong Mo Kay Tulfo (I mean ky Teacher!) iyon nga dahil walang kuryente sa school ng umagang yon. Kaya halos lahat ay nagmamantika na sa pawis.  Maselan pa naman ang iba sa kanila. Allergic sa sariling pawis. Kaya hayon kamot dito at kamot doon. At ang mga pisngi kasing pula na ng kamatis!

Nang matapos na sa kanya-kanyang balita at narinig ang comment ni Teacher ay isa-isa nang umalis at nasipaglaro ang mga bata…Samantala, si Teacher ay naiwang nakaupo at napag-isip.

“Mahaba-habang araw ito ngayon ah. Lahat ay nagrereklamo dahil walang kuryente, walang aircon, mainit. Restless ang mga bata. Mahihirapan silang makinig mamaya.” Kinuha ni Teacher ang kanyang lesson plan folder at binasa ang nakasulat doon.

“Lord, I need an extra dose of strength today. Gusto ko rin hong magreklamo at umiyak hindi lang dahil walang kuryente dito sa paaralan. Alam Nyo na po ang irereport ko. Pero ayaw kong may salitang reklamo lumabas sa bibig ko na hindi makakatulong sa sitwasyon namin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Gusto ko po mag-enjoy pa rin ang mga bata ngayon. Salamat po sa tulong.”

Binuksan ni Teacher ang lahat ng bintana at pintuan sa kanilang classroom, umupo sa harap ng klase at sinimulan ito.

“Let us declare today an “Appreciation Day,”” magiliw niyang pasimula. At ang deklarasyong ito ay  siya namang sinalubong ng isang libo’t isang tanong mula sa madlang kabataan.

Pagkatapos ang maikling explanation…

“We are blessed today because we got the most number of windows in the whole school that let the fresh air in…aaaahhhh, thank you windows.” At nag-echo ang mga munting tinig ng “Thank you windows.”

“That we have enough light because of  Mr.  Sun. ..Thank you, Mr. Sun.”

“THANK YOU,  Mr. Sun!” sabi nila sabay turo sa kalangitan.

Mga anim pang ipinagpasalamat si  Teacher bago niya sabihin

“Thank you that you are all sitting down and listening to teacher.”

At may nagsabi,  “Thank you, Teacher.”

Naghagikgikan ang klase. Si batang may balitang haisst!

Napangiti naman si Teacher doon. “Thank you for making me smile, my sweet.”

“You’re pretty, Teacher”

Awwwz…I know. Hahaha  thank you (Katotohanan lang naman po ang sinasabi ng mga bata—dyowk!)

At ang buong araw ay naging Appreciation Day nga. Nagpatuloy ang klase sa kanilang aralin sa araw na iyon. Nang uwian na, isa-isang nagpaalam ang mga chikiting sabay yakap at halik ky teacher. Her seemingly unlimited doses of hugs and kisses. Ang iba sabay comment pa “I had fun today, Teacher” “Me, too!”, “Thank you, Teacher!” “I love you, Teacher. See you tomorrow.” mwah!

Hindi man masyadong komportable ang lahat dahil walang kuryente’t ilaw pero naging extra saya ang araw na iyon. Bakit kaya? Eh parang ordinaryong araw lang naman ah. Same routine. Same schedule. Same people. Same classroom. But indeed, it was a different day.

Naupo si Teacher sa kanyang mesa at kinuha ang lesson plan folder niya. Binasa ulit ang nakasulat sa labas:

Serenity.

Serenity…
to walk when others are running,
to whisper when others are shouting,
to sleep when others are restless,
to smile when others are frowning,
to be calm when others are hurrying,
to pray when others are worrying,
find time to be serene with God.

Salamat po Panginoon sa araw na ito.  At dahil po walang kuryente Kayo ang naging Ilaw namin. Amen

About I am

just trying to write...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!