Tanim sa Isip at kulay ng Puso

Hindi mo magagawang kalimutan ang kasamaang ginawa ng isang tao sa iyo dahil nakatanim na iyon sa iyong isipan pero puwede mong ibaling sa kahit saan ang iyong paningin sa sandaling maaalala mo iyon upang maiba ang iyong iniisip.

Kausapin mo lang ang kahit sino sa mga mahal mo dahil sila ang pinakamagandang bagay sa mundo kung kaya’t kayang kayang takpan ang isang pangit na alaala.

Kamustahin mo ang iyong mga kaibigan sapagkat sila ang daan upang ngumiti ka na siyang daan din para magsisimula ang iyong kasiyahan sa sandaling nalulungkot ka.

Madali lang umiwas sa nakaraan dahil walang nakakaalam ng iyong iniisip kundi ikaw lang.

Ang mahirap ay ‘yung sasabihin mong nagbago ka na pagkatapos mong gumawa ng kasamaan dahil ikaw lang din ang nakakaalam kung taos o hindi ang iyong pagsisisi.

Kung ano ang ipinakita mong kulay sa iyong kaibigan ay mahihirapan na iyong bunutin sa kanyang isipan kasama na ‘dun ang itinanim niyang Karma na matanggap mo sana.

🙂

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")