Suweldo’y Nasimot

(Photo Credit:  Flickr)
(Photo Credit: Flickr)

Suot ko’y body fit
Kupas na maong ‘di na nagpalit.

Imitasyong Puma
Sintas ay ipinorma

Buhok koy brinush up
Binagayan ng dark glass.

Pabango kong tig tetrenta..
Huwag isnabin dolar ha

Bukod sa guwapo kong mukha
Pag naamoy pa’y mai-in love ka.

Simumang saki’y makakakita..
Mapagkakamalang artista.

Ang mga Ofw pag gumagala..
Super pamatay ang pustura.

O paano? Ako’y uuwi na.
Tapos na ‘kong magpadala ng pang-tuition ng mga bata

Wala nang natira sa ‘kin ulit
Kundi itong aking porma.

Mahirap nang may makitang kakilala..
Eh, baka magpalibre pa.

Resibo na nga lang nasa pitaka.
Inipit kong pang taxi
Baka madisgrasya pa.

O Diyos ko! ang lungkot
Isang buwan ulit magdudutdot.

Ito lang ang paraan para makalimot
Na ang sinuweldo ko’y…

Muli na namang nasimot.

Hehehehe!

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!