Susuungin Ko Kahit Ang Panganib – Chapter 9

(Photo credit: searchingforakilismith)
(Photo credit:  searchingforakilismith)
(Photo credit: searchingforakilismith)

Chapter 9

 L U M I P A S  P A  A N G  I L A N G  A R A W at magaling na magaling na at naghilom na ang mga sugat sa pagkakabugbog kay Louie..

Nagkaroon nng sari-saring iniisip si Louie at bigla siyang nasiyahan.

Sana man lang ay hindi maisipan ni tito Fernan na ipagtapat kay Eleonor na sa akin galing ang perang ginastos nila sa hospital.

G U S T O  K O N G  M A H A L I N  U L I T  A K O  ni  Eleonor sa ganitong kalagayan kahit na napakasakit para sa kanya ang ginawa kong pagsisinungaling at panloloko sa kanya. Ayaw kong muli niya akong mamahalin dahil lamang sa nagkaroon siya ng isang napakalaking utang na loob.

AT biglang muli niyang naalala…. yon kayang akmang lalapitan na niya ako upang tulungan ay talagang mahal pa rin niya ako.. AT hindi bilang makataong kaugalian lamang na siya’y naawa lamang at  dahil sa ako’y asawa niya at nasasabik siyang muli akong makita?

AT yung hindi pagsagot ng tito Fernan sa tanong ko kung naisipan na nitong mag-asawa ay…..

AH tama  he, he, he  ma..mahal pa rin niya ako…ang pagpapalakas-loob niya sa sarili at wari’y dinadaya niya ang sarili.  Ang tangka niyang tulungan ako ay sadyang mahal pa rin niya ako at natakot lamang siya sa pagsaway ng aking biyenan.

 M I N S A N  P A  A Y  S I N U B U K A N  niyang magbalik kina Eleonor.

Umaasa siyang sa pangyayaring  ito  sa kanyang pagbabalik na walang takot  sukdulang  ikamatay niya ay  ito ang magsisilbing daan  at pag-asa niyang maaawa  at  muling manunumbalik ang dating pagmamahal nito sa kanya.

Ang hindi lang daw niya matatanggap at baka makaisip siyang makapatay ay baka ulitin ng mga nakaistamby na iyon na balibagin ulit siya ng dumi ng aso at pusa at maaamoy siya ng bawat madaanan niya sa pag-uwi.

Pero lumalapit pa lang siya ay dinaluyong na siya’t natuluyan na siyang nabugbog ng mga galit na pinsan at kamag-anak ni Eleonor.

Kahit na halos panawan na siya at hindi na makagulapay sa sakit at hapdi at kirot ng katawan na dulot ng tindi ng pagkakabugbog kanya ay nagpumilit pa rin siyang ngumiti at nausal niya…

Di…di pa rin ako na..nawawalan ng  pa..pag-asa na… pa…patatawarin ako ni Eleonor…. at pagkawika noon ay nawalan na siya ng malay-tao.

NAG-IISA NOON SA BAHAY at alalang-alala na parang wala sa sarili si Eleonor dahil sa muling pagkakabugbog ni Louie na hindi man lang niya nagawang pigilan at maawat ang nagsipagbugbog dito….nang sa darating ang kanyang tito Fernan.

‘Alam mo, pamangkin, napapansin kong lagi kang malungkot nitong nagdaang araw at malaki na ang ipinangangayayat mo ah.

Hu, hu, hu…. at bigla na namang itong humagulgol.

AH  Eh  teka-teka, pamangkin, may nasabi ba akong masama?

Wala ho, Tito,…ka..kasi po nagpunta ulit dito si Louie at hinahanap ako. Pero nabugbog ho ulit siya ng mga pinsan ko at mga kapitbahay hu, hu, hu.. Hindi ko po nagawang maawat sila at tulungan si…siya.  At hindi ko po alam kung ano na ang nangyari sa kanya.  At balita ko po may isang naawa at naglakas-loob na nagdala sa isang hospital.

HA!  GANOON BA…ah eh saan kayang hospital.  Ah teka, pamangkin ,samahan mo ako  at hanapin natin at damayan at tulungan ang asawa mo.

H O !  eh..eh baka po ma..magalit si Inay.

Huu, hamo na siyang magalit…at ako ang bahala, basta’t sumama ka.. Kawawa naman ang asawa mo….pati na sa iyo…alam ko ang mga pinagdaraanan mong hirap ng kalooban at pagtitiis…mahal mo pa rin ang asawa mo at iyan ay matagal ko nang napapansin sa ‘yo.

Dangan nga lang ay natatakot ka sa nanay mo at sa sasabihin ng iba.

SIGE AKO NA ANG BAHALA…huwag kang matakot sa inay mo at sa sasabihin ng iba….ipaglaban mo ang sarili mong karapatan at nararamdaman…asawa mo siya at hindi masamang sumuko ka na at sundin ang itinitibok ng iyong puso.

Karapatan mo siyang tulungan at damayan.

ALAM KO AT NAPATUNAYAN KO  NA..  NA MABAIT AT KARAPAT-DAPAT NGANG MAGING ASAWA MO SI LOUIE.

Ang patuloy niyang pagbabasakaling makita ka at humingi ng iyong kapatawaran na alam niyang maaaring  ikabuwis  ng kanyang buhay  ay isang bagay lamang na nagpapatunay  na nagsisisi na siya sa kanyang nagawang pagsisinungaling sa iyo  at totoong mahal na mahal ka niya.

Humanga ako sa kanyang tapang at katatagan na alam niyang hindi siya makasisigurong mabubuhay pa siya sa nakaambang pagbabanta ng ating mga kamag-anak ay sumuong pa siya upang makita ka lamang at ipakilalang mahal ka talaga niya at umaasang patatawarin mo na siya.

Sa sinabing iyon ng kanyang tiyuhin ay nabuhayan na siya ng loob at nagkaroon ng lakas ng loob na ipakipaglaban ang naunsaming pagmamahalan nila.

Nawala na ang kanyang pag-aalala at nasunod na rin siya sa kanyang tiyuhin.

At para hindi naman ito mag-atubili pa ay ipinagtapat na rin ng tito niya ang buong katotohanan.

HO!  DIYOS KO …GANOON PO BA…OH DIYOS KO….kawawa naman ang asawa ko,’ sabay tulo ng kanyang mga luha.

Nanginginig ang buong katawan at halos tila hindi magawang maihakbang pa ni Eleonor ang kanyang dalawang paa habang papalapit na sila sa kuwarto ng ospital na pinagdalhan kay Louie.

Kakatok na lamang sila sa kuwartong kinalalagyan ni Louie nang may marinig silang boses babae na tila galit at nagmumura .

AH ….SHIT…..DI AKO MAKAPAPAYAG NA HINDI  IDEMANDA   ANG MGA WALANGHIYANG  GUMAWA  SA ‘YO  NITO, ANAK.  HANDA AKONG GUMASTOS AT IPAGAGALUGAD KO AT SOSONAHIN ISA-ISA ANG MGA WALANGHIYANG GUMAWA SA ‘ YO NITO.

Inalagaan kita at halos hindi padapuan sa lamok at pagkatapos ganoon na lamang ang gagawin nila sa iyo?…… MAGBABAYAD SILA.

Mommy …tapos na po ‘yon at saka ako naman ang may kasalanan ng lahat.

Sa mga oras na iyon na naririnig nila ang usapan sa loob ng kuwarto at kinakabahan sila na kung sakaling malalaman nito na may kaugnayan sila sa mga pangyayari…bantulot man ay napilitan na ring kumatok  si tito Fernan niya.

Halos parang namamatanda at titig na titig si Eleonor kay Louie na nababalutan ng mga benda ang buong katawan nito sa oras na yon.

Ang mga matang halos luhaan ay hindi na magawa pang…

OH DIYOS KO,  asawa ko..kasalanan kong lahat ito……patawarin mo ako.

Nagulat ang matandang babae na kausap ni Louie….

BAA….sino naman itong babaeng to ?… ‘ika ng matandang kausap ni Louie na walang iba kundi ang Mommy niya.

Mo…Mommy…si..siya po ang asawa ko si..si Eleonor.

H A ! a..asawa mo…..pa.paano nangyari yon?…at hindi mo man lang nababanggit na nag-asawa kang muli.

Hirap mang magsalita ay nagpumilit pa ring nagpaliwanag si Louie.

EH  Mo…Mommy hayaan mo muna ….at magpapaliwanag  ako.

AT IKINUWENTO  NGA NITO ANG BUONG PANGYAYARI habang si Eleonor ay nakamata lamang at awang-awang napayakap kay Louie.

Nang malaman ang buong katotohanan ay biglang lumambot at huminahon ang kanina pang nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Louie.

AH ganoon ba? Naku, nakakahiya naman sa iyo, iha, at maging sa iyong mga magulang at mga kamag-anak.  Napakalaking pagkakamali at kasalanan at perwisyo ang nagawa ng anak ko sa inyong pamilya.

PERO hayaan mo iha…. babawi kami sa aming pagkukulang  at ginawang kasalanan ng anak ko sa iyo.  Ibubuhos naming lahat ang aming magagawa at makakaya na maibsan ang lahat ng inyong ipinagdusa at kahihiyang idinulot ng anak ko sa inyong pamilya.

AKO  at ang aking asawa na ngayoy ituturing mong mga  magulang mo na rin ay magtutungo sa inyong mga magulang upang humingi ng tawad. AT ipagpapagawa ko kayo ng inyong sariling tahanan…kung saan mo man gusto… sa aming lugar o sa inyong lugar.

AT kapag gumaling na ang sugat ng iyong asawa ay doon kayo sa Amerika o sa Europe  pag-ho-honeymunin  at sagot ko ang lahat ng gastosin.

 Kasi sa kuwento ng anak ko magbuhat nang kayo’y ikasal ay hindi man lang kayo nagsama kahit saglit at nagkahiwalay agad-agad.

Hindi na nakakibo pa si Eleonor…. nawari niya sa sarili na totoo palang mabait ang kanyang biyenan.  Maaari ngang hindi naman nagawang sabihin o talagang inilihim ni Louie na sila’y magkasintahan na at nakahanda nang ikasal. Dahil nag-aalala siya sa kalagayan niya at baka ibulgar siya ng  kanyang ina na nagkaroon na siya ng asawa.

At kung ipinagtapat man ito ay maaaring boto rin ang mga ito na siya’y  kanilang maging manugang.

ARAW-ARAW AY DINADALAW AT INAALAGAAN  ni Eleonor ang kanyang asawa na lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang.

At nang gumaling na ito ay napagpasyahan nilang magtungo sa kanilang bahay.

ANO’NG  SABI MO?… Pinatawad mo na iyang lalakeng iyan at magsasama na kayo?….WALA KA NA BANG KADELA-DELIKADESA?.…Matapos ang lahat ng ginawa sa iyo ay pipilitin mong lunukin ang mga sinabi mo at sinumpa mong paghihiganti.  Para kang lumura sa langit at sa iyo rin tatama.

Ano na lang ang sasabihin ng ating mga kamag-anak at mga kapitbahay na itinuloy mo pa ring makisama sa lalakeng may pananagutan na sa buhay?

ANO ANG MAGIGING LABAS MO….ISANG KERIDA O ISANG KABIT NG WALANGHIYANG LALAKING IYAN?

NAHIHIBANG KANA BA?…. HINDI KA NA BA NAAAWA SA SARILI MO  SA GINAWANG PANLOLOKO  SA ‘YO  NG DIMONYONG LALAKENG IYAN AT PALILINLANG KA ULIT SA KANYA?

HINDI ….HINDI AKO MAKAPAPAYAG!

Ang muling panggagalaiti nito at nagngangalit ang mga bagang nito na patuloy na sinesermunan ang kanyang anak na si Eleonor.

Matigas nitong sinabi…at matatag at walang katinag-tinag na pinagmamatigasan.

HINDI KA sasama diyan sa dimonyong lalakeng iyan.

AT IKAW LALAKE, makakaalis ka na at huwag mo nang dagdagan pa ang panlolokong ginawa mo noon….. makakaalis ka na.

ATUBILI MAN AT NAG–A ALALA ay sumagot si Louie….

I..inay pa..patawarin mo na po ako. Nagawa ko lamang pong maglihim dahil natatakot akong hindi magustuhan ng anak ninyo.  Pero siya lang po talaga ang mahal ko.     At wala po kayong dapat ikabahala …malaya na po ako.  At hindi naman po ako talagang ikinasal sa asawa ko.

HUWAG  KA NANG MANGATWIRAN PA…TAMA NA….TAMA NA ANG MINSANG  NILOKO MO ANG ANAK  KO  AT PAIIKUTIN MO NA NAMAN KAMI SA MGA KASINUNGALINGAN MO .…

LUMAYAS KANA DITO……LAYAS!

Pero, inay, ma..mahal ko po ang asawa ko… , iyak-pagsusumamo naman ni Eleonor…..sasama po ako sa kanya.

ANO KAMO…. SA KABILA NG LAHAT NA KANYANG PANLOLOKO AT PAGSISINUNGALING. …….

 “NAPAKABABA NA BA NG PAG-KAKAKILALA MO SA IYONG SARILI.   MAGIGING  KERIDA  O ISANG KABIT KA LAMANG NG DIMONYONG  LALAKING IYAN!…..

Kahit ano po ang sabihin ninyo, Inay, ….sasama ako sa asawa ko …mahal  ko ang asawa ko …panay ang pagluha niyang sagot.

KUNG GANOON…. PINILI MONG SUMAMA SA ASAWA  MONG WALANGHIYA NA NAGDULOT SA ATIN NG  MALAKING KAHIHIYAN..

SIGE,  SUMAMA KA SA  KANYA.

Pero kung sakaling magising ka sa katotohanan  na mali ang iyong naging desisyon ay buong puso pa rin kitang tatanggapin…ano man ang iyong maging kapalaran, anak …..hu, hu, hu…at bigla na ring naluha ang kanyang ina sa awa sa maaaring kasapitan ng kanyang anak .

O,  ANG KAWAWA KONG ANAK….. SANA AY HINDI  KA NAGKAMALI  SA NAGING  DESISYON MO .. H U, H U, H U.

Kapwa malungkot at luhaan na umuwing bigo na makuha ang bendisyon ng mga magulang ni Eleonor sa pagtanggap kay Louie……..

 Itutuloy…….