Sugpuin Ang Mga Abusadong Taxi Driver!

I am a frequent traveler from Cebu to Manila. Since walang jeep na masakyan from the airport I need to get a taxi to bring me to Mall of Asia or Pasay Bus Teminal, di ba ang lapit lang nyan from the domestic airport? Getting a taxi from the arrival area mismo is more expensive kasi flat rate kadalasan ang hinihingi ng taxi driver. Kumpara mo dun sa itaas ng airport na mas cheaper ang rate kasi metered taxi.

Eto po ay matagal ko ng obserbasyon. More often than not, driver of a metered taxi ay sadyang hindi nag o-on ng meter nila kapag nakasakay ka na.

Swerte kapag pasakay ka pa lang at sasabihan mo na agad ang driver bakit off yung meter nya.  May iba nakikipagtalo pa sa yo at sasabihin, “flat rate po kami dito ma’am Php 350.00 po ang rate papuntang Mall of Asia or Pasay Bus terminal.” Kapag matapang ka pwede mo i-insist sa driver na mali yung ginagawa nya.  Kung duwag ka at takot wala kang pwedeng gawin kundi ang magbayad sa demand ng driver. Pano yung mga tao na takot na baka ihinto ng driver ang taxi kung saan-saang iskinita? ‘Pano pag nag byahe ka madaling araw or hatinggabi? ‘Pano yung takot ma hold-up mismo ng taxi driver sa kadahilanang hindi binigay ng pasahero ang gusto  nya? Maraming sitwasyon at kwento na ganito hindi lang sa aking personal na karanasan kundi pati na rin sa pamilya at mga kaibigan ko.  Isang tanong lang ang naglalaro sa isip ko tuwing may ganitong pagsasamantala mula sa mga taxi driver galing NAIA terminals.

Bakit walang proteksyon ang mga pasahero sa mga ganitong sitwasyon bagkus takot at kaba lang ang nararanasan nila?

If you try to think of it, what NAIA or mall management can do is pwede nilang ipatupad ang ginagawa ng mga malls, public places, hotels, especially airport dito sa Cebu.  Kung saan may isang security guard ang nagaassist sa mga tao o pasaherong pumipila sa NAIA taxi bay, or sa mga malls at binibigyan ng “Passanger’s Complaint Slip” ang pasaherong sasakay ng taxi.  Nakasulat sa slip na iyon ang pangalan nga taxi, plate number at body number nito, at ang oras kung kelan sumakay ang pasahero. Nakasulat din sa slip na iyon ang mga hotlines kung saan pwedeng magtext or tumawag ka agad-agad ang pasahero kung sakali mang mapagsamantala ang driver habang naglalakbay.

Magiging kampante ang pasahero nito kasi alam namin kung saan namin pwedeng isumbong ang driver na mapagsamantala at abusado. Sa ganitong sitwasyon, maiiwasan ang kaskaserong pagpapatakbo ng sasakyan at magiging maayos ang mga kalsada sa Maynila, magiging masaya ang mga pasahero galing probensya.

Sana naman po maaksyunan agad ito ng NAIA sa pakikipagtulungan sa LTFRB, MMDA at ibang pang ahensya na pwedeng tumulong para maproteksyunan at mapangalagaan ang ating nga kababayan. Ayokong isipin na huli na ang lahat dahil kultura ng Pinoy ito at wala ng pwedeng gawin sa ganitong sistema.

Sana po pagbalik ko ng Manila, meron ng security guard sa pilahan ng mga taxi sa mga malls, hotels or arrival area man o maging sa itaas ng terminal na magaabot sa aking ng maliit na papel “Passenger’s Complaint Slip” na siyang magiging dahilan para maging mapanatag ang kalooban ng mga nagbabayahe galing sa iba’t ibang probinsya.

Enhanced by Zemanta

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author Mylah

  • jhaycel

    Bakit ganun ang mga taxi pag sasakay ka papuntang airport, sabihin agad sayo na 300 ang punta dun kasi malayo tapos wala daw silang sakay pag balik kaya lugi daw sila. palagi nalang akong naka experience ng ganitong klaseng mga taxi. buti pa sa airport ng cebu pag dating mo dun metro talaga ang gamit nila.. ang mga driver d2 sa manila mga angas.. sana po may mga taga LTO na makakaalam nyan sa mga driver d2.

  • marvin

    Hey poh! same rin po ang nangyari sa akin sa NAIA 3(Domestic Terminal) sana po bigyan ng pansin ang mga ganyang pangyayari salamat po…plate number po ng taxi TYU825 puting taxi mag ingat po kayo sa mga driver na abusado.

    • marvin

      nito lang po ng jan.2012…gabi po.., mag ingat po kayo dyan sa pagsakay sa mga taxi..

  • Figo

    Naganyan na in ako, kasi kasama ko mga estranghero, aba, hiningian kami ng 2,500 pesos ang lapit lang ng hotel na doon kami mag overnight dahil puntang probinsiya pa kami. Grabe talaga. Ayaw ng mga bisita ko na matagalan pa kami, nagbayad na lang sila. Nagreklamo nga ako, pero hindi ako pinakinggan, sinabihan pa ako ng driver ang damot ko raw hindi ko naman pera. Nakakahiya sa ibang kasama namin na marunong mag Tagalog. Dapat talaga alisin ang mga ganyan na driver sa NAIA.

  • dudz

    na ganyan din po kmi dati…sabi ng driver n P250.00 dw ang bayad ngunit ang lapit lapit lng ng pupuntahan…buti n lng may kasama kaming sanay na sa pasikot sikot ng manila…at ininsist niya talga na babaan lng ang presyo…binase n lng ng driver sa metro at pag dating nmn dun P130.00 lng ang nasa metro…o dba ang layo ng 250 sa 130…lintik n mga manloloko yan…di nila alam na pinaghihirapan din nmn ung pera nmn…

  • Andrea

    korek! yung friend ko sumakay taxi, nung tinanong nia sa kasama nia kung magkano sa metro, sagot ng kasama nia 79.50, sabay hirit ni manong, 100 na po minimum ngaun! haha

  • asil

    So true. Pero may mga airport taxi naman na masasakyan din. Mas mahal nga lang ang metro nila pero un ay recorded ng management at may security guard naglilista ng plate number, pangalan ng driver at destinasyon. kapag bibigyan ka ng flat rate sa mga private taxi, i suggest sumakay ka na lang sa airport taxi dahil halos magkaparehas din ang babayaran mo.

  • lav

    actually may ganyan naman ee…sa robinsons galleria, greenbelt etc kpag sasakay ka sa pilahan ng taxi nagbibigay sila ng paper na may nakalagay na plate number ng taxi.. Sa airport lang tlga talamak ang mga makakapal na mukha ng mga taxi driver..lalo na kapag galing ka pang ibang bansa naku.. Peperahan ka nila talaga…

  • Thats true.

  • hyung.jp

    kahit sobrang kulelat nung dating terminal (Domestic Terminal) ng Cebu Pacific dito sa Manila eh maganda yung palakad nila sa pag assist ng mga passengers na naghahanap ng taxi. lahat nakapila. di pwedeng pumili ng pasahero ang mga taxi drivers. di rin pwedeng pumili ng taxi ang mga pasahero. me guard na nagbibigay ng slip kung san nakasulat yungdetails ng taxi pati ng driver pati ng destinasyon mo.

    sa naia 1, 2, 3. goodluck!!! travel light na lang para makapagjeep kau papuntang baclaran tas sakay ng lrt!!!

  • basta ako umaakyat pa ako sa departure , sa tapat ng domestic hehe,tinatimingan ko pagbaba ng nagpahatid,tapos sakay agad ng taxi …hihi…

  • Jo Baes

    thanks myla.ako na encounter ko rin ito.last nov. 6,2011 i took a flight from iloilo to manila (620 a.m – airphil)so terminal 3 ang landing. usually instead of getting a taxi from d arrival area umaakyat ako papuntang departure at doon kumukuha ng taxi. pagdating ko sa tambayan ng mga taxi, kinawayan ako ng 1 taxi driver at sinabing dali-an ko daw at kung saan ang punta ko.sabi ko glorietta makati pero moving na kami at saka na lang sinabi na dagdagan ko daw ng 50 pesos aside sa flag down.sabi ko illegal yan at pwede kita ereport pero sa takot ko kung saan nya ako dalhin sinabi ko na ako ang bahala sa yo kung magkano ang idagdag ko.sumang-ayon sia.pero gulat na lang ako before making a turn to ayala nakita ko ang taxi meter nya na 220 pesos na ang patak.sinabi ko sa taxi driver na dinaya mo ako kasi from d airport to glorietta more than 100 pesos lang.pagbaba ko ng taxi 230 pesos plus ang nasa metrohan pero binigyan ko pa sia ng 25o pesos.late ko nang na realized na bakit ko pa sia binigyan ng ganoong amount.i asked for a taxi receipt at ang binigay sa akin old tape and i insisted na bakit iba itong amount sa flag down mo at binigyan ako ulit ng isa pang receipt na different ang amount. i was in a hurry that time and no time to argue w/ d mandaraya & stupid driver.but i got d plate # which correspond sa o.r na binigay nya. plate # TXT362. one thing pa, he even challenged me to go to LTO na alam ko close kasi sunday. ilang beses na ganoon ang point of destination ko from d airport at alam na alam ko kung magkano ang babayaran ko. sia lang ang nagdaya sa akin. so may lesson na ako na to check d taxi meter upon boarding.thanks sa article na ‘to.more power!

  • menchy

    ay! naku isa ako sa n biktima ng mga taxi driver na yan, yup 350 nga yun kung hndi lng ako nag mamadali mkikipagtalo pa ako sana , awa n din kc kung yung mga nasa government nga mga timawa din eh! yan pa kayng mga taxi driver na yan. Kaya kilala ang ating airport sa the most worst airport in the world dahil may mga timawang kawani ng gobyerno at ang mga taxi driver n yan….. tandaan hndi rason ang kahirapan para man lamang ng kapwa tao, kc nandyan lang si aling karma nag aabang sa mga taong papanglamang.

  • Hi nka experince din kami Parati kami dyan sa Manila ganyan talaga ang mga taxi dyan Puti galing kami makati dusit hotel to airport hiningi nila 700 peso kasi flat rate daw sila sabi I meter nalng ayaw nagalit pa sa Amin kaya sabi ko bakit sa Cebu taxi Hindi ganyan kasi sagot iba ang operator kaya dapat talaga may seminar sila magalang sila sa pasahero. Kaya since pag pumunta kami ng Manila yellow taxi from airport safe pa kahit mahal tiisin basta safe Lang takot ako sa mga driver taxi kasi rude sila magtanong ka sagutin kami ng pasigaw ang Cebu Hindi naman ganyan thnx I share Lang po sa na experince ko sa airport and Manila place

    • ryan

      yup naka experience din ako,,, kaso nalaman ko na pwede kang magbus…. may mga bus sa labas ng airport. 12 pesos lang…

  • Pagsasakay ka ng taxi doon ka sa itaas sumakay wag sa arrival.mag antay ka ng taxi na magbababa ng pasahero sa depature.

    • Theresa

      Yan din ang aking ginagawa ko pag sa T3 ako nababa. Kailangan bago umalis ang taxi I make sure na nakita kung pinindot nya ang metro.