“Stupid is Forever…YOURS”

 

Inaamin ko, idol ko si Miriam Defensor Santiago. Isa ako sa milyun-milyong tagahanga niya at tumangkilik sa kanyang dalawang libro na nailatha; ang “Stupid is Forever” at “Stupid is Forever More”. Sa katunayan hindi lang ako bumili para sa sarili ko. Bumili rin ako para sa kapamilya at iilang kaibigang close sa’kin. Binigyan ko sila dahil gusto ko rin silang tumawa at mapasaya. K’se sa dami ng  problema sa ating buhay na hinaharap natin sa araw-araw, deserve natin “tumawa at sumaya”.

Dito sa Definitely Filipino nakilala si “Inday Luwag”. Sabi ko nga, she’s the funny, bubbly, light side of me. Sa totoo lang, number one akong “hugotera” at mas “emotera” pa sa palaka. Haha. Pero naisip ko, ano ba ang naidulot sa’kin nang kaka-hugot? Utot. Yun na nga, naging dyok na rin ‘yun. K’se nga, hangin talaga ang nalalanghap natin sa kakahugot kaya yun din ang lalabas! Kaya naisip ko, kung may “hugot”, may “luwag”. Dahil ang totoo, nakakahinga tayo ng maluwag pag masaya tayo. ‘Yung saya na galing sa tiyan; “belly laugh”, ‘ika nga. Yung tutulo ang luha mo pagkatapos mong tumawa.

Ang tanong; “kelan ka huling tumawa?” O, sige na nga, iibahin ko na ang tanong; “Kelan ka huling naging tanga?” Naaalala mo pa? Hindi na rin? Kung ganun, baka sa tanong na ‘to, may maalala ka na; “Kelan ka huling nagmahal?” Kahapon lang? Kamakalawa? Noong nakaraang buwan? O, isang taon na ang nakalipas? Dalawa? Tatlo? ‘Di mo na rin maalala? Bakit nga ba kay hirap ibalik ng dati sa alaala ng ngayon? Kung tutuusin, dati, ‘yun lang lagi ang inaalala mo. Siya lang. Sa iisang tao lang umiikot ang mundo mo. Kaya ka nga nahilo. Kung alam mo lang ‘yun lang mapapala mo sana nag take ka muna ng bonamine kontra hilo bago mo hinayaang magmahal ang iyong puso.

Pero seryoso. Dito tayo sa usapang matino. Yung makaka-relate ang lahat lalo na dun sa nagsasabing “walang forever”. Sabi ni idol Miriam, stupid is forever. So meron tayong forever – Pagiging stupid! Haha. Appear tayo dyan! Dahil ang moment na ‘to ay akin at iyo; atin. Dahil gusto ko sabay nating tingnan pa’no mag-disappear lahat ng gusto na nating kalimutan; gaya ng kung paano tayo lumuha – “Hindi nga tayo nalunod sa baha, nalunod naman tayo sa sarili nating mga luha, ‘di ba nakakatawa?” Gusto ko ring kalimutan natin paano maging malungkot – “Nakaka-adik daw yun sa hugot!”.  Sabi ko pa’no hindi huhugot kung laging may pinagdadaanan? Mapa-kaliwa o kanan, wala kang kawala. Tama po ba? Minsan nga punong-puno na tayo, as in quota na, pero gusto pa rin natin maging isang makabuluhang tao, sa kabila ng lahat. Pinipili pa rin natin gawin ang tama, k’se pag tama ang ginagawa natin, hindi tayo tatamaan! Haha.

Kaya ‘eto na po si Inday Luwag.  Muli ko siyang sini-share sa inyo dahil ayaw kong tumawa mag-isa. Gusto ko kasama ko kayo mga ka-DF. 🙂

Babala. Ang mga jokes dito ay hindi kathang isip lamang. Nangyari talaga. Nakita ng dalawang mata ko. Wala akong karapatang manghusga. Kaya dinaan ko na lang sa biro…totoong biro. 🙂

 

  • Sa uyab pa, “hungitanay” as in sweet kaayu! Sa minyo na, “sinagpaay” as in faet kaayu!
  • Sa uyab pa, “caring” kaayu. Sa minyo na, “caring” gihapon…ni-keringking sa lain!
  • Sa uyab pa, “Peksman, mamatay man, ikaw ra dyud akoa.” Sa minyo na, “Anus-a pa kaha ka mamatay animala ka!”
  • Sa uyab pa, “akbay-akbay”, maski asa, “akbay”. Sa minyo na, “sinikhanay!”

  • Sa uyab pa, “hinonghungay”. Sa minyo na, “sinyagitay” ay, murag mga irong buang hapit na magpinak-anay! Haha.
  • Sa uyab pa, “hungitanay” as in sa iyang palad ka pakan-on. Sa minyo na, “sinagpaay”, as in pilik-mata mo na lang ang walang latay. Aray.
  • Noon: “Mr. and Mrs.” Ngayon: “Ms. Tear and Ms. Sisi si Misis!”
  • Noon: In a relationship. Ngayon: In a relationshit.
  • Noon: “Pinatulan ni Misis. Mahal niya eh.” Ngayon: “Pinutulan ni Misis. Mahal ni Mister iba na eh.”
  • Noon: “Online” lagi with matching “emojis” sa chat. Ngayon: On-line ka na lang sa pila sa sakayan o sa grocery habang ka-chat ang sarili.
  • Noon: 24/7, ikaw lang ang inaalala. Ngayon: Tuwing araw ng Sabado ka lang naaalala. Kaya relate much ka sa pinapanood mong MMK?
  • Noon: You’re his “one and only”. Ngayon: Yeah. You’re still the one, but lonely.
  • Noon: Kumakabog ang dibdib sa tuwa pag nakita mo siya (paparating). Ngayon: Kumakabog pa rin ang dibdib, sa sama ng loob at HB (high blood) dahil tatlong oras kang naghintay at ni anino niya hindi dumating. Ouch.
  • Noon: Siya lang ang iyong nakikita. Ngayon: Bulag sa katotohanan, na nakita mo siya at hindi ikaw ang kasama.
  • Noon: Kung maka-“I love you” wagas, parang wala ng bukas. Ngayon: “Kung maka-“I hate you” parang ‘di na aabutan ng sikat ng araw ang isa sa kanila. Lol.
  • Noon: Siya lang ang gusto mong makita. Ngayon: Makita mo na ang lahat huwag lang siya.
  • Sa “magkasintahan”, may “sinta” at “tahan”. Sinta means love. Tahan means “stop crying”. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ibig sabihin. “Paiiyakin la talaga ng love mo!” Ouch.
  • Buti pa ang West Philippine Sea, pinag-aagawan. Ako kaya, kelan pag-aagawan? Haha. 🙂
  • Noon: Pag gising sa umaga, text agad ang almusal. Ngayon: Tanghaling tapat na eh tulog ka pa rin. Pa’no naabutan ka na lang ng tiktilaok ng manok kakaantay sa kanyang text reply. Pero wala, wala, WALA! :'(

O, siya, wala  na kung wala, pero meron pa ring “stupid” na forever pinapana ni Cupid. Kaya’t sa ayaw natin o hindi, tayo ay magmamahal pa rin. Minsan nga lang sa paraang tayo ang higit na nasasaktan.

 

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!