Strengthening Your Relationship (and getting rid of your on-again-off-again routine relationship)

(Photo Credit: sciencedaily)
(Photo Credit:  sciencedaily)
(Photo Credit: sciencedaily)

Note: mas maganda sana kung sabay n’yo tong basahin eh 😉

Sabi nila, ang relasyon daw, tulad ng buhay, ay parang gulong-umiikot lang-minsan nasa ibabaw, minsan din nasa ilalim. Kaso marami sa mga relasyon ngayon, naka-break-neck speed ata sa sobrang bilis ng mga turn of events. Kung makaikot daig pa ang gulong ng race car o tren o roller coaster eh!(may gulong ba ang roller coaster?). Marami sa relasyon ngayon ang parang UNLI promo. Magpapauto ka sa pakulo, maniniwala ka sa “walang katapusan” pero bukas o makalawa mag-eexpire din. Saka ka ulit magpapaload para makapagregister ulit. In other words, kayo yung tipong naglalandian lang kani-kanina pero may biglang dumaang masamang hangin eh kulang nalang magpatayan kayo o kaya naman nalate lang ng 53 seconds ang reply ni mahal, feeling mo may katext na siyang iba o mabanggit niya lang minsan si ex, todo selos ka na na halos pumutok na ang ugat mo sa leeg sa taas ng presyon mo o kaya lumabas lang siya kasama ng mga kaibigan at barkada (DOTA? Mall?) pakiramdam mo mas gusto niyang kasama ang iba kesa sayo.

Ayaw mong sinusuway niya ang mga sinasabi mo o minsan hindi na lang talaga siya nagpapaalam dahil alam niyang hindi ka naman papaya. Nag-aaway kayo at nagbrebreak dahil sa mga dahilang sing babaw ng pinggan (example: bakit hindi ka na nagreply kagabi?? ) saka kayo nagbabatuhan ng kung anu-ano o nagbabawian ng mga gamit o ‘investments’ niyo. Kaso maya-maya din lang o sa isang iglap, isang sorry, o sa hindi maipaliwanag na dahilan bati na ulit kayo at balik ulit kayo sa malagkit na harutan. . . then the cycle begins again. Kaya naman kapag nagsasabi ka sa mga kaibigan mong nag-away kayo, ang isasagot lang sayo ay isang malalim na buntong-hininga at mga katagang “na naman? Oh? Ano namang bago dun?” o kaya “yaan mo, magbabati din kayo”. Kasing bilis mong magpalit ng damit ang pagpapalit mo ng status sa facebook at sukang-suka na sayo ang term na “it’s complicated”.

Seriously, hindi ba nakakasawa? Well, wala ka namang pweding ibang gawin sa mga kalokohang promo ng network mo pero sa kalokohang relationship niyong on and off, away-bati, aso’t pusa, ano na? oo cute minsan tignan ang nagbabangayan at normal lang din ang mga pag-aaway pero kung yun na lang talaga ang tanging highlights ng relasyon niyo, healthy pa ba talaga?

Love alone is not enough for a relationship to survive. Hindi nagtatapos ang lahat sa I love you and I love you too niyo sa isa’t isa. Commitment is a bigger word with a deeper definition that requires a better understanding. If you want your love to last, it has to be more than that.

1. Love, trust, and respect

These three is the triangle of relationship. Love being at the top yet it can never stand on its own without the right amount of trust and respect on its each side. Konektado sila sa isa’t isa na pag nawala ang isa, paano pa magsusurvive yung mga natira?

Love and accept your partner with all your heart. Mahalin at tanggapin mo siya maging sino man siya o maging ano man siya, kahit gaano kasama ang ugali niya, kahit gaano siya kasungit,katakaw,  kadamot, kamoody, kaantukin, kabagal, kapilosopo, kahit gaano kabaho ang utot niya o kalakas ang tighay niya, kahit ano pa ang itsura niya pag tulog siya o pag gising, tatanggapin mo siya ng buo. Mahal mo eh, panindigan mo. You don’t need to rationalize. Kapag tinanong ka kung ka kung bakit at nakapagpoint out ka ng dahilan (mahal mo siya dahil gwapo/maganda siya, mabait, mayaman, matangkad blah blah blah) naku teh, hindi true lab yan! Mahal mo lang ang mga characteristics niyang yun at hindi siya mismo. Paano kapag nawala ang mga katangian niyang yun, mamahalin mo pa rin ba siya? Dahil kung talagang mahal mo siya, sapat ng dahilan yun at wala ng iba. Period. Tuldok. No erasure. No superimposition. Pass your paper!

Ngunit, subalit, datapwat, wag na wag mo ring kakalimutang magtira ng para sa sarili mo. Wag mong ibuhos ang lahat para sa kanya. Sige ka, baka mag-overflow masayang lang. wag mo siyang gawing axis para ikutan ng mundo mo (pwera na lang kung kasing hot niya ang araw. . . ok?corny!) hindi kailangang siya ang maging center of existence mo, dahil sa una’t sapul sarili mo muna ang unang dapat gawan mo nun. Paano mo tatanggapin at mamahalin ang iba kung hindi mo magawa sa sarili mo? Same way, paano rin yun gagawin ng iba sayo? Hindi mo rin kailangang magbago para sa iba o dahil yun ang gusto niya o dahil sinusubukan mong maging taong gugustuhin niya. At kung magbabago ka man, gawin mo para sa sarili mo at para sa ikabubuti mo. Wag mo siyang gawing dahil magiging temporary lang yun. Ipapakita mo lang kapag nandiyan siya o magkasama kayo. Ang resulta? Kontrolado ang kilos mo at hindi ka makagpagpakatotoo. Hindi bam as komportable kung maipapakitamo sa kanya kung sino at ano ka talaga at hindi kung sino ang gusto niya? Same way, mamahalin ka din niya ‘just the way you are’ at hindi dahil sa mga katangiang meron ka. Sabi nga kasi nila, no matter how high the standards we set, the person whom we’ll really love will always be the only exception.

Trust, now this a big word. Tiwala lang(papasa ka din, pang take-3 mo na sa minor subject na yan). Tiwala sa kanya at sa relasyon niyo. Meron ba kayo niyan on both sides? Be the person na karapatdapat pagkatiwalaan. Kung ayaw mo ng gulo, wag kang gumawa ng bagay na ikasasakit lang ng ulo mo. Tandaan mo, sa simpleng salita lang na ito, pweding mawala ang taong mahal mo. Sabi nila, ang mga lalaki daw, timingin man sa ibang babae, at the end of the day, yung babaeng totoong mahal nila ang babalikan nilang isipin. May mga babae ding masyadong attached kay ex. At dahil ‘friendly’ ka (at emotional most of the time), hindi mo maiwasang maging ‘friend’ sa kanya. Pero bakit mo pa gagawin kung alam mong ikakasakit niya diba? Kung talagang mahal mo siya, hindi ba dapat iwasan mong masaktan siya?(buti sana kung tingin tingin lang eh paano kung tikim tikim na rin?o kaya fwb?) Alalahanin mo, ang tiwala parang papel, pag nalukot na mahirap ng ibalik sa dati-cliche but always right.Same way, be the person who can trust. Kung daig pa ng mahal mo ang pasyente sa ICU na every hour ang monitoring (nasan ka? Sinong kasama mo? Anong ginagawa niyo), pwede ka ng maging diary o biographer ng partner mo (pakicheck ang leeg, baka nasasakal na siya). Alalahanin mo din, ang buhangin kapag mas hinawakan mo ng mahigpit, lalong dudulas mula sa daliri mo-cliche but always right.

At hindi lang in terms of ‘other man/woman’ ang tiwala. Magtiwala ka sa kung ano mang kaya niyang gawin, sa pagkatao niya, sa talents and abilities niya, sa mga pangarap niya at sa kung sino siya-same way, who you are as a person will be his/her basis kung hanggang saan ang kaya niyang ipagkatiwala sa’yo-mind, body and soul.

Respect goes hand in hand with trust. Kung may tiwala ka sa mga salita niya at sa kanya, ibig sabihin, nirerespeto mo siya. At dahil respect begets respect, kung alam niyang may respeto ka sa kanya, irerespeto ka rin niya.Siguraduhin mo lang din na irerespeto mo ang mga ipinagkatiwala niya sayo-mind, body and soul. Maging karesperespeto ka at irespeto mo kung sino siya-desisyon niya, pangarap niya at pinaniniwalaan niya.

2. Get to know each other

Kilalanin mo siyang mabuti. Alamin mo kung ano ang ugali niya, kung anu-ano ang mga gusto at ayaw niya, kung ano ang mga pinaniniwalaan niya at kung paano niya tignan ang mundo at ang mga bagay sa paligid niya. This way, mas magiging medaling magadjust sa kung paano mo siya pakikitunguhan. Iwasan mo ang mga bagay na ayaw niya o ikagagalit at ikakalulungkot niya. Alamin at gawin mo ang mga bagay na nakakapagpasaya at nakakacomfort sa kanya. Malalaman mo rin kung ano ang mga bagay na common sa inyo at parehas ninyong naeenjoy o pwede niyong gawin ng magkasama. Same way, malalaman mo ang mga hilig mo na pwede mong iintroduce sa kanya (o mga hilig niya na pwede mo ring pasukin).

Minsan hindi mo siya kailangang tanungin. Mas maganda kung ioobserve mo siya on your own tuwing magkasama kayo. Unconsciously naipapakita niya kung sino siya at kung ano mga gusto o ayaw niya on the way s/he reacts, moves, or responds. Mas magiging accurate ang conclusion mo dahil yun mismo ang mga nakita mo sa kanya. Pakinggan mo kung paano siya magkwento at kung paano siya mag-isip. Malalaman mo kung ano nga ba mga pinaniniwalaan niya. Pay attention to small details because it’s what really matters- ano ang mga pinapakinggan niyang kanta, anong madalas niyang orderin kapag kumakain, anong klaseng damit ang madalas niya isuot, anong comfort food niya pag depress, anong madalas niyang gawin, anu-ano ang mga paborito niya (kulay, pagkain, movies, etc), paano siya magalit, gaano katagal siya maligo at magprepare, paano siya makitungo sa ibang tao. Hindi mo kailangang itanong ang mga to. At mas maaapreciate niyang alam mo dahil inoobserve mo siya at  nagtutuon ka ng pansin sa kanya.

3. Veracity and understanding

Truth-telling and proper explanation will lead to better understanding. Sabi ni Nathan sa isang librong sinulat ni Catherine Ryan ‘the truth is simply the truth, and perhaps does not exist for us to bend and revise or even filter to suit the feelings of those we love and want to protect’. Nagets mo? Good. Ako kasi hindi. Ang totoo ay totoo lang at malamang na umiiral hindi upang ating baluktutin at baguhin o kahit piliin para ibagay sa damdamin ng mga taong mahal mo at gusto mong protektahan (oo, tinagalog ko lang, para magets natin pareho). Kung may mga dapat kang sabihin na sa tingin mo ay importante sa’yo o sa inyong dalawa at sa tingin mo rin ay pweding makaapekto sa relasyon niyo, pwes magpakatotoo ka at panindigan mo. Wala namang hindi nadadaan sa matinong usapan at kalmadong pagpapaliwanag. Magtiwala kang kaya ka niyang tanggapin at kaya ka niyang maintindihan. Dahil kung magsisinungaling ka para hindi siya masaktan, hindi ba mas masakit na hindi ka nagsabi ng totoo sa kanya? At kahit gaano pa kaputi ang kasinungalingan mo, kasinungalingan pa rin yan (wag mong hintaying sabihan ka niya ng mga katagang ‘I can take the truth, why lie to me?’-ma’am domz). Kung mamamatay ka na bukas, sabihin mo. Kung natatae ka, ilabas mo. Kung bakla ka pala, come out! At least may kasabay kang humanap ng bagong Fafa (kaya pala ayaw mo siyang samahang bumili ng heels o ayaw mo siyang magsuot ng short skirt, naiinggit ka!) Kung nakagawa ka ng kasalanan (o kataksilan) ipagtapat mo, para makahingi ka ng tawad. Dahil kung huwad na katotohanan ang magiging pundasyon ng relasyon niyo, paano mo madidifferentiate kung alin ang real love?

At kung sakaling dumating ang panahon na ‘the love has gone’ tell it in the most sincere and honest way. Oo masasaktan siya, pero mas masasaktan siya kung paaasahin mo lang siya sa ‘forever and ever’. At kung talagang mahal ka niya, pakakawalan ka niya. The truth will set you free-cliche but always right.

4. Display maturity

Being childish and being immature are two different things. Dont choose to be the annoying one! So, pakinggan mo kung anong sasabihin sayo ‘para kang bata’ o ‘isip-bata ka’. Kung ikaw yung taong makulit, malikot, maingay o galawgaw pero when it comes to serious talk eh mas matanda ka pa sa mas matanda sayo-siguro, okay lang yun (sino kaya to?HAHA!). Pero kung ikaw yung taong umiiyak habang naglulupasay at gagawin ang lahat makuha lang ang gusto-ano ka, three-year-old toddler? Harapin mo ang mga bagay na may tamang presence of mind (at common sense). Kung may problema, solve it. Kung may mali, find a way to make it right. Kung may hindi pagkakaunawaan, talk about it. Kung may pagkain ka, pahingi naman oh-okay na sa akin ang hershey’s kisses na dark chocolate-gutom na kasi ako!

Kung may away kayo o tampuhan, wag mong salubungin ng init ng ulo ang galit ni mahal (world war, wrath of the titans at hunger games all-in-one ang kalalabasan niyo). So bago kayo magbatuhan ng plato, baso, tv, takong, laptop (akin na lang, sasaluhin ko), at kutsilyo o bago kayo maggantihan ng selosan o bago kayo magbugahan ng apoy-pag-usapan niyo muna, baka naman misunderstanding lang. Hayaan niyong huminahon muna ang isa’t-isa dahil baka makapagsalita o makagawa ka/siya ng mga bagay na pagsisisihan niyo lang pag humupa na ang gyera.’never make a decision at the peak of your emotion-sir lucas’ (at habang nagpapalamig kayo ng ulo, magdate muna kayo! Epektib daw yung sabi ng instructor ko) Pag nasa tamang pag-iisip at katinuan na ulit kayo, be mature enough to admit na nasaktan ka, nagselos ka, o ayaw mo sa ginawa niya. Be mature enough to admit na nakasakit ka o nagkamali ka. Para sa susunod, alam niyo na pareho ang mga dapat at hindi dapat gawin at hindi na maulit o magkasakitan pa.(hindi na kayo gradeschool para sa motto na ‘pag tinulak ka, itulak mo rin!’)

5. Privacy (and confidentiality)

These also goes with trust and respect. Oo, dapat mo nga siyang kilalanin. Pero hindi mo na kailangang alamin pati password niya sa FB, email o iba pang social network accounts niya. Hindi mo rin kailangang halungkatin ang phonebook list niya o mga inbox messages niya. Hindi mo rin kailangang pakialaman ang computer niya, phone, files, diaries at notebooks at kung anu-ano pang personal things niya.(at lalong hindi mo kailangang malaman ang dulo ng bank account niya o pin number ng atm niya). May mga bagay kasing nananatili lang talaga sa sarili-pweding dahil importante o parte yun ng pagkatao niya. May mga bagay na hindi niya masabi/sinasabi sa kahit kanino (kahit parents o bestfriend o ikaw mismo).Or pweding sila lang ng parents niya o sila lang ng bestfriend niya ang nakakaalam. But there are things he/she may just keep to his/herself. (Kahit ikaw din naman di ba? May mga bagay na sadyang sayo lang talaga) Hindi mo na kailangang hukayin yun. Respect his/her privacy. At kung sakaling mag-confide siya sayo ng mga bagay na tungkol sa kanya, keep it confidential between the two of you. Prove that you are trustworthy. At kung ano man ang meron sa relasyon niyo, hindi mo kailangang ibroadcast ang bawat detalye sa ibang tao (lalo na kung yung performance niya sa alam mo na. . .). What you have, you know it.

6. Let him/her live her life

Hindi lang puro lovelife and buhay. Meron din tayong tinatawag na critical needs, responsibilities and obligations. Nandiyan ang worklife, school life, social life, social networking life, pati ang mga magulang niya, kapatid, kaibigan, groupmates, pet, kapitbahay, ipis, anay, bills at magulong kwarto niya. Sabihin na nating (sige, pagbigyan) iaw nga ang mundo nya, o ang buhay niya, o ang reason of existence niya- pero dahil nga nag-exist kasa mundong ito, marami ring kalakip na buhay ang buhay niya. Hayaan mo siyang gampanan ang role niya on his/her own as a person (not as you being a couple). Hayaan mong mabuhay siya base sa pangarap niya (kahit nung bago ka dumating sa buhay niya.) Hayaan mong hanapin at magremain ang identity niya o kung sino siya bilang tao (kayo man o hindi)-dahil hindi naman siya yung taong bf/gf/asawa mo ngayon na kina-in-love-an mo o nain-love sa’yo nung mga panahong hindi pa kayo (malamang di ba? Pero gets mo naman na kung anong ibig kng sabihin!) Hayaan mo siyang punan ang pagiging anak niya sa mga magulang niya o lumabas at makitawa kasama ng mga kaibigan niya-maging normal na estudyante o magtrabaho para makbayad ng bills. Hayaan mong tuparin niya ang mga pangarap niya. Hayaan mong maging siya kung sino man siya. (hindi ka naman mawawala eh, andiyan ka as a guide every step of the way). Kaya kung gusto niyang magDOTA, magbasketball kasama ng barkada, mag-inuman (basta ba linisin niya ang sarili niyang suka eh!)-sige lang, hindi m siya kailangang pigilan. O kung gusto niyang magmall kasama ng kaibigan niya o magshopping (basta ba sarili niyang credit card ang gagamitin niya eh)-sige lang, hindi mo siya kailangang bakuran. Para years from now, wala siyang pagsisihang hindi niya nagawa o naenjoy habang kasama ka niya.

7. Allow time to miss each other

Para sa mga couple na daig pa ang uod kung makapulupot at makalingkis sa isa’t-isa, ayjuskopo, kulang na lang, magkapalitan kayo ng mukha. Ni hindi niyo matiis ang kakhit one-inch na pagitan na hindi mo na malaman kung alin ang B1 at B2. (eh paano nalang kaya kung nasa mundo kayo ng LDR? Windang na!) Hindi mo naman talaga mapipilit na magkasama kayo every hour, every second eh (paano pag natatae ang isa sa inyo?) Pero the time when you are not together will allow you to miss each other and missing each other will helps the relationship grow. Kasi malalaman at marerealize mo yung difference ng presence niya at mas mapapahalagahan mo siya at ang time niyo together pag magkasama kayo (at malalaman mo rin kung anong mawawala sa’yo kung sakalng magloko ka!). pweding hanap-hanapin mo yung kulit, ingay, daldal niya at mga ugali niya na hindi mo pinapahalagahan (o natetake for granted) pag lagi kayong magkasama. But hey, nothing beats a sweet sweet reunion and a whispered ‘I miss you’.

Para sa mga LDR (oo, sobrang time and distance naman na ata to miss each other), pero time and distance are not supposed to matter (though in real life, they do really matter), so willing at kaya niyo bang panindigan? Kung oo, prove it. Kung hindi, wag niyo nang hintayin na mas magkasakitan pa kayo. Sabi nga ng Santo Papa, ‘make your absence long enough for them to miss you, but not long enough for them to learn to live without you’. After all, gaano man kayo kalayo sa isa’t isa, your hearts will always close the distance so that when you see each other again, it’s like no time has passed.

8. Little surprises, Sweet nothings

Hindi mo kailangang gumastos para maiparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal (unless may TV network na handang magsponsor ng mga pakulo niyo). Mas naappreciate yung mga simpleng bagay na pwede mong gawin o sabihin para ipaalala kung gaano siya kaimportante sa’yo. Small things go unnoticed but they are what really matter and you’ll miss the most. At magagawa mo ang mga bagay na yun kung kilala mo talaga siya-king alam mo ang nga bagay na gusto niya at makakapagpangiti sa kanya-mga hilig niya, paborito niya at simple wishes niya. Gawin mo unexpectedly, surprisingly, out of the blue and without expecting something in return. Kung mahilig siyang magbasa ng libro, bigyan mo siya ng sinulat ng favorite author niya at basahin niyong dalawa ng sabay o kaya favorite food niya o long hug o unexpected messages, notes and codes o signature kiss, smile or actions meant only for him/her (hindi ako magbibigay ng madaming examples dito, diskarte mo na yun). Simple acts na kung tutuusin pwede mong gawin everyday at ang importante, behind every sweet gestures are real messages and reminders for both of you.

9. Decision making, believing and support

Be a guide on decisions na gagawin niya but never manipulate. Hayaan mong siya pa rin ang mag-isip ng mga inforcements and consequences sa mga gagawin niyang desisyon. It will him/her be more mature and appreciate you more for being by his/her side at these times. At kung ano man ang maging desisyon niya be the first one to support. Wag kang maging pabigat o sagabal dahil lang hindi mo gusto ang napili niya. Lalo na kung tungkol sa mga pangarap niya, paniwalaan mo ang mga kakayahan niya at tulungan mo siyang maniwala sa sarili niya. Never be a hindrance to his/her dream. Ikaw ang una niya aasahan pagdating sa suporta. And always be beside him/her in every step, every failures and every trying again.

Let him/her grow-up, make mistakes and learn lessons. Wag mo siyang pangunahan sa kung anong mga dapat at hindi niya dapat piliin o gawin. Same way, hindi mo rin dapat idepende ang mga desisyon mo sa kanya. Magdesisyon ka sa sarili mo base sa kung anong gusto mo at alam mong ikasasaya mo at hindi mo pagsisisihan

10. Making more memories

They say na kapag may mga break-ups mahirap balikan ang mga masasayang alaalang alam niyo parehas na kahit kailan hindi na mauulit. (Pero paano ka mageemote kung wala kang mabalikang happy memories? Puro bangayan at away lang ang pwede mong ireminisce?) Anyway, bakit mo nga ba kelangang malungkot kung hindi mo na pweding ulitin yung mga memories nay un? Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang dahil kahit papaano naexperience mo ang mga yun at sa mga panahong nandun ka pa eh naging masaya ka?

Make memories that are worth remembering. Gumawa kayo ng maraming bagay na magkasama-have fun, relax, enjoy. Explore things on which you both are first timers. Set out on adventures, travels, learnings o kung ayaw niyong gumastos peraho kahit yung mga simpleng bagay lang na lam niyong maeenjoy niyo. Sa ganitong paraan mas marami kayong time para sa isa’t isa na worth treasuring hindi lang ngayon kundi sa mga susunod pang panahong magkasama kayo (o sa break up niyo?). Mas tumitibay sa samahan niyo at mas tumatatag ang relasyon niyo. Hindi niyo namamalayan mas nagiging malalim ang pinanghuhugutan niyo para sa pagsasama niyo. This way, parehas kayong may dahilan para hindi basta-basta bitawan ang isa’t-isa.

In making memories, there’s a differenve between making memories together and making memories and sharing them with each other. Hindi ba mas magandang meron kayong magandang alaala pareho at mas natretreasure niyo yun dahil sa siya ang kasama mo sa mga memories na yun?

In the near future or far future, kung sakaling hindi na kayo magkasama, may pwede kang balikang panahon na pwede mog ngitian at masabi mong nagging masaya ka. Hindi na importante kung pwede o kaya niyo pang ulitin, ang importante meron at nagawa niyo.

11. Saying I Love You

Sa tuwing sasabihan mo siya ng mahal mo siya, siguraduhin mong bukal sa loob mo at nararamdaman mo yun lalo na sa mga panahong binabanggit mo ang mga salitang yun. Sa ganoong paraan, malalaman niya at mararamdaman niya ang sincerity mo na totoo ang sinasabi mo. Never say “I love you ” out of routine. Kumbaga nakasanayan o nakagawian mo na. Hindi naman importante kung gaano kayo kadalas o tuwing kelan kayo nagsasabihan nun eh. Mas importanting naipaparamdam niyo yun sa isa’t isa. Dahil kung nasasanay kayo sa I love you a ineexpect niyo na lang yun baka hindi niyo mamalayan na nagsslip out na pala yung feelings. Hindi moa lam, empty words nalang pala yung binabanggit mo o naririnig mo (malay mo, signature niya pala yun sa text?). Say I love you from the bottom of your heart in different ways as many as you can think of and do. Pweding sa simpleng paghawak s aka,ay, pagngiti sa kanya o sa pagtingin sa mga mata niya o kaya naman sa simpleng hug, pagtawag sa pangalan niya o kaya paghawi ng buhok niya. Always make it special and always make it real. Make signature actions na sa tuwing gagawin/ sasabihin mo it will always mean na mahal mo siya. (Did you know that there’s a song that says lalala means ‘I love you’)

There’s no such thing as perfect relationship. Lahat may mga pinagdadaanan at nilalampasan. Ang importante may natututunan. Kung tatanungin niyo ang mga elder couples na hangganga ngayon magkasama pa rin, wala naman silang ibang special answer other than love. Siguro, kung wala kayong choice but to stay together, you just have to find a way to make it work. Maraming advice tungkol sa love sa mundo, pero sa inyong dalawa pa rin nakasalalay kung paano niyo ihahandle ang relationship niyo. At wag niyo ding kalimutan na may limitasyon din sa kung haggang kalian kayo magsstay sa piling ng bawat isa-kung nasasaktan ka na (physically, emotionally, mentally) paano mo masasabing masaya ka? Kung sa tingin mo nahanap mo na ang ‘true love’ at siya na talaga ang ‘the one’, pakiimbita nalang ako sa kasal niyo ha? Best wishes! NgitiJ

P.S. kung tatanungin n’yo ako kung nagagawa ko ba lahat ng ito, ang sagot HINDI! Hindi dahil mahirap kundi dahil . . . HAHA! Single ako:P

About julie simaurio

"bata" ang madalas nilang itawag sa akin, kung bakit, well, sekreto yun pero tingin ko alam mo na. kung sino man ako, depende yun sa sitwasyun ...at sa mood ko kaya siguro ikaw na bahala. . . generally, i sleep. i walk. i eat. i laugh. i go to school. i cry. i smile. i got lots of moods a day. i talk. i value my friends. i'm lazy. i love to read. i love to write. i'm a good listener. i love music and books and movies and having fun I'M A COACH. I'M A PLAYER. i am who i am. i'd like to know you. i still think i'm normal but i have ABNORMALITY ATTACKS:))
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!