Strangers Again…

I’d Be A Fool If I Couldn’t See
How Things Have Changed Between You And Me
Maybe We Try Just A Little Too Hard
And Now We Are Strangers Again

Nagmahal. Nasaktan. Naging estranghero sa isa’t isa.

STRANGERS AGAIN. Etong eto na tayo ngayon. Nakakalungkot isipin na sa loob lang ng siyam na buwan parang hindi na natin kilala ang isa’t isa. Namimiss ko yung mga panahon na magkasama tayo. Yung panahon na sabay tayong kakain. Hahawakan mo kamay ko ‘pag magdarasal tayo pag kakain na ng lunch. Yung panahong lalapit ka sa akin para lang tignan ako at sabihing “You are so beautiful”. Sa umaga pagdating mo, hahalikan mo ako sa labi at babatiin ng “Good morning”. Kukuwentuhan mo ako ng kung ano ang nangyari sa pagbibyahe mo papasok sa opisina. Pagdating ng uwian, sabay tayong lalakad hanggang sa may sakayan. Yung mga simpleng bagay na nagiging espesyal kasi kasama kita. Namimiss na kita, alam mo ba.. Namimiss ko ang mga kuwentuhan natin. Ang walang kasingsaya na mga sandali kasama kita. Yung paraan mo nang pagngiti. Yung tawa mo na abot hanggang mata. Yung boses mo na animo’y musika sa aking mga tenga. Yung paraan mo nang pagtawag sa pangalan ko. Ikaw yung taong hindi lang salita, pati gawa. Namimiss na kita. Mahal kita, alam mo ba..

Tayo yung tipo ng tao na pinagtagpo pero hindi itinadhana. Saklap ‘no? Lahat sila pinaglalayo tayo. Hindi nila gustong may “tayo”. Wala naman tayong magagawa eh. Tama naman sila. Pero alam mo, masaya ako kasi alam ko na sa kabila nang paghadlang ng lahat sa relasyon natin, alam kong sinubukan pa rin natin. Lumaban tayo. Yun nga lang, yung klase ng relasyon natin ang hindi pwedeng panindigan.

Tuluyan na nga tayong nagkalayo. Pansamantalang nawalan ng komunikasyon. Naudlot ang pag-iibigan. Sa mga panahong hindi tayo magkasama, para akong mawawala sa katinuan. Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin. Baka magmahal ka ng iba. Baka makalimutan mo na ako. Baka hindi mo na ako kilala. At marami pang baka..

Baka naman mali ako ng iniisip. Baka wala namang nagbago. Baka naman meron pa ring “tayo” kasi nung nagkita tayo ulit sabi mo diba “IN MY EYES AND IN MY HEART YOU ARE STILL THE SAME”. Nagulat ako nung hinalikan mo ako sa labi. Ibig bang sabihin na-miss mo ako? Mahal mo pa rin ako? Tulad ng hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sayo.. Mahal na mahal pa rin kita, alam mo ba. Pero bakit ganon..

I Kiss Your Lips But They Feel So Cold
I Still Remember We Used To Hold
On Those Cold And Lonely Nights, We Make Love
And Now We Are Strangers Again

Nakalulungkot isipin na wala na tayo masyadong mapag-usapan ngayon. Hindi tulad noon. We can talk anything and everything under the sun. Nagmistulang piling pili na lang ang mga bagay na puwede nating pag-usapan. Ano’ng nangyari? Bakit nagkaganon? Ikaw pa rin ba yung estrangherong nakilala ko? Yung minahal at mahal na mahal ko?

Oh, Lady, It’s Hard To Believe
That There In Your Eyes, Stranger I See
And That The Only Song, We Got Left To Play
Are The Memories Of Yesterday

Nawawalan na ako ng pag-asa. Pag- asa na balang araw, tayo pa ring dalawa ang nakatadhana. Dapat pa bang maghintay sa isang bagay na walang katiyakan? Oh mas mabuting sumuko na lang dahil mukha namang walang patutunguhan? Sa mga alaala na lang natin ako kakapit. Mga alaala na punumpuno ng pagmamahalan nating dalawa. Nung mga panahong kilalang kilala pa natin ang isa’t isa.

Dahil ngayon, we are strangers again..

 

About Bellywelly

https://www.facebook.com/paginlovenagigingtanga/