SONA AT ANG ATING BANSA : Part 5 Pangulong PNOY

(Photo Credit: bangortobobbio.blogspot)
(Photo Credit: bangortobobbio.blogspot)
(Photo Credit: bangortobobbio.blogspot)

Taong 2010 – walang mag-aakalang ang isang senador na tahimik lamang sa paggawa ng batas ay tatakbo at mahihirang na maging presidente ng ating republika. Siya ay anak ng dalawang kagalang-galang na tao na kilala sa buong mundo dahil sa pagmamahal nila sa bayan. Ang ama na inalay ang buhay at ang ina na lumaban sa isang pangulong nakaupo sa kanyang trono ng mahigit 20 taon.

Sa mga nakaraang mga pangulo ay tila lalong naghihirap ang ating bansa kung kaya humanap o lumabas ang pangalan ni Benigno Simeon Aquino Jr. at nagwagi sa halalan. Biglang nagkaroon ng pag-asa ang taumbayan sa bansa at ang tiwala sa kanya ay umabot ng 80% na siya ang sosolusyon sa problema ng bayan.

Unang mga taon ay para siyang nangangapa at nakikipagbiruan pa sa media, paninigarilyo at pagdate niya ng mga babae ang laging laman ng pahayagan. Batikos sa kanya ay laging puyat at walang pakiaalam sa nangyayari at hindi hands on president si Pnoy.

Ngunit sa kanya lamang makikita ang pagiging palaban na president, inaalis lahat ng mga balakid para makamtam ang tunay na reporma. Alam na niya ang mga pasikot-sikot sa politika at kung sino ang mga umaaruga sa mga taong umubos ng kaban ng bayan.

Una niyang nilinis ang Sandiganbayan at ang Pinuno ng Korte SUprema sa pamamagitan ng pagbanggit nito sa kanyang mga talumpati hanggang maimpeach ang Pinuno at magresign ang nasa sandigan bayan. Iniluklok doon ang isang bagong Chief justice na siyang hindi miyembro ng Boys club sa korte at isang palaban na chief justice. Sunod ay ang pagkakaroon ng mga paglilinis sa pamamagitan ng pagsampa ng kaso sa dating pangulo at mga sangkot sa PDAF. Oo, hindi siya ang nagsabi, ngunit sa pamamagitan ng mga taong kanyang itinalaga ay mukhang iikot na naman ang gulong ng katarungan.

Paglilinis sa customs at tamang pamamalakad sa BIR ang kanyang isinaayos para mawala ang katiwalian o mabawasan man lang ang mga smuggling at tumama ang pagbabayad ng buwis. Kahit meron pa rin na mangilan-ngilan na kumukurakot ay hindi kasing talamak noong mga naunang panahon. Maging ang ating PAG-ASA weather system ay inayos niya kung kaya tama na ang mga pagbanggit ng mga darating na bagyo.

Nabanggit rin niya noon na malaki ang problemang kinahaharap niya at hindi niya lahat ito matatapos sa kanyang termino, pero nangako siyang aayusin ang mga sistema na baluktot. Walang mahanap sa kanya na butas sa mga unang tatlong taon niyang pamamalakad at lahat ay nag-iingat, ngunit parang mga buwitre ang mga katunggali niya nang makaamoy ng isang alingangas ay pinalaki ito at ginawang isyu para siya ay madapa. Ang tiwala ng bayan ay bumaba sa 47% na ibig sabihin ay hindi na niya makuha ang simpatiya ng tao.

Sa huling SONA niya ay ramdam mo ang kanyang sama ng loob laban sa mga bumabatikos sa kanya nang sabihin niyang ‘Kapag tinalikuran ko kayo ay para ko na rin tinalikuran ang aking mga magulang’ at nandiyan siya para tapusin niya ang mga nais ng magulang niya na makita ang Pilipinas na tunay na malaya at sagana.

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!