SONA AT ANG ATING BANSA : Part 4 – IBAGSAK ANG GOBYERNO!

effidy pnoyIBAGSAK ANG GOBYERNO! PAKANA ITO NG AQUINO-US IMPERYALISMO!

Ganito ang mga karaniwang sigaw at nakalagay sa mga tarpaulin ng mga raliyista sa atin. Marami nang presidenteng umupo at hindi nawawala ang mga militante at aktibista sa bawat gobyerno. Ito ang mga sinasabing uring manggagawa at mga anak pawis o makabayan.

Kapag may SONA, kapag may mga isyu, kapag may kaguluhan ay asahan ninyong lalabas ang mga iyan. Magsusuot ng pulang tshirt o headband at nakataas ang kamay sa pagsisigaw na ang bansa natin ay hawak sa leeg ng Imperyalismo at diktaturang gobyerno.

Karamihan ditto na sumasanib ay ang mga taong hindi kataasan sa lipunan at madaling mabuyo dahil na rin sa kahirapan. Yung tinatawag na indoctrination na kung saan ay isang konseptong gusto nilang palawigin at palabasin kahit baluktot ang isang isyu na siyang magpapaalab ng damdamin ng isang tao na sadlak sa hirap.

Marami na rin na nabibiktima sa kalakarang ito, isang tao na nawalan ng lupa o tirahan. Mga manggagawang nawalan ng trabaho. Mga estudyanteng nag-aaral sa pamantasan na bayad ng gobyerno. Mga taong hindi buo ang pusong makabayan at nauudyok lang ng kanilang mga damdamin.

Ito yung mga klase ng tao na kahit ano o sino ang nakaupo ay nagrereklamo lang lagi at sumisigaw ng hustisya. Pero kapag ating susuriin, itong mga uring manggagawa natin ang siyang humahalal ng kung sino ang dapat umupo at manilbihan sa bayan, pero karamihan ay nasisilaw sa mga binibigay na pera at 2 kilos bigas, sardinas at noodles para sila ay iboto.

Hindi makukuha sa sigaw lamang at pagsusunog ng effigy ang isang bagay na nais nating makamtam. Tanong lamang ay ano ba ang ginagawa ng mga ito para umangat sa buhay at tumulong sa inang bayan? Meron ba silang nagawa o parating ngawa lamang? O sila rin ay ginagamit ng isang pangkat para ipairal ang komunismo?

Dahil nung tayo ay ginugulo ng mga taga-tsina at laging pumupunta sa ating teritoryo, nakita n’yo ba na sila ay nag-aklas at kinondena ang Tsina? Hindi ba wala? Pero nung nag-angkat tayo ng mga armas para depensahan natin ang ating bayan ay nag-iingay sila na dapat raw ay huwag nating gawin iyon at maraming buhay ang malalagay sa kapahamakan.

Ito ba ang mga tinatawag nating makabayan? 

About da_professor

Masasabi kong ako ay jack of all trades, master of nothing. Simula noong bata ako ay marami na akong nasalihan at nainvolved na activities..choir, theater, cubs scout, boys scout; senior scout. Karate, taekwando, arnis. Sali sa legion of Mary, block rosary , youth organization, sumasali sa mga tournament ng basketball, volleyball, bowling, tennis, chess, pingpong at kung ano ano pa. Hanggang ako ay nagkatrabaho, nagkapamilya ay nawala na ang mga aktibidades ko. Ang hindi lang nawala sa akin ay ang hilig ko sa pagsusulat. Siguro bunsod na rin ito ng hilig ko magbasa at magobserba ng mga bagay bagay kung kaya ang aking creative juices ay buhay na buhay pa. Sa kasalukuyan ay nasa gitnang silangan ako na araw araw ay nakikihalubilo sa mga manggagawa dito para siguraduhin ang kanilang kapakanan (human resource) Biniyayaan ako ng limang anak at isa na lang ang nagaaral sa kolehiyo.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!