“Sometimes you just have to pick yourself up and carry on”

Image by Pinterest

Sabi nga ni Racz Kelly, isang DF blogger na naka-base sa Canada: Lahat tayo, may problemang kinakaharap.

Sabi nga, abnormal lang ang walang problema. Pero ang pagkakaiba ng bawat isa sa atin ay kung paano natin hinaharap ang ating mga suliranin sa buhay. Maaaring iyan ay tungkol sa pamilya, lovelife, pera, trabaho, kaibigan, kalusugan o personal na issues.

Pero sabi nga, hindi ibibigay sa iyo ang problema kung hindi mo ito kakayanin. Kaya huwag kang masyadong mag-isip. Huwag kang sumuko sa buhay. Kaya iyan tinatawag na problema dahil iyan ay may karampatang solusyon.

Kung sa tingin mo ay malaki ang problema mo, isipin mo ang mga mas nakakaawa pa sa iyo.

Kung nababasa mo itong post ko, ibig sabihin, masuwerte ka kasi may phone kang may internet or may wifi. Samantalang ang iba, ni hindi nga alam kung ano ang Facebook dahil walang celfon o kaya ay walang pambili ng load.

Kung may suweldo kang hinihintay sa kinsenas o katapusan, masuwerte ka kumpara sa iba na walang trabaho kasi hindi sila matanggap-tanggap sa ina-apply-an nila.

Kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw (masarap man o hindi), masuwerte ka kasi ang iba, namumulot lang sa basurahan maitawid lang ang gutom.

Kung namomroblema ka sa lovelife, magpasalamat ka dahil ibig sabihin, tao kang marunong magmahal kaya ka nasasaktan kaysa sa iba na manhid at walang pakialam sa iba.

Kung nagising ka kaninang umaga, magpasalamat ka dahil nadagdagan na naman ng isang araw ang buhay mo; hindi tulad ng mga naghihingalo na nasa hospital at hinihintay na lang kung kailan ang kanilang huling paghinga.

Bilangin mo ang magagandang nangyayari sa buhay mo kaysa sa mga problemang kinahaharap mo. Malalaman mong masuwerte at blessed ka.

Ang mga problemang iyan, magpapatatag sa iyo at kapag nalampasan mo na, ikaw ay magiging smarter, wiser at mas madadama mo ang tunay na tagumpay!

Sabi nga ni Orange, “Sometimes you just have to pick yourself up and carry on.”

If you feel blessed after reading this, you can share so others can be blessed too…

[Ang post na ito ay hango sa Facebook post ng aking anak-anakang si Raquel Padilla a.k.a. Racz Kelly  ^_^ at inilagay ko dito upang mapasama sa archives at maibahagi sa mga readers na gustong ma-inspire.]

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!
Source :

Facebook, Amazon

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!